#13 SINIMV

81 2 0
                                    

Kevin's POV

umagang umaga eh tinawagan ako ni Felix para lang pumunta sa Bar niya, well matagal na din akong di nakapunta dun ang bar niya ang lagi naming tambayang magkakaibigan pag nagkakayayaan kami ng inuman minsan kasi si Felix at Zeke eh nagsosolo ang pinagtataka ko lang ba't ang aga naman ata ngayon? anong meron? eto ako ngayon at papunta na sa Bar niya ng makita ko si Stacy sa daan naghihintay ata ng masasakyan kaya naman huminto ako.

"labs!" sigaw ko sa kanya.

"tse!" sigaw neto saken

"sakay na" sabi niya.

"never in your wildest dreams :P" sabi niya kaya naman bumaba nako at kinaladkad ko siya pasakay ng sasakyan at pinaandar ko na ang sasakyan

"problema mo?" tanong neto saken

"wala naman." sabi ko.

"teka hindi dito ang daan ng bahay namin!" sigaw niya saken.

"sino bang may sabi na ihahatid kita sa inyo?" pang-aasar ko sa kanya.

"itigil mo bababa ako!" sigaw niya saken as if nasa highway kaya kami

"gusto mong mamatay? nasa highway po tayo hindi pwedeng basta basta kong itigil ito." sabi ko sa kanya

"eh san nga tayo pupunta?!" sigaw niya ulit.

"san nga kaya?" tanong ko

"siraulo ka!" halatang naasar na siya. hindi nalang siguro ako pupunta ngayon sa bar ni Felix for sure mambababae lang naman yun dun :3

"bahala na ang manibela." sabi ko sa kanya, ang tahimik niya XD hindi ako sanay

"woi." sabi ko sa kanya

"oh?" mataray na tanong niya.

"ano bang nagustuhan mo kay Zeke?" tanong ko sa kanya halatang nagulat siya sa tinanong ko, ako nga din eh hindi ko alam kung bakit yang tanong na yan ang lumabas sa bibig ko.

"kasi there's something sa kanya na naattract ako." sabi niya.

"ibig sabihin hindi mo talaga siya gusto." sabi ko sa kanya ng seryoso, kahit nagdadrive ako nakita ko ang expression ng mukha niya ay nagbago

"anong hindi gusto?!" tanong niya saken na halatang nalilito siya sa sinabi ko.

"kasi sabi nila pag gusto mo talaga ang tao hindi mo kailangan ng dahilan kung bakit mo siya nagustuhan." sabi ko sa kanya naalala ko yan sinabi saken yan ni Pitch ex ni Felix.

"tss ang dami mong alam magmaneho ka nalang!" utos niya saken, magtatanghali na  hindi pa pala kami kumakain aha! alam ko na kung san kami pupunta Kela Tatay Ben

"ok!" energetic kong sabi atleast diba may patutunguhan na kami. si Tatay ben ang tataytatayan ko for a long time, he's been a teacher to me. 

Stacy's POV:

hindi ko alam kung san kami pupunta netong unggoy nato -_- tama bang pwersahin akong sumama sa kanya? 

*crook crook*

"hindi ko tiyan yun!" sabay naming sabi 

"ahahhahahah!" tapos bigla siyang tumawa.

"tss." 

"wag kang mag-alala malapit na tayo." yan ang sabi niya, 5 minutes pa at nakarating na rin kami sa isang maliit na bahay.

"don't tell me papasok tayo diyan?" tanong ko sa kanya

"hindi kung gusto mo diyan ka lang." sabi niya nakakaasar pa nga siya tama ba kasing dalhin ako sa lugar na hindi ko alam!

"sabi ko nga eh!" tapos eh pumasok na kami, ewan ko sa kanya at pumasok siya bigla ng wala man lang paalam sa may-ari, nandito kami ngayon sa loob nasa may kusina ng may biglang tumutok ng espada sa leeg ni Kevin isang matandang mama na may weird na pananamit tama bang nakakimono siya eh nasa pilipinas siya inshort ala Samurai ang peg niya

"aahhhh!!" sigaw ko

"sino ka?!" sigaw nung matandang mama

"tatay Ben naman, wag niyong sabihing nakalimutan niyo na ang gwapo niyong alaga?" aba nasa bingit na siya ng kamatayan at lahat kahanginan pa rin sa katawan ang pinapairal niya

"Kevin?" gulat na tanong nung matandang mama mukhang magkakilala nga ang dalawa tapos eh binaba neto ng espada niya

"ako nga po!" sigaw neto sabay niyakap yung matandang mama, tapos eh iniwan ako at nakipagkamustahan pa nakalimutan ata niyang may kasama siyang magandang babae :3 inikot ng mata ko ang bahay maliit siya parang isang tao nga lang nakatira eh.

"sino yang magandang babaeng kasama mo?" rinig kong tanong nung matandang mama aba tama yan maganda talaga ko

" maganda? san banda tatay Ben XD Stacy hoi! halika dito!" sigaw niya saken aba ano ko alalay niya -_- loko yun ah di nalang sumang-ayon sa sinabing maganda ako

"syota mo?" diretsong tanong ng matanda.

"NAKU HINDI PO AH!" sabay na naman naming sabi yung totoo mangagaya pa nga siya ng sasabihin tss walang originality

"kabataan nga naman ngayon, ok lang na umamin kayo ako lang naman ang makakaalam eh" sabay ngisi ng matanda aba loko to ah pasalamat siya matanda na siya

"tay may makakain po ba diyan?" tanong ni Kevin, buti naman at naalala niyang gutom kami

"meron kaya lang nasa labas pa at tumatakbo." napaisip ako sa sinabi ng matanda.

"sige tay ako ng bahala." tapos eh lumabas eto lumabas din ako para sundan tong unggoy nato at nakita ko may manukan pala siya ang ibig sabihin niya siguro ay manghuli ng manok like duh never EVER akong hahawak ng mabahong buhay na Chicken

"ahahaha! nakakatuwa tingnan si Kevin ano?" sabi ng matanda, nasa gilid ko lang siya habang ako naman eh pinapanood si Kevin na halos madapa na kakahuli ng manok.

"More on nakakaasar po" sabi ko 

"alam mo bang ngayon ko lang siya nakitang ganyan na masiyahin kasi nung bata yan iyakin yan eh, laging tumatakbo saken pag nag-away ang magulang niya" pagkukwento ng matanda, nakonsensya tuloy ako masyado akong masama sa kanya, kasalanan niya yun! magkaibigan naman talaga kami eh till sa prank na ginawa niya saken

"ayan na! kunin mo!" nagising naman ako sa sigaw na yun, si Kevin sumisigaw habang tinuturo yung manok, ano pa bang magagawa ko syempre tutulungan ko

na bale ng madumihan ang aking napakagandang kamay gutom na ko eh, sa haba haba ng tinakbo namin eh nahuli din namin ang manok, sinong nakahuli? 

syemre siya -_- tapos eh nilapitan niya ko, may mukha din pala tong unggoy nato napansin ko yung feather ng manok na nakadikit sa buhok niya kaya naman

dahan dahan kong nilapit ang kamay ko

"mas gwapo na ba ko kay Zeke?" tanong niya saken sabay ngiti ng nakakaloko at hawak sa kamay ko

"siraulo!" tapos hinigit ko yung kamay ko para makawala sa hawak niya at hinampas ko siya kaya ayun ang manok na matagal naming hinabol nakakita ng chance at tinuka ang kamay ni Kevin ayun nakawala -_-

"ahahahahah!" tawa ng matandang mama aba ayos ah

"tatay Ben naman" reklamo ni Kevin aba masyadong pabebe to ah

"ahahahah masyado kasi kayong sweet di niyo na naisip ang manok, sige na ako na ang bahala pumasok na kayo sa loob."  sabi neto tapos eh aba kakatungtong niya palang sa manukan nakahuli na agad siya, sabagay sanay na siguro siya. matapos siyang magluto ng tinola aaminin kong masarap talaga ang luto niya bawat higop mo ng sabaw pampatanggal stress habang kinakagat ko yung manok may narealize ako, "akala ko tao lang ang nagpapahabol, manok din pala"

___________________________________________________________________________

ITUTULOY

"SORRY" Is Not In My VocabularyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon