Reflection ten: Bye Bye to whom?

235 8 3
                                    

Mirror, Mirror..

Reflection Ten: Bye bye to whom?

Valerie's POV

9:00 am..

Matapos magalit sakin at iwanan ako ni Darren kagabi, hindi ko naman mapigilan ang luha ko at humagulgol na ko sa loob ng salamin.

" Hay!! maari bang tumahan ka na dyan Valerie?! hindi ako makapag-isip ng tama sayo e!"

sita naman sa akin ni Venus, hindi naman kasi niya ko naiintindihan e.

" * hikbi* kasalanan mo to e! bakit kasi hinalikan mo pa si Darren sa harapan ni Kelvin! akala ko ba hihingi ka ng paumanhin sa kanya? ni hindi ko manlang alam na yun ang plano mo! ang sama na tuloy ng tingin niya sakin dahil sa ginawa mo!"

" Hindi ko naman alam na magiging ganun ang reaksyon niya e? kahit sinong lalaki, magugustuhan ang ginawa ko ngunit yang Darren naman na yan napakaarte! "

" Hindi naman kasi ganun si Darren e, iba siya! at minahal niya ko bilang ako."

"siya tunay! kaya nga magpasalamat ka parin sakin dahil kahit papano inamin niya sayong mahal ka niya, e di nalaman mo! at nagselos si Kelvin, ang isipin mo nalang malapit ka ng makalabas sa salamin."

" para saan pang makalabas nga ako ng salamin, nawala naman sakin si Darren * hikbi*"

" tssh.. maari bang tigilan mo na ang pangongonsensiya sa akin? e di pag nakalabas ka na ng salamin tyaka kayo mag-usap, hindi ba maari yon?"

" sa tingin mo ba patatawarin pa niya ko?"

" hay oo naman! hindi ka naman siguro matitiis non ano! kaya maari ba bigyan mo ko ng konting katahimikan? nag-iisip ako kung paano kita mapapalabas sa salamin."

" bahala ka na nga dyan, hindi ko nga alam kung bakit pumayag payag pa kong magpakulong dito sa salamin para lang maghiganti, nasa tabi ko lang pala ang taong nagmahal sakin ng totoo at magpapasaya sakin.."

" Valerie, nangyari na e, ngumawa ka man dyan ng ngumawa, huli na ang pagsisisi, ginusto morin naman diba? isa pa, kung hindi naman nangyari lahat ng ito, e di hanggang ngayon bulag at bingi ka parin sa katotohanan. "

hindi naman ako nakaimik sa sinabi ni Venus, tama siya.. naging bulag at bingi nga ako, palagi kong hinahanapan ng kakulangan ang sarili ko pero para sa mga taong nagmamahal sakin ng totoo, sapat na ako sa kanila, kinulong ko ang puso ko sa galit, at higit sa lahat, ipinagkait ko sa sarili ko ang pagkakataong mamuhay ng malaya at masaya sa piling ng mga taong tanggap ako bilang Valerie..

si Venus lang ang nag-alok sakin ng tulong, pero choice ko parin kung papayag ako, wala akong karapatang sisihin siya kundi ang sarili ko...

tok tok!

bigla namang may kumatok sa pintuan habang nagmomoment ako.

" anak, nandyan si Kelvin sa labas, nagwawala! gusto ka raw makausap, ano bang problema ng batang yon ha? may problema ba kayong hindi ko alam?" tarantang-tarantang sabi ni mama, hay oo nga pala hindi ko pa nasasabi sa kanya na wala na kami..

binuksan naman ni Venus ang pinto, " ma, tyaka ko nalang po ipapaliwanag kapag naayos ko na ang lahat,sige po haharapin ko muna siya." dinala naman ako ni Venus at binabaan namin si Kelvin.

" V-Valerie! salamat naman at binabaan mo ko, baliw na baliw na ko sayo e, please hayaan mo kong patunayan sayo ang sarili ko! *hik*

Mirror, Mirror [Short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon