“hoi sagutan mo yan ah!” sabi ko sabay turo sa mga librong itinambak ko sa mesa niya.
“tss.” Yan lang ang narinig ko mula sa kanya matapos niyan ay lumabas nako ng kwarto, paglabas ko ng kwarto niya eh dumiretso na ko sa office ni Mr.Principal syempre hindi naman ako bastos na tao kaya kumatok muna ko and then he said come in kaya naman pumasok nako.
“ano yun hija?” tanong niya saken
“sir tungkol po dun sa kontrata?” panimula ko pero hindi pako tapos eh bigla ng nagsalita etong si Mr. Principal
“ah nga pala, about dun. Hindi ka nalang basta magtuturo kay Zeke ngayon ng mga lessons, I want you to do anything you can para mabago mo ang batang yun.” Sabi neto.
“eh sir kasi ano.” Magdadahilan pa sana ko kaya lang nagsalita ulit siya :3
“dadagdagan ko nalang ang sweldo mo.” Sabi neto, which is hindi nako nakaimik, kelangan namin ng pamilya ko ng pera ngayon dahil sa nawalan ng trabaho si papa, habang si mama naman eh busy sa pagtatahi ng mga damit kelangan ko kasi talagang tumulong sa kanila ngayon.
“ah sige po.”
"nga pala, iiwanan ko sayo si Zeke at may pupuntahan ako sa Japan." sabi neto.
"sure sir, matatagalan po ba kayo?" tanong ko
"medyo." sabi neto
"sige po wag kayong mag-alala." sabi ko tapos ngumiti ako para hindi naman siya gaanong mabahala sa pag-iwan sa anak niya ng mag-isa,
"salamat."
"wala pong anuman" sabi koTapos eh umalis nako. Sumilip ulit ako sa kwarto ni Zeke at guess what nakatulog siya sa desk niya.
Zeke's POV
ano ba naman kasing problema ng math to ui! hindi na natapos! bwisit sino bang nag-imbento neto at ipapapatay ko na bukas na bukas din! saka ko lang narealize na ang tao ay parang math problem, yung iba nagiging masaya kasi nasasagutan sila, kasi nakuha nung
nagsasagot ang tamang formula, may iba naman na masyadong komplikado pero dahil gusto talaga silang masagutan ok lang kahit mahirapan to, pero bakit sa dami ng math problem nabilang pa ko sa mga hindi pa nasasagot? iniwan niya nalang ako bigla kasi hindi niya ko
maintindihan? iniwan niya ko kasi sawa na siya? iniwan niya ko dahil sa ano? hindi man lang siya nagsabi. hindi ko alam ang naalala ko lang maulan na araw din ng iniwan niya ko, maulan din ang mata ko nung araw na yun naaalala ko na naman tss. bago pako tuluyang mag emote
dito eh lumabas nako at naghanap ng away. ito lang ang paraan para hindi ako makaramdam ng sakit, para mamanhid ako.
"hoi ikaw!" sigaw saken ng mamang panget.
"'problema mo?" maangas na tanong ko sa kanya.
"problema ko? ikaw ang angas mo eh!" tapos eh sinapak niya ko, yan maganda yan.
"wala ka na bang ilalakas?" tanong ko sa kanya
"ilalakas pala ah!" tapos eh sinuntok niya ko ng paulit ulit, hanggang sa wala nakong sakit na nararamdaman, ito ang gusto ko pag nakikipagaway ako matapos niya kong bugbugin eh iniwan niya na ko, halos hindi ako makatayo dahil sa bugbog na natamo ko, bigla nalang nagdilim
ang paningin ko, pero bago ko maipikit ng tuluyan ang mata ko may nakita akong babae.
*Kinabukasan.
"ok na po ba siya?" rinig kong tanong ng isang babae. sinubukan kong aninagin ang paligid nasa kwarto ko naman ako.
"ah ok na siya buti at nadala siya agad dito kung hindi maaring magkaron ng kumplikasyon sa mata niya dahil sa mga namuong dugo na nakapalibot dito."
"sige po doc maraming salamat." tapos eh tumingin siya saken at binatukan ako
"kung di ka nga ba naman talaga tanga! bobo ka pa! anong naisip mo at lumabas ka ng kwarto mali ng bahay ng lasing ka!" sigaw niya saken, ng medyo naaninag ko na ang mukha niya si Pakialamera pala
"sinabi ko bang sundan mo ko?!" sigaw ko sa kanya wala naman kasing may sabi sa kanya na kelangan niyang maging superhero ko >.<
"hindi! pero kelangan kitang bantayan!" sabi niya
"tutor ka lang! wala sa trabaho mo ang bantayan ako!" sigaw ko.
"ngayon kasama na." sabi niya ng mahina.
"anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko
"umalis na ang papa mo papuntang Japan, may aasikasuhin daw siya dun at binilin ka niya saken." pagpapaliwanag niya hindi nako umimik, ngayon pakiramdam ko ako nalang talaga mag-isa.
"nga pala anong gusto mong kainin? gusto mo orange? apple?" tanong niya saken
"wala" sabi niya
"sabado naman ngayon kaya wag kang mag-alala na baka di ka makapasok" sabi niya
"kahit pa may pasok wala akong balak pumasok" walang ganang sagot ko
"hindi pwede yan pagaling ka agad at may gagawin pa tayo sa school, ge may bibilhin lang ako" sabi neto tapos eh iniwan nako sa kwarto.
Xaviera's POV
buti nalang at nagising ako dahil sa ingay ng pusa kagabi atleast nakita ko yung timang na yun na lumabas. tss ayaw niyang kumain mamaya niyan naligtas ko nga siya namatay naman siya sa gutom hindi talaga nag-iisip -_-
makabili na nga lang ng makakain, habang nasa convinience store ako eh naisip kong magluto nalang ng sopas para naman mahimasmasan ang mainit niyang ulo o di kaya ibuhos ko sa kanya yun 3:) joke lang :3
"miss!" rinig kong sigaw ng isang lalaki, lumingon ako at nakita kong parang kilala ko siya
"remember?" tanong niya saken.
"ah kas" hindi pa ko nakakatapos eh nagsalita ulit siya.
'Reid :)" ah yung lalaking sabi na bulag ako -_-
"oh hi." sabi ko tapos eh binaling ko na sa mga bibilhin ko ang atensyon ko
"anong bibilhin mo?" tanong niya saken
"ingredients para sa sopas" sabi ko
"ah so nagluluto ka pala?" tanong niya ulit :3
"minsan"
"san ka pala nakatira?" tanong niya
"diyan lang."
"KUUYYYYAAAAA!" rinig kong sigaw ng isang babaeng papalapit samen
"XAV/STACY!?!" sabay naming sabi
"magkakilala kayo?" tanong nung lalaki
"BESTFRIENDS KAMI." sabay naming sabi ni Stacy tapos eh nagtawanan, habang yung kuya niya eh nakatingin saming dalawa.
_____________________________________________________________________________
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
"SORRY" Is Not In My Vocabulary
Novela Juvenil"The word "SORRY" is nowhere to be found in my Vocabulary" -Zeke Castillo READ/VOTE/COMMENT/REACT/SUGGEST/BE A FOLLOWER ALL RIGHTS RESERVED: OCTOBER 20,2013 -RUVILLE_24