Author's Note:hey readers! kung napapansin niyong kay Knyah at kay Mario na umiikot ang istorya, just wait for the revelation :)) keep on reading ^
=================================
Eirene's POV
Hah! may bago pala siyang kaibigan ah! at di ata alam ng lalaking yun, kung anong pwede kong gawin sa mga nagiging kaibigan ng babaeng yun!
oo, ako ang dahilan kung bakit walang kaibigan si Knyah. Dahil dati ko pa yan kinaiinisan. Dati nya pa ko ginagalit. Pinapamuka niya sakin na di ko kayang kontrolin ang lahat! kaya kinausap ko ang lahat ng tao dito sa school, mula sa principal, hanggang sa janitor na kapag nakipag sociate sila sa bakekang na yun, their experience in this school, will be the worst..
impossible right? well, that's me :)
hay nako Knyah, nandamay ka pa!! tsk tsk tsk >:)
-----
Mario's POV
May bago na palang kaibigan si Knyah.. at eto, kasabay namin kumain. Grabe, bakit parang ang tagal na nilang magkakilala??
"hahaha! talaga? haha! loko ka rin pala! haha!"
"hahaha! bakit? ano ba kala mo sakin?"
"kala ko sayo ang sungit sungit mo! tss.. eh ayaw mo palang magpaistorbo! haha!"
see? at eto ako, kumakain lang ng tahimik sa harap nila. oo, MAGKATABI SILA.
aaminin ko.. nagseselos ako -_- pero di naman ako yung tipo ng tao na pinapahalata yung nararamdaman. Torpe na kung torpe! psh -_-+
"uy! Mario! kanina ka pa tahimik jan?" nagulat naman ako kay Knyah.
"ha? di ah. tsaka, ano ba sasabihin ko?" sabay subo ng lasagna.
"makisali ka sa usapan namin."
"tss.. di naman ako makarelate eh." napatigil siya. nagulat siguro sa pagkaka cold ng pagkasabi. aish! di ko mapigilan..
"okay" okay?? ayos ah.
"ah geh. alis na ko."
"sure ka pare? ni hindi pa nga nangangalahati yang pagkain mo oh!" sabi ni epal.
"oo.. busog na din ako eh. geh una na ko"
at tuluyan na kong umalis.. badtrip! di man lang ako pinigilan? matapos ko siyang damayan kanina? psh!
pero, di tama to. Di dapat ako maging selfish. Dahil di ko naman siya pag aari. Kaya, wala akong karapatang pigilan siyang makipag kaibigan sa iba.. tama, kung dun siya masaya, dadamayan ko siya.
bumalik na ko ng classroom. At naabutan kong nagtatawanan sina Eirene at yung mga kaibigan niya. napatingin siya sakin. at.. inirapan lang ako! tsk! pandagdag badtrip tong mga babaeng to eh!
"psst!" napatingin ako kung sinong sumisitsit.. ah, si Gerald pala.
"oh! buhay ka pa pala?" cold kong sabi. hay.. this is so not me!
"grabe ka naman.. nabalitaan mo na ba?"
"na ano?"
"tsk. di ka updated! palibhasa puro ka Knyah."
"h-ha? pero, pano mo nalaman.?"
"*smirk* wala. masama?"
grabe, kakaiba talaga siya!! katakot -_- para bang? lagi ka nyang binabantayan? nyay!
"aish. e ano ba yung sinasabi mong balita?"
"wala. nakalimutan ko na -_-" sabay tungo sa desk nya!
tingnan mo to, AAIISSHH! ampanget ng araw ko ngayon!
dumating na yung next teacher namin at nagpatuloy ang klase..
amboring! di ko naman maintindihan dahil wala ako sa mood makinig! and take note: first time ko to!
"MR. VILLAFUERTE! YOU ARE NOT LISTENING! kanina pa kita tinatawag!!" nabulabog naman ako sa sigaw ni ma'am.. teka..
ako? tinatawag? hala.
"a-ako po ba?"
"yes mister! kanina ko pa binabanggit ang apelyido mo para magrecite pero para akong sirang plaka dito na walang pumapansin!"
"s-sor--"
"get out of my class! NOW!!"
"y-yes ma'am, sorry po" lumabas na ko ng room. patay, pano pag nalaman ni mommy to? baka isipin niya nagditch ako ng klase. tsk!! sirang sira na talaga ang araw ko!
san ako pupunta? eh di ko pa naman kabisado tong school na to! hay, buhay!
naglakad lakad na lang ako, bahala na kung san mapunta..
*lakad lakad lakad*
hay! pagod na ko! 2 hours kasi yung klase ni ma'am eh.. so it means, 2 hours akong pagala gala dito?
nagpunta na lang ako ng garden at naupo sa isa sa mga bench doon..
wow.. ang sarap naman ng hangin dito! nakakarelax. kahit papano, nakakawala ng stress..
"*sigh* knyah, di ko alam kung bakit ako nagkakaganito dahil sayo, unang kita ko pa lang sayo, iba na ang naramdaman ko, pag may iba ka ng kasama, sobrang nagseselos ako, pag nakikita kong nasasaktan ka, parang gustong gusto kitang protektahan habang buhay.. hay, alam kong wala pa ko sa tamang edad pero Knyah,"
"mahal na kita.. pero, masyado akong duwag para sabihin sayo to.. kaya, itatago ko na lang tong nararamdaman ko para sayo."
-----
Knyah's POV
ano kayang nangyari dun kay Mario? bigla na lang naging cold? di naman siya ganun kanina ah? ang sweet pa nga niya eh..
"bye na Knyah, malelate na ko sa next sub eh. babye"
"bye"
masarap kasama si Patrick. di ko alam, kalog din pala yun? pero si Mario, hayst! bakit ba siya ganun?
...
ugh! BOREDOOOOM!! nakakainis! nakakaantok magturo netong teacher na to eh! hay!
"umm sir? excuse me, may I go to the restroom?"
"sure miss." salamat naman at pinayagan ako.. dahil bored na bored na ko!
sa totoo lang, di naman ako magrerestroom, gagala na lang ako.. iwas bored :))
san ba maganda nagrelax? umm.. aha! SA GARDEN!! oo tama :) makakapagrelax ako dun.
pagdating ko dun, nagulat ako sa nakita ko, may tao? tsk. kala ko naman masosolo ko to dahil class hours.. sino ba to?
lumapit ako ng konte para tingnan kung sino yun.. napatigil ako.
O_O!!
Mario??
lalapitan ko sana siya para kausapin kaso bigla siyang nagsalita..
"*sigh* knyah, di ko alam kung bakit ako nagkakaganito dahil sayo, unang kita ko pa lang sayo, iba na ang naramdaman ko, pag may iba ka ng kasama, sobrang nagseselos ako, pag nakikita kong nasasaktan ka, parang gustong gusto kitang protektahan habang buhay.. hay, alam kong wala pa ko sa tamang edad pero Knyah,"
di ako makapaniwala sa narinig ko.. ibig sabihin, parehas kami ng nararamdaman? pero ano?
"mahal na kita.. pero, masyado akong duwag para sabihin sayo to.. kaya, itatago ko na lang tong nararamdaman ko para sayo."
-_-
o_o
O_O
O__________O
ohmygosh!
he loves me??