*sa bahay nila Tatay Ben
"tara na." aya ni Stacy kay Kevin
"ang nga pala magagabi na , tay pano ba yan? uuwi na po kami." magalang na pagpapaalam ni Kevin
"naku delikado ang daan diyan lalo pa't magagabi na, mabuti pa'y dito nalang kayo magpalipas ng gabi." sabi ni tatay Ben
"ah eh kasi po." magsasalita pa sana si Stacy kaso naunahan na siya ni Kevin
"ah eh ganun po ba? sige po." pagpayag ni Kevin nagulat naman si Stacy sa pagpayag neto siniko niya si Kevin pero nginitian lang siya kaya naman hinila niya to at kinausap.
"hoi ikaw siraulo ka! una hinila mo ko para sumakay sa kotse mo pangalawa dinala mo ko sa lugar na ni baryo hindi ko alam pangatlo magpapalipas tayo ng gabi dito? nasisiraan ka na ba ng bait?" sigaw ni Stacy kay Kevin
"sige mauna ka, umuwi ka. tingnan ko lang kung di ka mapagtripan ng mga tao diyan." pananakot ni Kevin at halata namang umepekto ang pananakot niya kasi hindi na nagsalita pa si Stacy. tapos nun eh kumain sila ng hapunan at nagkaron ng kaunting kwentuhan mabilis na lumipas ang oras
"san po pala ang kwarto?" tanong ni Kevin kay tatay Ben
"ah dun." tapos tinuro yung kwarto.
"ah sige matutulog nako." sabi ni Stacy
"sige po matutulog na kami." sabi ni Kevin pero bago pa siya makapasok eh tinulak na siya ni Stacy.
"ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni Stacy sa kanya
"matutulog." dire diretsong sabi ni Kevin
"nasisiraan ka na talaga. tayo matutulog sa isang kwarto? hindi pwede. magtabi kayo ni Tatay Ben!" sabi ni Stacy.
"ah Hija kasi baka espadahin ko si Kevin habang natutulog ako." sabi ni Tatay Ben
"ahahhaha! maganda yan pakitadtad nalang po at pakain niyo sa manok ay teka wag na pala kasi baka nakakalason ang laman ng unggoy na yan!" sabi ni Stacy, pero
bago pa man din siya nakapagsalita eh nakapasok na si Kevin sa Kwarto bago pa niya isara ang pinto eh kinindatan ni Tatay Ben si Kevin at ngumiti ng nakakaloko
"sige po matutulog na kami!" tapos hinila niya na si Stacy papasok sa kwarto at saka nilock agad ang pinto.
"SIRAULO KA TALAGA!" sigaw ni Stacy
"pag di ka tumigil kakasigaw hahalikan kita!" pananakot ni Kevin
"tingin mo matatakot mo ko sa mga ganyan mo?! LUL alam ko naman di mo" hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya eh hinalikan na siya ni Kevin
"may sinasabi ka?" tanong ni Kevin sabay ngiti ng nakakaloko, dahil sa ginawa niya eh nakatanggap naman siya ng isang malakas na sampal mula kay Stacy tapos eh nauna na siyang mahiga sa banig sabay talukbong ng kumot. habang si Kevin naman eh natatawa lang sa ginawa niya.
Kinabukasan eh maagang nagising si Kevin at nagulat eto ng wala na si Stacy sa kwarto kaya naman nagmadali ito palabas para hanapin ito, at nakita niya nga si Stacy sa kotse niya at dun na natulog kaya naman pumasok siya ulit sa bahay para magpaalam na kay Tatay Ben.
"tay salamat po, hanggang sa susunod :)" sabi neto.
"ano ba yan ang aga-aga pa, dito na kayo mag umagahan." aya ng matanda.
"ah eh kasi po may gagawin pa kami ." sabi ni Kevin
"ahahahah! naku parang alam ko na ahahah! sige sige mauna na kayo, ingat sa byahe ah." sabi neto at hinatid niya na palabas si Kevin, habang nasa byahe eh biglang nagising si Stacy
"oh musta?" tanong ni Kevin, pero hindi siya sinagot ni Stacy.
"musta na? sa ginawa mo kagabi tatanungin mo kung kamusta nako?" galit na sabi ni Stacy
"tss kasalanan mo yun ang ingay mo kasi." sabi neto.
"ah at ako pa ngayon! such a jerk!" halatang galit si Stacy dahil sa nangyari kagabi wala ng imik matapos ang pagtatalo nila hanggang sa makarating na ito sa bahay ng mga Rivero dire-diretsong bumaba si Stacy.
"tss babae nga naman." napabuntong hininga nalang si Kevin. tapos eh umalis na din at pumunta sa bar nila Felix para makaaglabas ng sama ng loob, and there nakita niya si Pitch.
"Pitch?" tanong ni Kevin
"Kevin!" bati ni Pitch sabay yakap dito
"naku pag yan tumagal pa magseselos nako." bigla namang dumating si Felix.
"ahahahah! Mr. Bautista the cassanova magseselos? for real? ahahha!" sabi ni Kevin sabay bitaw sa pagkakayap ni Pitch
"ahahhaha! oo naman alam mo namang siya lang ang nag-iisa para saken diba." sabi ni Felix sabay abot ng Bloody Aztec kay Kevin.
"tawagan mo sila Zeke at Claude isama mo na si Reid, may welcome party dito mamaya para kay Pitch." utos ni Felix
"talaga? ahahha sige sige, tatawagan ko na" sabi ni Kevin tapos eh kinuha ang cellphone neto at kinontact na ang mga kaibigan niya.
Zeke's POV
natutulog ako ng bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Kevin.
"oh hello." sagot ko
"may Welcome party mamaya para kay Pitch punta ka." pag aanyaya ni Kevin.
"Pitch? ex ni Felix right?" tanong ko
"yeah, ewan ko nga ba sa dalawang to it seems na nagkabalikan na sila, punta ka ah aantayin ka namin." hindi ko na sinagot kasi alam naman na niya ang sagot ko tapos binaba ko na ang tawag. kaya naman agad akong bumangon at ginising si Ms. so called Tutor ko.
"hoi!" gising ko sa kanya, aba hindi pa rin nagigising tulog mantika.
"hoi!" ulit ko.
"ano ba?" tanong niya na halatang inaantok pa.
"tumayo ka na diyan at may pupuntahan tayo." sabi ko
"eh?" ang dami pang satsat eh kaya ayun hinila ko na siya papunta sa kotse, ni hindi pa siya nakakapagpalit ng damit.
"san ba tayo pupunta?" tanong ni Tutor saken.
"sa party" maikling sagot ko.
"ng ganito ang suot ko?!" sabay turo sa suot niyang damit hindi ko na siya sinagot dahil nandito na rin kami, pumasok na kami sa isang Salon
Xaviera's POV
lokong to gigisingin ako sa mahimbing kong tulog para lang pumunta sa party?! nakakainis nandito kami ngayon sa isang salon ako habang inaayusan at siya naman pangiti ngiti lang habang nagbabasa ng magazine, aba good mood ata siya ah.
"anong haircut ba ang bagay sa kanya?" tanong nung stylist sa alalay neto.
"messy." sagot nung alalay.
"oo nga noh." tapos eh sinimulan na nila akong ayusan, matapos nun eh dumiretso naman kami sa isang mall para daw mamili ng damit na gagamitin ko.
"alam mo ok lang naman kahit nakapantalon ako diba?" tanong ko kay Zeke pano naman kasi ang mamahal ng damit mas malaki pa ang babayaran ko sa sweldo ko eh
"ok na yan, isipin mo nalang kapalit yan nung lason na pinakain mo saken kagabi." tapos eh nagsimula na siyang kumuha ng mga damit.
__________________________________________________________________________
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
"SORRY" Is Not In My Vocabulary
Novela Juvenil"The word "SORRY" is nowhere to be found in my Vocabulary" -Zeke Castillo READ/VOTE/COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER ALL RIGHTS RESERVED: OCTOBER 20,2013 -RUVILLE_24