Reflection four:
Venus...
Valerie's POV
Matapos niya akong tingnan, sinagot naman niya ang tanong ko habang hinahawi ang buhok niya sa harapan at inilagay sa likuran niya..
ang sopistikada niyang gumalaw...
" ang luha mo ang dahilan kung bakit ako narito, ako si Venus, dyosa ng pag-ibig, kagandahan,pagtatalik, pertilidad at kasaganaan.. ngunit hindi ito ang aking tunay na anyo, pagkat isa na lamang akong kaluluwang naglalakbay sa iba't ibang henerasyon upang gawin ang aking sinumpaang tungkulin...at ang nakikita mo ngayon, ay ang pangalawang repleksyon mo.. "
a-anong sinasabi niya? hindi ko siya maintindihan? panong siya si Venus na isang Goddess? Noong Roman era pa yun ah?
imposibleng nag-eexist parin siya hanggang ngayon..
" h-hindi.. hindi ka totoo, t-tama, guni-guni lang kita, nakikita lang kita kasi problemado ako kaya kung-anu-anong nakikita kot naririnig, hindi ka totoo!" tumakbo naman ako pahiga ng kama at nagtalukbong ng kumot ngunit..
" totoo ako, at taguan mo man ako, hindi ako mawawala hangga‘t may salamin at hanggang hindi ko natuturuan ng leksyon ang lalaking nanakit sayo. " napatingin naman ako sa maliit na salamin sa may unan ko at tinanong ko siya sa huli niyang sinabi..
" a-anong sinabi mo? tuturuan mo ng leksyon ang lalaking nanakit sa akin?"
" Oo, hindi ba't yan ang gusto mong gawin ngunit mahina ka at hindi mo kaya? ngayon ako ang gagawa para sayo."
" p-pano? e nasa loob ka ng salamin?"
" makipagpalit ka sa akin ngayon din, hahayaan mo kong magpanggap bilang ikaw gayong sayong mukha ang gamit ko.. ngunit ikaw, ang diwa mo ang makukulong dito sa salamin pansamantala.. ano? pumapayag ka ba? handa ka bang makipagtulungan sakin ha? tandaan mo, para sayo itong gagawin natin.."
wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko...hindi naman siya mukhang manloloko..
" sige, p-pumapayag ako.. pero pano kung makahalata ang mga tao sa paligid ko? sa pananalita mo at pananamit mo palang, magdududa na silang lahat, lalo na si Kelvin."
" * ngisi* hindi ka rin nag-iisip ano? matalino ka hindi ba? kaya nga ako nakikipagpalit sayo pagkat nais kong makita ng lalaking yon kung anong hinahanap niya, at ang repleksyon mong ito ngayon ang makahuhumaling sa kanya‘t siya ring dudurog ng puso niya sa huli hanggang sa gumapang siya palapit sayo upang hingin ang kapatawaran mo, naiintindihan mo ba?"
" ibig sabihin ay kailangan kong baguhin ang sarili ko para ipamukha sa kanya na pwede rin kong maging ganyan?"
" Oo, at alam kong hindi mo kayang maging ganito kaya ako ang gagawa para sayo, hihiramin ko lang ang anyo't katawan mo. siya nga pala, ang lalaking yon din ang papalit sayo oras na kumagat siya sa aking plano pagkat ako'y lilisan na at lilipat sa ibang lupalop ng mundo."
" ano? p-pano kung hindi siya kumagat sa plano mo? pano na ko? pano na ko makakalabas ng salamin?"
" kailanman ay hindi pa ako pumapalpak sa aking tungkulin kaya wala kang dapat ipag-alala, ngunit kung sing tigas ng bato ang puso ng lalaking yon maaring mabasag ang salamin at -----"8hindi na ko makakalabas? ganun ba?" pangamba ko.
" may iba pang paraan ngunit tyaka ko na sasabihin sayo pagkat alam kong magtatagumpay ako, husto na nga ang diskusyon, pinagkakatiwalaan mo naman siguro ako hindi ba?"
" basta't mangako kang makakalabas ako.."
" hay oo, nangangako ako, ngayon maari bang makipagpalit ka na sakin? inip na inip na ko sa loob ng salamin na to."
" pano ba?"
" pumikit ka at itapat mo ang kamay mo sa salamin."
hindi naman ako nagatubili pa at ginawa ko ang sinasabi niya..
pumikit ako at nang nakalapat na sa salamin ang mga daliri ko...
" aaaaahhh!!!" naramdaman kong may humila sa kamay ko at namalayan ko nalang nasa loob na ko ng salamin, at si Venus, nakatayo na siya sa kwarto ko ngayon at hinarap ako..
" hmm.. salamat naman at sa wakas, nakalabas narin ako sa nakakasulasok na salamin na iyan.. pasasalamatan mo rin ako sa gagawin kong ito Valerie, wag kang mag-aalala, isasama kita kahit saan ako pumunta..siya sige, ako'y matutulog na.."
" goodnight Venus.. sana nga..."
itutuloy...

BINABASA MO ANG
Mirror, Mirror [Short story]
FantasyPaano kung sa pagharap mo sa salamin, ibang repleksyon ng sarili mo ang makita mo at ibang tao rin ito? isang babaeng taliwas sa personalidad mo at naging bahagi ng mitolohiyang Romano na tutulong sayo upang ipamukha sa lalaking nanloko sayo ang pag...