nandito na kami ngayon sa bahay at tinuturuan ko siya ng ilan sa mga dapat niyang matutunan, sa mga lessons na na miss niya dahil sa wala nga siyang pake,
"ba't ba kasi kelangan hanapin lagi ang X neto! hindi niya ba matanggap na wala na sila!" reklamo ni Zeke dun sa sinasagutan niya sa math
"siraulo ka talaga! sagutan mo nalang yan hindi yung puro ka reklamo.!" sabi ko sa kanya tapos eh tumingin siya ulit sa kwaderno niya at sinubukang sagutan yung pinapasagutan kong math problem., naalala ko yung sinabi niya kanina sa labas ng Faculty.
"ba't ka pumayag bigla?" tanong ko kay Zeke
"may gusto akong patunayan." yan lang ang sagot niya tapos eh nagtalo na naman kami may tumawag samen eh hindi ko na napansin kung sino matapos nun eh umuwi na kami sinundan ko siya hanggang parking lot.
"ba't ka nakasunod!" sigaw niya saken.
"timang ka talaga! di ka nag-iisip! nakaposas nga tayo diba!" sigaw ko sa kanya
"ba't ba kasi nung kinuha mo yan eh hindi mo kinuha ang susi, tutor pa man din kita ang bobo mo!" sabi neto saken.
"ako pa bobo ngayon?! ah bahala ka diyan sasakay ako dito sa ayaw at sa gusto mo!" sabi ko sa kanya, hindi na siya umangal kasi ano nga namang magagawa niya, may punto naman kasi siya eh kung di nga naman ako bobo dapat kinuha ko na rin yung susi, malay ko bang umuwi na yung bantay kanina sa jailbooth, bago kami umuwi eh dumaan muna siya sa isang deparment store at bumili siya ng alak kukunin niya palang yung alak eh binatukan ko na siya
"sunog baga ka talaga eh no!" sigaw ko sa kanya
"paki mo ba?!" tanong niya saken na tinanong ko sa sarili ko paki ko nga ba?
"o sige kung gusto mong mauna sa langit hala hindi kita pipigilan!" wala akong nagawa kasi binili niya pa rin tapos eh napunta kami sa ice cream section.
"pili ka ng gusto mo." sabi neto saken aba himala hindi pasigaw
"yung chocolate *Q*" enebe hindi ako tatanggi neh ice cream yan fre tapos eh kumuha siya ng isang gallon tapos eh nagpunta na sa cashier para bayaran ang lahat ng kinuha niya syempre magkasama kami ano pang aasahan niyo eh nakaposas nga agaw attention nga kami eh
pagdating namin sa bahay nila eh dumiretso na agad ito sa kwarto, teka?! kwarto?!
"hoi ba't tayo andito?!" tanong ko sa kanya hindi niya ko sinagot at may kinuha siya mula dun sa pangalawang drawer, alambre?
"hoi anong gagawin mo diyan?" tanong ko ulit sa kanya
"pinagtataka ko lang talaga kong bakit ikaw ang kinuha bilang tutor ko eh ang bobo mo." sabi neto aba nakakainsulto tong lalaking to ah tapos eh kinalikot niya yung posas and voila! nasira niya aba may pagkacarnaper din yung skills neto eh noh.
"marunong ka naman pala eh ba't hindi mo pa ginawa kanina timang ka -_-" reklamo ko
"para mahirapan ka." sabi niya saken tapos lumabas na siya ulit at pinasok sa ref ang ilang alak at ang ilan naman ay dinala sa kwarto niya.
at eto nga kami ngayon nasa kwarto niya, siya nagsosolve ng math problem habang umiinom, congrats lang sa kanya bukas tingnan ko lang kung hindi sumakit ang ulo niya, habang ako naman eh eto tinitingnan lang siya.
Felix's POV
nandito ako ngayon sa isang bar, ang daming babae dito pero wala naman dito yung mahal ko anong silbi? siya ang una at huli kong mamahalin itinaga ko na yan sa bato at walang makakapagpabago nun.
"hey Felix babes!"bati saken nung isang babae sabay kiss sa cheeks ko. gusto ko maiba naman ako ngayong gabi gusto ko ng makabasag mukhang trip lumapit ako sa isang table kung san may isang babae at ang kanyang customer na matandang gurang na ang kapal ng mukha buti sana kung walang asawa eh meron how did I know? he's one of the stockholders of our company.
"Miss sinong mas gwapo siya o ako." tanong ko dun sa babae
"syempre ikaw." tapos eh kumalas ito sa pagkakayakap nung matanda sa kanya at lumapit agad saken.
"hoi anong problema mo ah?!' sigaw saken ni Tanda
"problema ko? yung babaerong gaya mo!" sigaw ko sa kanya tapos eh sinuntok siya sa mukha, sinuntok niya din naman ako lamang ko lang eh mas bata ako sa kanya at mas malakas tapos may lumapit saming guard and then napunta samen ang spotlight.
"si... sir Fe Felix!?!" nakuha niya rin hindi niya ko nakilala kanina kasi madilim
"oh should i tell your wife about this? o di kaya naman tanggalin na kita sa trabaho mo bukas? hmm" pang-aasar ko sa kanya.
"sige sir sa inyo na po siya!" tapos eh tinulak niya yung babae papalapit saken.
"no need, i'm not interested at her." sabi ko
"wait eh ano yung kanina?" mataray na tanong saken nung babae
"tinanong lang kita kung sinong mas gwapo samen." tapos eh umalis nako pero bago yun tinapik ko sa balikat si tanda at saka sinabi ang katagang.
"Don't worry, Karma will soon hit you." naiinis lang talaga ko eh alam mo yun ok lang kung single eh pero pag mga ganung edad o di naman kaya mga taken na aba wag ng lumandi dagdag perwisyo lang sa lipunan nakakapollute ng hangin at nakakasira ng mood.
lumabas nako ng bar wala naman akong mapapala dun sa loob nun puro babaeng malalandi lang ang nandun, habang naglalakad ako biglang umulan ano pa bang gagawin ko edi enenjoy ko nalang umupo ako sa isang bench ng tumigil ang ulan, oh wait hindi tumigil ang ulan, may nagpapayong saken nung iniangat ko ang ulo ko nakita ko ang isang lalaking naka-cap.
"hey bro, ok lang you don't need to do that." sabi ko.
"wow? bro talaga kuya? " nagulat naman ako nung narinig ko yung boses kapatid pala ni Claude si Clyde, ang tomboy niyang kapatid.
"anong ginagawa mo dito tsaka isa pa wag mo na kong payungan dahil hindi naman ako takot sa ulan gaya ni Zeke." saad ko.
"let me rephrase that hindi naman takot sa ulan si Kuya Zeke eh, galit siya sa ulan." may pinagmanahan nga :3
"ona ona pero bakit nasa labas ka pa eh late na?" tanong ko sa kanya.
"ah bumili lang ako ng pagkain." sagot neto sabay angat ng mga pinamili niya
"ano wala ng makain sa bahay niyo?" tanong ko.
"may makakain naman ang tanong eh gusto ko ba? kaya naman lumabas nako pano kasi si Kuya nagkulong na naman sa lab niya" reklamo neto.
"so uuwi ka mag-isa?" tanong ko.
"oo, alangan naman manghila pa ko ng tao maihatid lang ako." sagot neto.
"tss nakokonsensya ko, tara na?" aya ko sa kanya, nakakahiya naman kung iiwan mong mag-isa sa gitna ng dilim at umuualn pa ang kapatid ng tropa mo diba.
"ok mabilis akong kausap." at nagsimula na kaming maglakad papunta sa bahay nila since walking distance lang naman, exercise na rin to di na kasi ko nakakapunta ng gym lately eh.
__________________________________________________________________________
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
"SORRY" Is Not In My Vocabulary
Dla nastolatków"The word "SORRY" is nowhere to be found in my Vocabulary" -Zeke Castillo READ/VOTE/COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER ALL RIGHTS RESERVED: OCTOBER 20,2013 -RUVILLE_24