*Kinabukasan
grabe ang sakit ng likod ko :3 malambot naman yung kama hindi kaya? oh no makakain na nga lang. ng pumunta ako sa kusina ang nadatnan ko nalang ay si Dean at si Ms. K na naghahanda ng pagkain aalis na sana ko kasi babalik nalang ako sa kwarto luh nakakahiya kaya biglang nagsalita si Dean
"Xaviera, have a seat, kumain ka." sabi saken.
"ah eh sige po nagmamadali ako eh" pagtanggi ko.
"nagmamadali eh naka pajama ka pa" bigla naman akong napatingin sa suot ko at oo nga nakapajama ako, masyado pa naman kasing maaga ui hindi ko naman alam na ganito din pala sila kaagang nagigising kaya naman no choice nako kundi ang umupo at kumain.
"ah eh si Zeke po?" tanong ko.
"ah maagang umaalis yun at isa pa hindi siya sumasabay saken sa pagkain." sabi niya na medyo lumungkot bahagya ang mukha neto.
"ay sorry po ah masyado akong madaldal." sabi ko sabay nag peace sign natawa naman siya dun sa ginawa ko.
"ahahahha! ok lang yun namiss ko na rin yung may makulit dito sa bahay." sabi nito sabay ngumiti.
"ahahhahaha! :D" tapos eh kumain na kami in fairness ang daming pagkain yung totoo mag-isa lang siyang kumakain tapos ang pagkain niya parang buffet mayayaman nga naman ng matapos nakong kumain eh nagpaalam nako sa Dean saka naligo at nagbihis papuntang school.
habang ako'y naglalakad sa school eh may nakabangga akong isang lalaki, matangkad siya kaya naman napatingala ako nung nabangga ko siya
"hey hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" sigaw na sabi saken nung lalaki
"tumitingin kaya nga ang mata nakalagay sa harap diba? anong silbi kung magbubulagbulagan ka?!" sigaw kong sabi sa kanya masyado siyang nakakainis kasi eh -_- umagang umaga.
"Reid Rivero." ngumiti siya sabay abot niya ng kamay niya.
"Xaviera" yan lang ang sabi ko sabay umalis nako. kanina lang inaway niya ko kasi nabangga ko siya tapos biglang magiging mabait? aba may split personality ata yung lokong yun ah.
Reid Rivero's POV:
umagang umaga nakkabadtrip pano ba naman yung kapatid ko kinakanta ang pangalan ni Zeke naririndi na kaya ko dun sa pangalan nung siraulong gagong yun hindi ko nga alam kung bakit siya ang gusto ng kapatid ko eh ilang beses ko na siyang pinaalalahanan na mahulog na siya sa lahat ng lalaki dun wag lang dun kay Zeke.
nga pala dada ako ng dada dito baka hindi niyo ko kilala I'm Reid Rivero, nakatatandang kapatid ni Stacy Leader ng pinakasikat na gang but I'm not that cruel mabait naman ako, pag trip ko. nandito ako ngayon sa dining kasama ang kapatid ko at kumakain ng almusal, as usual kaming dalawa lang anong aasahan namin sa parents naming parehong busy magpayaman -_-
"hoy stacy tumigil ka na nga sa kakakanta ng pangalan niyan." inis na sabi ko
"inaano ka ba ng kanta ko?" bwisit eto lang talaga nakakaasar sa kapatid ko eh magkasundo naman kami kaya lang pagdating kay Zeke wala nag-aaway lang kami.
"nakakarindi sa tenga kaya kung pwede manahimik ka." sabi ko sa kanya ng seryoso alam niya ang tingin ko ag seryoso ako at talagang natatakot siya dun kaya naman nanahimik siya.
"kuya" tapos tumingin ako sa kanya.
"oh?"
"ang gwapo niya no?" sabay taas niya ng picture ni Zeke siraulo to tama bang asarin ako >.< bago pako makapagsalita eh tumakbo na siya palabas at nauna na siya saken sa school.
habang naglalakad ako at pasipol sipol pa, bigla nalang may bumangga saken.
"hey hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" sigaw kong sabi sa kanya
"tumitingin kaya nga ang mata nakalagay sa harap diba? anong silbi kung magbubulagbulagan ka?!" sigaw niyang sagot saken, aba ayos to ah first time sinigawan ako at first time na nagkaron ako ng kaaway na may sense. I like her.
"Reid Rivero." Pagpapakilala ko sa kanya with matching ngiti pa aba kahit ako ang pinaka kilalang leader ng isang gang napatiklop niya ko sa isang sentence niya lang
"Xaviera." yan lang ang sinabi niya sabayy winalkoutan niya ko.
ang ganda ng pangalan niya, for sure transferee siya dahil halos lahat ng tao dito kilala ako at ni isa sa kanila hindi ako binabangga pero siya? nabara niya pa ko at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito nung tiningnan ko yung mata niya habang tinatanong ko siya grabe yung kinang niya ang ganda ng ilong niya pati ng labi niya kaya naman hindi ko na napansin ang sinasabi niya basta ang alam ko binara niya ako at gusto ko siya
"Love can make you go Crazy" napatunayan ko yan kasi hanggang ngayong nasa klase kami eh lutang pa din ako paulit ulit na nagfaflashback sa utak ko ang mga nangyari ang mga sinabi niya ang mukha niya at ang pangalan niyang kasing ganda niya. ng may naramdaman akong papalapit sa mukha ko eraser pala buti nasalo ko binato ako ng magaling naming teacher. nung tiningnan ko siya eh namuo ang takot sa mga mata niya anong problema nun eh tiningnan ko lang naman? ang atensyon ngayon ay nasa amin.
"M..r. Ri Rivero" utal utal niyang pagsasalita.
"bakit sir?" tanong ko.
"sir? hin.. hindi ka galit?" tanong nung teacher
"hindi." sagot ko tapos inikot ko ang mata ko sa may bintana kung san natatanaw ko ang ulap. tapos eh ibinalik ko ang tingin ko sa klase namin halos silang lahat eh nakatingin saken, problema netong mga to?
"may nakain ka bang expired kaninang umaga Mr. Rivero?" tanong saken ulit nung teacher.
"wala" maikli kong sagot sabay ngiti. parang lahat sila eh naninibago saken
"nakita mo ba yun ah?" narinig kong sabi ng isa kong kaklase.
"ngumiti siya diba?" sabi naman nung isa.
"oo ngumiti si Reid Rivero" teka nga anong problema ba nila masama bang ngumiti.
"hoi problema niyo?" tanong ko sa kanila.
"ah eh wala wala " sagot nila sabay ibinaling ang atensiyon sa binabasang libro/
parang mga siraulo to parang ngayon lang nakakita ng taong masaya, wala na bakong karapatang maging masaya porket kilala ako as a Jerk dito sa school na to. tss pasalamat sila kay Xaviera at nakita nila ang maganda kong ngiti isa pa ang napatunayan ko
"Lahat ng tao ay nababago ng Pag-ibig"
__________________________________________________________________________
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
"SORRY" Is Not In My Vocabulary
Novela Juvenil"The word "SORRY" is nowhere to be found in my Vocabulary" -Zeke Castillo READ/VOTE/COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER ALL RIGHTS RESERVED: OCTOBER 20,2013 -RUVILLE_24