Reflection two: Darren's company...

227 6 1
                                    

Reflection two:

Darren's Company...

Valerie's POV

10:00 PM..rooftop...

flashback...

"yun naman pala e.. kung ganon.. hindi rin siya ang lalaking dapat na iniiyakan.."

"s-sir Darren?"

***

Nang marinig ko ang boses ni sir matapos kong maglabas ng sama ng loob, napayuko na lang ako sa kinatatayuan ko sa sobrang kahihiyan..

"here.. " abot naman niya sa akin ng panyo niya na lalo naman ikinahiya kong tanggapin, " S-sir..wag---" kung nahihiya ka, itapon mo nalang pagkatapos mong gamitin..ayoko lang makakita ng babaeng umiiyak, nababadtrip ako." matapos niyang magsalita, kinuha ko naman ang panyo sa kamay niya.. naiilang man ako pero ayoko  naman mabadtrip siya sakin..

" s-salamat.. sir ano ho palang ginagawa mo dito sa rooftop? mahamog ho baka magkasakit kayo." 

" I don't mind, matagal na kong nagpupunta dito everytime na nakakarinig ako ng ingay sa tabing kwarto, nakakairita kasi, but here, I found peace of mind.."

"sir, sorry..dahil pala samin ni Kelvin kaya kayo nandito..tapos ang ingay ko pang nagsisisigaw dito.. nasira ko tuloy ang katahimikan sa lugar na to.."

" Val, you don't need to be sorry.. para sakin, there are different kinds of noise, it could be annoying and disgusting like what I've heard from your boyfriend but in your case, the noise that you created here, uplifts my spirit..ayos lang saking mag ingay ka as long as nilalabas mo lahat ng sakit dyan sa loob mo.."

" t-thank you for understanding sir.. sobrang bigat lang kasi ng nararamdaman ko ngayon e, kanina parang sasabog na ang dibdib ko sa galit ko sa kanya, y-yung tipong gusto ko na siyang patayin kanina sa mga pinagtatapat niya sakin p-pero hindi ko magawa e, *hikbi* hindi ko siya kayang saktan at gustong- gusto kong gumanti sa kanya pero hindi ko kayang ipahiya siya sa maraming tao.."

"Kasi minahal mo siya at hindi ka ganong klaseng babae tama ba ko?"

tumango naman ako at yumuko ulit kasi pakiramdam ko bubuhos nanaman ang luha ko, ayokong makita ni sir ang kahinaan ko pero...

"Come here." hinablot niya ang katawan ko palapit sa kanya at niyakap niya ako habang hinihimas ang likod ko.." s-sir..---sssh..wag ka ng magsalita, hayaan mo nalang akong yakapin ka dahil alam kong ito ang kailangan mo ngayon.."

"s-salamat sir--- hindi naman ako natapos sa sasabihin ko ng mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin.."Darren nalang, wala tayo sa opisina ngayon kaya hindi mo ko boss.. just treat me as your friend.." hindi naman ako nakaimik at yumakap narin ako sa kanya, tama siya.. gumaan ang loob ko sa pagyakap niya sakin..

matapos gumaan ng pakiramdam ko, sinamahan na niya ko pababa ng condo...

" Val, it's already pass twelve.. ihahatid na kita..halika." walang anu-anong hila naman niya sakin papunta sa parking lot kung saan nakapark ang kotse niya," p-pero teka sandali lang Darren wag na masyado na kitang naabala e, nakakahiya naman sayo..a-ay.." habang nagsasalita ako nasa tabi na pala kami ng kotse niya kaya napatigil ako..

"nandito na tayo, inabala mo narin naman ako, sagarin mo na..sakay." bukas naman niya ng pinto sa harapan.

"s-sige na nga, mapilit kayo e.p-pero dun nalang ako sa likod." lalakad na sana ko papunta sa likod pero hinarang niya ang braso niya sa kabilang gilid ko kaya hindi ako nakaalis sa pwesto ko.

" dito ka na sa harap, magmumukha kong driver nyan e." hay oo nga naman..ba't di ko naisip yun?

"s-sabi ko nga.." inalalayan naman niya ko pasakay ng kotse niya at hinatid ako sa bahay namin..

hay buti nalang nandyan si sir Darren.. hindi man siya yung tipo ng tao na gugustuhin kong makarinig ng saloobin ko, ang mahalaga..meron akong napaglabasan ng sama ng loob..

pakiramdam ko, hindi ako nag-iisa...

kahit pala masungit si sir sa opisina at minsan parang walang pakialam sa mga tao sa paligid niya..once na nakausap mo siya sa oras na kailangan mo siya.. dadamayan at dadamayan ka niya kahit sino ka pa...

Darren's POV

Pagkahatid ko kay Valerie, umuwi narin ako sa condo at nabwiset ako sa lalaking nakasakay ko sa elevator, si Kelvin..

na pagkatapos makipagtalo sa girlfriend niya, ngayon nakikipaghalikan naman sa isang babaeng mukhang pokpok..

di na nahiya.

"ehem..hindi kasi ito ang tamang lugar para dyan..mga traydor."----"A-anong sinabi mo?!" hawak niya sa balikat ko, tss..

"alisin mo yang kamay mo't lalabas na ko, wag kang gumawa ng eskandalo dito kasama niyang babae mo habang kulang ang saplot niyo, mas nakakahiya." lumabas na ko ng elevator at iniwan ko na sila.

nakakairita, kanina pa niya sinisira ang mapayapang gabi ko..

tulad kanina, I was about to sleep  when I suddenly heard two people arguing from the other room talking about sex and everything..

late that I realized, it was Valerie and his boyfriend..

I'm not fund of listening to others business but this is different, it's about my employee who's hurt emotionally by his love one.. kahit nakaearphones na ko rinig na rinig ko parin ang away nila, at nakakaputangina ang mga naririnig ko sa bunganga ng lalaking yon so I decided to go out of my room para katukin sila..

pero ng nasa tapat na ko ng pintuan, parang may kung ano sa utak ko na pumigil sakin para ituloy ang gagawin ko..

Sino nga ba ko para makialam? I'm just her boss.. 

at wala akong karapatan manghimasok sa personal niyang buhay...

So I decided to go to the rooftop para maiwasang marinig pa ang away nilang nakakatorete ng tenga't puso ko, hindi ko naman alam na dun din didiretso si Val kaya hindi na ko nakapagpigil pa, inabutan ko siya ng panyo at sinabi ko sa kanya na nababadtrip ako kapag may nakikita akong babaeng umiiyak, but the truth is, nababadtrip ako sa sarili ko dahil hinayaan kong may babaeng umiyak dahil sa kaduwagan ko..

tsk..ang tapang kong boss sa mga empleyado ko pero sa babaeng mahal ko, wala akong magawa kundi damayan siya at manatili sa tabi niya...

Mirror, Mirror [Short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon