Reflection Eight: Thirst for revenge..

185 5 1
                                    

Mirror, Mirror...

Reflection eight:

Thirst for Revenge...

Valerie's POV

7:00 am

Matapos ang nangyari kagabi sa bar, ngiting tagumpay naman ngayon si Venus habang nagsusuklay sa harapan ng salamin..

" *smirk* Nakita mo ba ang reaksyon ng Kelvin na yon matapos siyang sermunan ng boss mo? tila umurong ang kanyang dila at nilunok lahat ng mga sinabi niya. nakakatawa."

"Oo.. nagulat nga rin ako kay sir e, hindi ko alam na sasabihin niya yun.. buti pa siya.. alam niya ang halaga ko, kinilig ako sa ginawa niya." ngisi naman niya, hay salamat naman at nakaramdam din ang babaeng manhid!

"Siya nga? aba'y kahit ako e, kaya Valerie, kung sakaling magtapat yun sayo sagutin mo na agad ha? "

" Hay Venus naman e, kung makapagsalita ka naman parang siguradong-sigurado ka na sa nararamdaman sakin ni sir Darren, pano kung hindi naman, pano kung hanggang boss at kaibigan lang naman talaga yung tingin niya sakin? ayokong umasa nanaman at masaktan."

" Tonta! ipagtutulakan ba kita sa kanya kung hindi ako sigurado? Oo naman ano! RAmdam ko yon! Para san pang naging dyosa ko ng pag-ibig? Isa pa, yang si Darren, yan ang pinakamalaking alas natin para mamatay sa pagsisisi yang ex mo no!"

"hay siya sige na, panalo ka na, wala naman akong laban sa sa paninindigan mo, pero Venus, naisip ko lang, sa tingin mo ba hihingi ng tawad sakin si Kelvin matapos mo siyang paglaruan kagabi?"

" hmm.. sa ngayon, baka hindi pa, ngunit sa susunod kong plano, alam kong gagawin niya ang lahat upang makuha ang buong pagkatao mo.hahabulin ka niyang parang aso."

" tapos?"

" magpapakipot ako sa kanya, patatakamin ko muna siya hanggang kusa siyang humingi ng tawad sayo at makita niya ang tunay mong halaga, dapat sabihin niyang handa siyang magsakripisyo kahit ang magpakulong pa sa salamin kapalit ng kalayaan mo."

" p-pano kung hindi siya pumayag? sino ba namang taong gustong makulong sa salamin?"

" kung mahal ka niya at nagsisisi siya, gagawin niya yon, para sayo."

" N-natatakot ako Venus.."

" Valerie, magtiwala ka lang sakin, akong bahala sayo, ang lalaking gaya niya, walang ligtas sa dyosang tulad ko. siya sige na, magliligo na ko, baka mahuli pa ko sa opisina mo."

***

Venus' POV

Pagkarating namin ni Valerie sa opisina, gumamit na kami ng elevator upang mas mapabilis ang pag-akyat namin, nagkataon namang nakasabay namin si Darren sa elevator.

" Hey." walang kakwenta- kwenta niyang bati sakin.

" Hi sir." sagot ko naman at ngumiti ako ng bahagya.

.

hmm...

Hay napakatahimik naman niya? nasa ikatlong palapag palang kami ngunit ni hindi manlang niya ako-------- " kumusta ka?"

*ngisi* sabi ko na nga ba hindi niya rin matitiis na hindi ako kausapin..

" Heto..masaya."

Mirror, Mirror [Short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon