Chapter 18- Fast Forward {☆}
Aliar's POV
"Waaaaaah, edean ayoko na tama naaaa!! uwaaaaaaaaaah...." grabe pagod na pagod nako.. Whoooo....
Baka nagtataka kayo kung ano yung ginagawa namin, as usual naghahabulan.. Para kaming mga bata no? well, si Edean kasi eh bigla nalang akong hinabol at pag nahawakan nya ko may kiss daw =___= dapat daw yung matagal, demanding pa eh.. tch
"Etoooo naaaa akooo! Catch yaaaah!!" wala na nahabol na nya ko, grabe bigla banaman akong hinawakan sa waist at bigla ako tinaas... Waaaaaah nalulula akoo
"Waaah Edean baba moko, nalulula ako.... waaaaaaaaah!" binaba na nya ko, grabe hilong hilo ko.. Pano ba naman inikot ikot ako -.- takte sakit tuloy ng ulo ko.
"Hahahahahaha tara na nga Aliar, napagod ako eh.." hinawakan na nya kamay ko dahilan para mapasunod sakanya.
Huminto sya sa harapan ko, teka bakit ano bang meron.. Humarap sya sakin tsaka lumapit yung mukha.. OMG
"Teka, yung premyo ko? nahabol kita ah. Asan na? ..... Naghihintay ako Aliar" tapos pumikit sya at nag pout,,, uwaaaaah ang kyot ng labi nya, ang redish na ang sarap halika-- WAIT ano ba tong sinasabi ko... pupu naman.
"Ang tagal naman, naghihintay ako.... asan na dali ready nako" putek demanding netong lalaking to.. Wala din naman akong nagawa kung di halikan sya, naakit ak-- WAIT eto nanaman ako! >¿< wala wala wala erase erase erase...
"Yun oh!! wohooo... tara na sa kwarto ligo na tayo, kukuha lang ako ng twualya sa kabinet mauna kana sa taas. May tuwalya kana dun tiba?"
"Oo meron na. Sige akyat nako."
Pag akyat ko pumunta nako sa kwarto ko.. Or can I say kwarto namin
Yep, magkasama na kami sa kwarto, pero WAIT wag munang GM di kami tabi matulog, sa baba sya sa taas ako.. Hahahaha natatawa nga ako sakanya eh reklamo ng reklamo kesyo masakit na daw likod nya sa sahig.. pinapalipat ko sya ng kwarto pero ayaw naman. Baliw din eh no?
4 na taon na ang nakakaraan simula nung ligawan ako ni Edean, 10months din nya akong niligawan nun. Pagkatapos ng apat na taon, tumitira na kami sa isang bahay, di naman illegal kasi may permission naman ng magulang namin. Bait nila eno?
Ang gusto nga ni Edean magpakasal na kami, tapos naman na kasi kami ng college, kinuha nyang course is chef ako naman doctor. Kaya lang live ako ngayon. Sya naman 2taong bakasyon, ang daya tiba? so sabi nya dapat daw sa 2taon kasal na kami kasi wala na kaming time pag nagtatrabaho na kami. Kaya lang, di pa ako ready. Di pa ako handang magkapamilya kaya sinabi ko kay Edean yun, naintindihan naman nya ko kaya sabi nya maghihintay sya.
*eeccckkkkkk*
"Oy iyakin, di kapa naliligo? ligo kana uyy.. Kanina pa ko umalis ah, tapos di ka padin naliligo" Oww onga no, grabe daydreaming nanaman ako. Napagalitan tuloy ako ni Boss.
"Sorry po, eto na po maliligo na" Sarcastic kong sagot, haha pokerface sya eh.
after 30 mins..........
Lumabas nako ng kwarto, sinampay ko na yung tuwalya sa may banko malapit sa kama ko, napatingin ako kay Edean.. nakatulog?
"Edean, ligo kana. Pagkatapos mo maligo tsaka kana lang matulog.. uyy Edean" niyuyugyog ko na syam tinapik tapik ko na din mukha nya. Grabe to tulog mantika..
*yawn "Huh? ayy nakatulog pala ko, sige pasok nako banyo" sabay kusot kusot pa ng mata. Parang bata lang.
Hay, kakapagod, makaiglip kaya muna saglit.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Edean's POV
After 10 mins tapos nako maligo, mabilis lang naman ako no. Pero tong si Aliar grabe kung maligo magiisang oras -.- Speaking of Aliar nakatulog na.
Pumunta ko sa higaan nya, para syang anghel kung matulog, ang sarap nyang tignan. Sya kasi yung tipong tao na pag gising ang tapang pag tinignan mo, maganda pero may mysterious sa kagandahan nya. Simple syang babae pero ang ganda kung manamit, di sya katulad ng iba na kailangan pang magmake up para masabihang maganda. Matapang syang babae kung tutuusin, nakakaya nya lahat ng pagsubok na dumating sakanya. Kaya nakin kung anong pagsubok ang dumating samin.
Makatulog na nga din, tinulugan ako nitong girlfriend ko eh. Tch
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~》》》》》~~~~~~~~~~《《《《《《《~~~~~~~~~~》》》》》~~~~~~~~~~《《《《《《
Aliar's POV
*yawn
*kusot kusot mata
Ang sakit ng mata ko -.- pagbangon ko pumunta ko ng CR para maghilamos at magmumog.
Naalala ko pala, di nga pala kami kumain kagabi. Kasi tong si Edean di ako ginising. Aba eh sa nakatulog ako at nakalimutan ko nang kumain eh.
"Iyakin, tara na kain na tayo. Di pa tayo kumakain kagabi pa eh."
"Sige tara na. " hinawakan naman nya kamay ko hanggang makababa na kami
*after kumain
Nandito lang kami nanunuod ng movie, wala kaming kasama ngayon eh. Wala din ung mga katulong kasi nga bakasyon nila.
"Aliar, wala pa ba talaga tayo balak magpakasal?" out of the blue bigla nyang tinanong sakin yan, naging serioso tuloy sya.
"Edean di ba parang masyado pa tayong nagmamadali, di ba parang masyado tayong bata para maging ama at ina. Parang di pa ako ready eh. Sorry" mukha naman syang nadissapoint, hala. Baka naman magalit oh magtampo yan sakin.
"Ah sige ok lang." lumuwag naman yung pagkakahawak nya sa kamay ko. Hanla.. So nagtatampo nga sya?
"Edean sorry na, sige pagiisipan ko. Sorry na po" nagpout tuloy ako ng wala sa oras :3
"Ok lang Aliar, medyo nadissapoint ako pero alam kong di ka pa handa. Sorry ah kung masyado akong nagmamadali. Gusto na kita makasama habang buhay eh. Yung tipo na wala nang mangaagaw" sabagay, may point sya.. Pero di pa talaga ako handa.
Tinugon nalang namin yung mata namin sa tv, pero di ako maka concentrate parang naaalala ko yung sinabi nya. Kung pumayag na kaya ako? eh pero baka di ko magampanan ang pagiging wife ko sakanya, pero kasi tama talaga sya eh. Ayy ewan bahala na.,
-----------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Huahuahua mabuhay readers! Namiss ko kayo, try ko maging active ngayong bakasyon.... Whuawhaaaawahahaha.... XOXO 《♥》
BINABASA MO ANG
His Promises
RomansaShe's a girl that every man dreams about. But still, she chose a man who will never love him for who is she.