Reflection Nine: Oh Oh..

154 8 1
                                    

Mirror, Mirror..

Reflection Nine:

Oh Oh..

Darren's POV

"Nauuhaw ako."

"Uhm, c-come in, I'll get you some wa-------tsup.."

O.O

lub..dup..

biglang lakas naman ng kabog ng dibdib ko nang hinalikan ako ni Valerie sa labi.

this is fvcking weird.

but a taste of pleasure...

"mmm.." her moan while kissing me torridly.

God she kisses like an expert, hot..

"Val stop." layo ko ng mukha ko sa kanya, "ayoko.. tsup--- I said stop this, okay? are you out of your mind?" mahinahon kong tanong sa kanya habang hawak ko ang dalawang balikat niya, oo masarap, but I felt  something wrong with the picture..

Nakita ko lang naman si Kelvin na nakatitig samin habang nag-aapoy ang mga mata..

"Valerie!"

" Kelvin."

" siya ba? siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mo na kong balikan?" so sila pala ang naririnig kong nag-aaway sa kabilang kwarto?

"Oo! siya at wala ng iba, kaya Kelvin tigilan mo na ko, dahil hangga't hindi ka nagbabago, hinding-hindi kita mamahalin. hayaan mo nalang ako!"

" Hindi, hindi pa tayo tapos Val, patutunayan ko sayo ang sarili ko, *smirk* isang malaking kalokohan!"  sabay pasok ng gago sa kwarto niya then shut the door infront of us.

sabi ko na nga ba may mali e. "tss, Val halika nga sumama ka sakin." seryosong hila ko kay Valerie palayo ng unit ko, " sandali saan tayo pupunta?" tanong naman niya, "sa rooftop, mag-uusap tayo." 

Pagdating namin sa rooftop, agad ko namang kinompronta si Valerie.

"so this was the game plan? to make him jealous by kissing me right Val?" inis kong tanong, eto kasi ang unang pumasok sa isip ko.

" Hindi ko naman alam na makikita niya tayo e, isa pa, Bakit ba tila nayayamot ka? hindi mo nagustuhan ang halik ko? Darren hinalikan kita kasi mahal kita."

" Oh come on Val, alam mo sa sarili mong hindi totoo yan dahil ang totoo, ginamit mo lang ako para sa paghihiganti mo, tama ako diba?"

" Eh pano kung sabihin ko sayong mahal talaga kita? na kung hahayaan ako ng pagkakataon na ibalik ang oras nang mga panahong hindi pa ko nagmamahal, ikaw ang pipiliin ko kesa kay Kelvin.. hindi mo ba ko mahal?"

" Ewan ko! alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon ha? na naglolokohan lang tayo dito! na ako si tangang parang asong walang kamuwang-muwang sa pang-uuto mo, parang hindi na kita kilala e, yung Val na nakilala ko, hindi kayang gawin lahat ng to, yung Valerie-ng mahal ko, malayong-malayo na sa babaeng kaharap ko ngayon. Ni hindi ko nga alam kung bakit bigla kang nagbago."

"Kung ganon minahal mo nga si Valerie?" nabigla naman ako sa susunod niyang tinanong sakin, nasisiraan na ba talaga siya?

"Anong sinasabi mo?"

binuksan naman niya ang bag niya  at may nilabas siyang maliit na salamin, " Valerie, sa tingin ko kayo ang dapat na mag-usap."

a-anong?

itinapat naman niya sakin ito at nagulat ako sa nakita ko sa loob ng salamin..

"V-Valerie?"

pero sino ang babaeng kaharap ko ngayon na kamukhang-kamukha niya?

"*hikbi* Oo Darren, ako nga to, at siya si Venus, isa siyang goddess na nag-alok sakin ng tulong para maghiganti, kaluluwa niya ang nasa loob ng katawan ko ngayon habang ako, dito sa loob ng salamin, Darren s-sorry kung nasaktan ka sa nangyari ngayon, naiintindihan ko kung anong nararamdaman mo, naiintindindihan ko kung galit ka sakin.."

" N-naguguluhan ako, p-panong nangyari to? a-ano nanamang kalokohan to Valerie? and one more thing, Nagtiwala ka sa babaeng yan na hindi mo naman lubusang kilala? kung anuman siya? at pumayag ka pang gamitin niya ang katawan mo? malay mo naman kung kampon pala ng demonyo ang babaeng yan ha? ganyan ka ba kadesperadang makaganti ha? kaya pala, kaya pala bigla ka nalang nagbago, at hinayaan mo siyang baguhin ang tingin sayo ng mga tao. I can't believe this."

"Sandali lang Valerie bago mo sagutin ang lalaking to, Hoy para sabihin ko sayo napakaganda ko namang kampon ng demonyo!--------"Venus tama na! please hayaan mo na si Darren, mahirap para sa kanyang paniwalaan ang lahat ng to.."

mahirap talaga, at hindi ko halos maisip kung paano nangyari to..

"Darren.. alam kong isang malaking kababalaghan sayo to, oo inaamin ko, nagpagamit ako sa kanya, pero hindi naman siya masama, hangad niya lang din ang kabutihan ko, i-isa pa, d-diba kung mahal mo ko tatanggapin mo ang pagbabago ko? lahat naman ng tao may karapatang magbago diba? pero bakit parang hindi mo ko maintindihan? Oo, naghihiganti ako, masama bang gustuhin kong makuha ang hustisya para maging masaya ako? "

"Kaya pinaglalaruan mo ang damdamin ng iba makaganti ka lang, sa tingin mo ba magiging masaya ka sa ginagawa mo? Valerie, sinabi ko naman sayo noon diba? hindi si Kelvin ang lalaking iniiyakan, at pinaglalaanan ng panahon,  isa pa ang pagbabago, hindi yan para sa iba kundi para sa sarili mo, sa tingin mo ba mas nirerespeto ka nila kapag ganyan ang suot mo? diba binabastos ka nila? yang tapang-tapangan mo, masasabi mo bang naging mas matatag ka? Valerie hindi! kasi duwag ang mga taong hindi kayang magmove on sa masamang karanasan nila bilang sila , yang pagbabago sinasabi mo, sa nakikita ko, that's just a stupid cover up para maitago sa lahat ang nararamdaman mo, sa ginagawa mo, hindi mo na kilala maski sarili mo. Valerie, hindi mo kailangang magbago para mahalin ka at irespeto ka dahil meron ka na noon dati pa, minahal kita at nirespeto bilang ikaw..pero hindi mo nakita yon. "

"Darren *sniff*"

"I'm done with this, kung noon sinusuportahan kita, ngayon hindi ko na kayang kunsintihin ka pa habang nakikita kang sinisira ang magandang pagkatao mong minahal ko. sige na umuwi na kayo."

"Darren sandali lang naman o? sorry na *hikbi* hindi na kita gagambalain pangako, pero yung nasimulan namin ni Venus hindi ko maipapangakong ititigil ko.. k-kapalit nito ang kalayaan ko sa salamin na to.."

" bahala ka, ginusto mo yan diba, nagdesisyon ka ng mag-isa dyan kaya anong pake ko? hindi ko na alam ang paniniwalaan ko Val, hindi ko na alam.."

lumakad naman ako palayo sa kanya na puno ng pagkadismaya.. ni hindi ko manlang napansin na ibang babae na pala ang kausap at kahalikan ko, Napaisip din naman ako noon na parang may mali sa kilos, pananalita, at pananamit ni Valerie pero kahit kelan hindi ko siya pinagdudahan..

siguro dahil sobrang mahal ko lang siya kaya  hindi ko rin namamalayan na naging kasangkapan narin ako sa paghihiganti niya..

to be continued...

Mirror, Mirror [Short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon