#10 SINIMV

59 2 0
                                    

Clyde's POV

hi I'm Clyde, younger sister ni Claude Salazar the nerdy guy na katropapis nila Kuya Zeke? alam niyo na? osya nagugutom ako kaya naman pumunta ako sa kusina and o wow puro gulay ang laman ng ref -_- balak ata kong gawing vegetarian netong kuya ko kaya naman pinuntahan ko siya sa kwarto niya para magreklamo kung bakit puro gulay ang nasa ref namin too bad kasi nagkulong na naman siya sa lab niya at for sure hindi ko siya makakausap kaya naman i decided to go outside nalang napatingala ako sa langit at nakita kong walang bituin, mukhang uulan pa yata kaya naman nagdala ko ng payong nag cap na rin ako para ligtas sa ulan good thing natakasan ko ang gwardiya XD woott ang saya sa feeling tapos eh naglakad lakad ako and pumasok sa 7eleven na malapit lang dun, chocolates, noodles, junk foods, burger, at iba pa kung ano ano na ang pinaglalalagay ko sa basket ko eh ano ba gutom ako eh and then nagbayad nako sa cashier.

paglabas ko ng 7eleven eh yun biglang pumatak ang ulan, habang naglalakad ako may nakita akong lalaki malungkot yata oh si Kuya Felix pala kaya naman lumapit ako at pinayungan siya.

"hey bro, ok lang you don't need to do that." sabi neto aba loko to ah nakacap lang ako di na ko nakilala napagkamalan pa kong lalaki 

"wow? bro talaga kuya?" sabi ko sa kanya.

"anong ginagawa mo dito? tsaka isa pa wag mo ng kong payungan hindi naman ako takot sa ulan gaya ni Zeke." tss siya na nga tong pinagmamalasakitan eh ayaw pa

"Let me rephrase that hindi naman takot sa ulan si kuya Zeke eh, galit siya sa ulan" saad ko eh totoo naman eh :3

"ona ona pero bakit nasa labas ka pa eh late na?" tanong niya

"ah bumili lang ako ng pagkain." tapos iniangat ko yung pinamili ko

"ano wala ng makain sa bahay niyo?" 

"may makakain naman ang tanong eh gusto ko ba? kaya naman lumabas nako pano kasi si kuya nagkulong na naman sa lab niya" alam niya na ang meaning pag nagkulong si kuya sa lab, wala talagang makakadistorbo dun

"so uuwi ka mag-isa?" tanong niya, emeged sana sabayan niya ko pauwi, o yes crush ko siya matagal na pero hindi ko pinapahalata yun kasi alam kong pag nalaman niya magkakaron ng awkward moments between saming dalawa, mas ok na yung ganito lang, yung nakakapag-usap kami ng walang ilangan..

"oo alangan namang manghila pa ko ng tao maihatid lang ako."

"tss nakokonsensya ko, tara na?" aya niya saken tapos eh tumayo na siya

"ok mabilis akong kausap." tapos eh binigay ko sa kanya ang payong kasi sa tangkad niya baka kelangan ko pang tumingkayad mapayungan lang siya.

ngayon lang kami nagkaron ng moment na ganito na kaming dalawa lang mostly kasi sa mga occasion lang kami nagkakamoment tapos hindi pa kaming dalawa lang lagi niyang kasama tropa nila eh :3 ngayon ko lang napansin na makapal pala ang kilay niya, tapos matangos yung ilong niya tapos yung labi niya pink

"woi!" 

"woi"

"woi"

"woi!" tapos eh tinapik niya ko sa balikat, sensya naman natulala pala ko.

"problema mo sa mukha ko?" tanong niya saken

"ah wala ang panget mo pala XD" biro ko sa kaya, biro lang naman kasi talaga, kasi kabaliktaran nun ang gusto kong sabihin

"tss nakakainis ka ikaw lang ang hindi nagagwapuhan saken." sabi neto tapos eh sumimangot pa.

"wala eh mas gwapo kasi ko sayo :P" sabi ko buti nalang nandito na kami sa may labas ng bahay makakapasok nako dirediretso nakong tumakbo papalayo sa kanya habang iwinawagayway ang kamay ko..

"salamat sa paghatid!" sigaw ko sa kanya. tapos eh tumalikod nako nung tumingin ulit ako nakita kong nagsimula na rin siyang maglakad papunta sa direksyon kung nasaan ang bahay nila. malayo layo din naman yun bahala siya sa buhay niya kelangan kong magmadali kasi baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya pagdating ko eh kinain ko na agad ang mga pinamili ko, naalala ko yung makapal niyang kilay tsaka yung mapula niyang labi daig pa yung labi ko eh 

"woi!" nagulat naman ako tama bang manggulat habang kumakain yung tao nabulunan tuloy ako 

"wag kasing kung ano ano ang iniisip." sabi ni Kuya.

"kung ano ano ka diyan baka kung sino." sabi ko sheyt lang sana hindi niya narinig yung last word

"kung sino?!!!" sigaw niya

"ah wala wala sabi ko gusto mo ba?" pag chachange topic ko

"hoi Clyde may boyfriend ka na ba?!" sigaw niyang tanong saken

"wala no!" sigaw ko sa kanya

"eh girlfriend?"

"siraulo! ginawa mo pa kong tomboy!" sigaw ko sa kanya

"bakit hindi ba?" tanong niya saken sabay ngiti ng nakakaloko.

"hindi!" isang sagot lang tama na sa kanya yun tapos eh iniwan ko na siya, napaka intrigero ayan kung ano ano ang nasagot ko sa kanya :3

_________________________________________________________________________

ITUTULOY

"SORRY" Is Not In My VocabularyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon