Chapter 22- Will her forgive me?

56 1 0
                                    

Chapter 22 - Will her forgive me?

Aliar's POV

Nandito ko ngayon sa kwarto ko, nagiisip.

"pano ko ba susuyuin ung lalakeng yun?"

"baka mareject ako? oh diba kaya galit pa din sya sakin?"


Ugh! sabay gulo gulo sa aking buhok na kanina pa magulo.

Ilang araw na kaming di nagpapansinan ni Edean, simply because galit pa din ata sya sakin. ano naman kasing ginawa ko diba?? hayy nakoo...

*tok tok tok

"Ay pusang malaki!" anubayan nakakagulat naman yang katok sa pinto, bwisit!

"Pasok!" sigaw ko mula sa pagkakahiga sa aking malaki at malambot na kama

"Iha, ako lang ito si manang may gusto sana kong ibigay sayo. Pagpasensyahan mo na itong regalong Toh iha yan lang ang kinasya sa pera ko" sabay pakita ni manang na paper bag at akmang iniaabot nito sakin

Umayos ako ng upo sa kama ko at tinignan ng confuse look si manang "Ha bakit po? ano po bang meron?"

"Diba iha ay berthdey mo na sa isang linggo, at alam ko namang mayayaman ang pupunta sa birthday mo at mamahaling regalo, kaya ngayon ko na sayo ito iaabot" aww oo nga pala! birthday ko na sa susunod na linggo, di ko na naisip dahil sa away namin ni Edean

tumayo ako at kinuha kay manang ung paperbag na binibigay nya sakin "Nako manang nagabala pa po kayo. Salamat po sa bigay nyong toh" nag abala pa si manang nakaka touch naman.,

"Nako iha pagpasensyahan mo na iyan ha? happy birthday iha" sabay yakap sakin ni manang

"Salamat po manang"

"ah osige na at magluluto pa ko ng meryenda natin, baba kana mamaya ha?"

"Ah opo sige po"

Tinignan ko naman ung bigay sakin ni manang na paperbag umayos ulit ako ng upo sa kama ko atsaka binuksan iyon

Isa syang T-shirt na black and white, ang cute nung design nya.. heart shape na maliliit na kulang black tas white naman ung tshirt




Ilalagay ko muna toh sa drawer ko, tas bubuksan ko nalang pag birthday ko na



Bumalik ulit ako sa kama ko para makapag isip, ano kayang magawa ngayong hapon?

busy naman si Shafie dahil nagshoshopping yun for sure.

Si Edean kaya?


ayy tae di pa pala kami bati, hayy







Tama! itetext ko muna sya


Kinuha ko cellphone ko sa maliit na treasure box sa gilid ng kama ko

To: Edean

(Edean, sorry na oh. please ayusin na natin toh)

message sent........





Sa totoo lang napapaisip ako tuwing nagaaway kami, alam nyo yun ung parang ako pa ung lalake?


Ako pa ung nagpapakumbaba, para bang yung alam nyo naman tiba mga girls na kailangan din natin ng mangsusuyo satin? ung bang experience manlang bilang pagkababae natin

pero sa situation ko ngayon, hinde eh. Ako pa ung lalake, ako pa ung nagpapakumbaba, ako pa ung sumusuyo kahit kasalanan nya..



Kase mahal na mahal ko si Edean, na kahit anong mangyare mahal na mahal ko yun



Paminsan nga dumadating sa point na naiisip ko "mahal pa kaya nya ko?" ung bang nakakapag doubt kana din kasi paminsan di kana nya napapansin




pero tuwing nagfaflashback sakin ung confronting sakin ni Edean, kahit onti nawawala ung doubt ko



sabi ko nga din sa sarili ko na kahit ipagtabuyan nya ko, kahit ayawan nya ko hinding hindi ko sya iiwan, hinding hindi ko sya titigilan..



Ganun pala ang love noh?


Nagagawa mo ang mga bagay na di mo kayang gawin dati



Nagagawa mo ang mga bagay na ayaw na ayaw mong gawin dati



At nagagawa mong magpakumbaba kahit ang taas taas ng pride mo dati.,


Sabi nga nila, pag pinasok mo ang love. Di ka pwedeng di masaktan.. kasama daw un sa love


Hayy ang drama ko nanaman...







Makapaligo nalang, nababaliw na ata ako? wag naman..




-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Edean's POV




Miss na miss ko na si Edean, miss na miss ko na ung girlfriend ko.

Kaso di ko syang magawang kausapin eh, natotorpe ako na baka mablanko ako sakanya


natatakot akong magsorry kasi baka mareject ako..



pero ang totoo nyan..

Kahapon ko pa binabalak tong plano ko, kahapon ko pa to pinag pinagpaplanuhan.. at ngayon kahit mareject ako, ok lang. Atleast napakita ko na mahal na mahal ko talaga sya.. di ko na hahayaan na mag doubt sya sa pagmamahal ko sakanya..

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon