Chapter 24 Confrontation.

51 2 0
                                    

Chapter 24 - Confrontation.

Aliar's POV

"Grabe babe noh? Parang dati lang, strangers pa tayo. Walang pansinan, tapos ang taray taray mo sakin." Nandito kami sa aming kwarto, dito namin napag isipan ni Edean tumambay since miss na miss na namin ang isa't isa.


"Oo nga babe eh, eh ikaw din naman noh! Babaero kapa dati." Biro ko, di ko talaga aakalain na magiging ganito kami ni Edean..

"Hindi naman sa babaero babe, alam mo yun, parang badboy pa ko dati tas parang wala lang sakin ang makipag flirt sa babae.. Nung nakilala ko si Shafie akala ko siya na, pero mali pala ako babe.. Kasi dumating ka." Kinikilig ako at the same time, naiiyak. Shet.


"Ang drama babe ha? Try mo sumali sa Wattpad baka sakaling mag trending ka." I try to cheer up the situation, masyado kasing madrama ang boyfriend ko.


"Babe naman.. Pero babe seryoso ako, di ko talaga maiisip na maging tayo." Oops.. seryoso po sya. Haha!

"Ako din naman babe eh, kase nung una palang hinahangad ko na maging akin ka. Kasi sa una palang gusto na kita, kaya lang ako nagiging mataray sayo kasi naiinis ako. Di moko mapansin na ako ang nauna sayo, hindi si Shafie."

"Yun na nga babe eh, alam ko sa una palang na ikaw ang nauna. Kaya lang, hinayaan kong mafall ako kay Shafie kahit alam kong masasaktan ka.. Pero alam mo yun babe, nung nakipag break ako kay Shafie.. Ikaw ang dahilan nun." Ha? Oo nga pala. Sya ang nakipag break. So it means, kasalanan ko?

Umupo ako ng maayos sa higaan namin ni Edean, hindi ko kasi sya magets. "Ha? Ako? Bakit?"


"Kasi babe, akala ko si Shafie talaga yung mahal ko. Pero hanggang akala lang pala yun.. Kasi babe sa araw-araw, pag nakikita kita para bang.. Ang sakit, yung makita kang nasasaktan samin. Atsaka pag nakikita kita, gusto kitang yakapin.. Lagi kitang naiisip kung kumain kana ba, oh okay kalang ba. Kasi pag naiisip kong nasasaktan ka. Nasasaktan din ako." Di ko alam kung maiinis ako kase di nya sinabi kaagad, oh maiiyak ako kasi ganun pala nya ako kamahal. Ugh!


Ako naman ang sumagot sa mga drama nya.. "Akala ko din babe, wala na akong pag-asa sayo. Akala ko din, magiging martyr na ako forever. Kasi babe, ang sakit sakit nun eh. Yung para bang ang sakit sakit na kailangan ko nalang tiisin. Na sa araw-araw kailangan kong magpanggap na hindi ako nasasaktan, na okay lang ako. Pero di ko pala kaya babe, kasi habang nagpapanggap ako. Lalo ko narerealize kung gano kita kamahal, kung gano ko tine-take for granted ang sarili ko para sayo. Pero babe ngayon, worth it lahat. Kasi alam kong mahal mo na ako." Naiiyak na ako. Parang ngayon ko lang nalabas lahat ng sakit, dito sa puso ko. Na kahit kami na, di ko padin to ma open-up sakanya. Pero ngayon, nagagawa ko na.


"Ganun ba kita nasasaktan nun babe? Im sorry. Hindi ko alam na ganun pala, hindi ko alam na ganun na pala kasakit yung naidudulot ko sayo babe.. Pero babe tayo naman na diba? Pwede namang ulitin kung anong pagkakamali natin sa isa't isa diba?" Tama si Edean, pwede naman naming ulitin sa umpisa ang mga pagkakamali namin.

"Opo babe, uulitin natin sa umpisa ang lahat. Pero ngayon babe, ipo-promise mo sakin na walanh iwanan. Na di moko iiwan. Na matutupad ang lahat ng pangarap natin sa isa't isa."

"Opo babe. Promise yan! Promise na promise." Nag pinky promise kami ni Edean, kung iisipin para kaminh mga bata.. pero wala eh, mahal ko sya. Mahal din nya ako.


"Tara nga dito Aliar! Yakapin moko! Miss na miss kaya kita!"

"Hoy!!! Edean bitawan moko! Di ako makahinga!!" Shet. Di ako makahinga! Niyakap banaman ako ni Edean ng napaka higpit. Eh ang laki laking tao netong lalakeng to..


"HEH! AYOKO NGA! BWAHAHAHAHA..."

"UGH BITAWAN MO SABI EH"

"AYOKO!"


"BITAW SA--"

*SPLAAAAAAAAAAAK*


O.O


Nakadagan sakin si Edean, ako natulala. Omg shet. Ang pogi pala ng boyfriend oo sa malapitan. Pero, takte ang bigat.


"Hoy Edean baka gusto mong umalis noh? Napasarap ka yata. Tulo pa laway mo kadiri! Shooo! Alis.."


"Eh kasi ikaw eh! Ang likot mo yan tuloy." Dumeretso ulit sya sa kama atsaka humiga. Tae ansakit ng likod ko dun.

"Di mo ba ko tutulungan tumayo dito? Di ako maka tayo sa sobrang bigat mo!" Di naman talaga ako maka tayo eh. Anubayan.


"Kaya mo na yan" Inirapan lang ako ng loko.

"Tsk sige." Ansakit kaya sa balakang, isipin nyo dinaganan kayo ng kabayo. Yun, ganun kasakit.

"Joke lang babe! Tara na." Ang loko pinasan pa ako. =_=

"Baba moko! Pag tayo nahulog nanaman papakain talaga kita sa buhaya!" Ugh!


"Oh talaga? Kaya mo? Hulog kita dyan eh!"

"WAG!" Ang loko bibitawan talaga ako. Napakapit tuloy ako ng di oras. Psh.


"Joke lang. Hahahahahaha!" Tsk.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Omg. Sorry sa late UD guys. Di ko akalain na makakapag UD ako ngayon xD ngayon lang ako nagka time kung kelang walang pasok xD ahahaha! Pasensya sa kadramahan. Di bagay sakin no? Sarreh.. Vote and comment guys. Try nyo mag comment and mag vote. Gaganahan ako mag update. ;) promise.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon