Reflection five:
The Goddess' pretention...
Valerie's POV
Quarter to seven palang at hindi pa tumutunog ang alam clock ko pero gumising na ako ng maaga dahil ngayon ako magpepresent ng powerpoint ko about sa stocks ng kompanya-----teka sandali?
Pano nga pala ko magpepresent e nasa loob ako ng salamin? Hay! at si Venus tulog pa, pano na to? baka magalit ang board of comitee sakin:(
KRRRRRIIIIIIIINNNNGGGG!!---------------tunog naman ng alarm clock nang bigla namang nagkamalay si Venus na hindi pa makamulat ngayon sa higaan, " Hay.. ano ba iyong napakaingay na kung ano na iyon?" tanong niya at napatingin siya sa orasan, " Lapastangang nilalang, sino ka upang gambalain ang aking mahimbing na pagtulog? ang dapat sayo'y mabura sa mundong ito."------"VENUS!!" nanghina naman ako ng basta na lang niyang tinapon ng walang karea-reaksyon at poise na poise pa din sa may bintana yung alarm clock ko sabay higa niya ulit sa kama?
"Venus naman, bakit mo tinapon yung alarm clock ko?"
"nararapat lamang iyon sa hindi ko mawaring bagay na iyon pagkat hindi na niya nirespeto ang pagtulog ng isang dyosang tulad ko, nakakayamot ang nakabibingi niyang tinig."
"akala ko ba dyosa ka ng pagmamahal? bakit parang hindi ka naman naawa sa gamit ko?"
" Siyang tunay, dyosa ako ng pagmamahal, ngunit tulad nga ng tinuran mo'y isa lamang siyang gamit na hindi humihinga at ang gusto lamang ay guluhin ako kaya bakit ako mahahabag?"
" p-pero kasi.. bigay sakin yun ni sir Darren eh.."
"Sino naman ang s-sir Darren na iyan? kakaiba ang kanyang unang pangalan, ngayon lamang ako nakarinig ng sir na pangalan."
"hindi, yung sir, tawag yun sa kanya bilang pag-galang, Boss ko siya, hay ano nga bang alam mo sa boss? ano, siya yung may pinakamataas na posisyon sa kompanya.."
"katumbas ni Julio Ceasar na aking ninuno at isang magiting na heneral? kung ganon ay espesyal pala ang lalaking nagbigay sayo nang bagay na iyon?"
ano raw??
"ah hindi naman, teka anong sinasabi mo? anong e-espesyal sakin?"
" espesyal, hay kahit sino'y ituturing siyang espesyal na tao pagkat nakatataas siya, bakit? mayroon ka bang ibang kahulugan sa aking tinuran?"
"W-wala naman.."
"Tila namula yata ang iyong mukha? sandali, Ano ba sa iyo ang lalaking ito at napakahalaga sayo ng binigay niya?"
"A-ano? namumula ako? hay utang na loob Venus huwag mo ngang bigyan ng ibang kahulugan, Matagal na kasi sakin yung alarm clock na yun, regalo niya sakin nung pasko, siya kasi yung nakabunot sakin sa christmas party namin.."
"at bakit iyong karimarimarim na bagay naman na iyon ang binigay niya sayo?"
"palagi kasi akong huli sa opisina e kaya yun ang naisip niyang ibigay.."
"aah, sa pakiwari ko'y maalalahanin siyang tao.."
" oo, hindi lang halata, buti pa nga siya may regalo sakin nung pasko,samantalang si Kelvin, nahuli ko pa noong nakikipag-inuman sa may tapat ng bahay namin.."
"ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit napakahalaga sa iyo ng bagay na iyon.."
"kaya nga kahit simpleng orasan lang yun, iniingatan ko parin..pero hayaan mo na.. nasira na e, kaso hindi na ako sanay ng wala yun sa tabi ko.."

BINABASA MO ANG
Mirror, Mirror [Short story]
FantasyPaano kung sa pagharap mo sa salamin, ibang repleksyon ng sarili mo ang makita mo at ibang tao rin ito? isang babaeng taliwas sa personalidad mo at naging bahagi ng mitolohiyang Romano na tutulong sayo upang ipamukha sa lalaking nanloko sayo ang pag...