Chapter 7 continuation

29.9K 820 90
  • Dedicated kay Arlene Bejasa Anglo
                                    

Chapter 7 continuation






Valentines came. . .




Naramdaman ko ang ibig sabihin ng tibok ng puso ko pagkamulat ng mata ko. Ilang araw na. Tumayo ako sa kama at napahawak sa labi ko. After that kiss at the clinic, wala na talaga. What happened to her? I’m badly missing Ree so much.



“Travis! Gising ka na ba? Tumawag si Khris on the way na daw siya!”




Hindi na ako sumagot saka tumayo at dumiretso sa banyo. Ginawa ko ang dapat gawin. Kelangan ko kasing maging maaga sa school dahil alam kong hindi pa tapos ang preparation sa school, yung line up dahil alam ko may nagback out at kung ano ano pa. Mga pahirap sa buhay.



Lumabas ako sa kwarto at nakita si Khris na nakain sa dining room kasama si Ate. Tawa lang sila ng tawa tapos ako? Hindi ko alam. Tsss.



“HAPI BALENTAYMS PARE T! AY YAB YU!!!”



Tumakbo si Khris papalapit sakin kaya sakto kong iniharang sa mukha niya ang kamay ko. Napatigil naman siya at nag-pout. Kahit kelan talaga, parang ewan ‘tong si Khris. Ngumiti ako ng matamlay at umupo sa tabi ni Ate at inagaw ‘yung hawak niyang tinapay.




“Tamo ‘tong si Travis! Menopause na naman. =__=”



“Yan ang napapala ng walang lablayp ate Trixie!” tumawa naman si Khris pero mukhang nainis si Ate.



“Anong problema sa walang love life? -____-++++”



“Ah-e-hehe. Joke lang ate Trixie! Kaw naman! Di ko kaya ang dalawang menopause na Travis!”




Hindi maipinta ang mukha ni Ate. Di niya kasi alam kung tatawa siya o maiinis ni Khris. Wala akong pakielam. Di naman ako natatawa e. Cold T. Cold T. WTH. Ayoko talaga ng ganito.




Tumayo na ako matapos kong inumin ‘yung juice at kinuha ‘yung bag ko, “Tara.”




Agad na din namang tumayo si Khris at minadaling ubusin ‘yung juice sa kanya. Papagalitan pa sana ako ni Ate pero lumabas na agad ako ng bahay. Tss. Uulit-ulitin lang naman niya ‘yung sasabihin niya. Yung ‘wala na naman daw akong pakielam sa mga tao’ at ‘lagi nalang daw akong nasusunod.’ Minsan may ‘ANG SUNGIT MO TALAGA, TRAVIS!!’



=___=





Papasok sana ako sa passenger seat ng bigla akong pinigilan ni Khris. Dun ko lang na-realize na may babaeng nakaupo sa loob. Isang babaeng natutulog sa shotgun seat. At. . . At. . .




At sa unang pagkakataon, nagandahan ako sa babae.




Hindi naman sa hindi talaga ako nagagandahan sa iba kong babaeng kaklaseng babae pero ngayon lang ako namangha ng ganito. Kumatok si Khris dun sa bintana nung babae. Napakunot ang noo nung babae at tumingin sa labas ng kotse kung nasaan kami ni Khris.



Sumenyas naman si Khris na ibaba ‘yung bintana. Kinusot niya ‘yung maliliit niyang mata at tumango. Ewan ko. Pero kahit anong gawin niya sa mukha niya, la-lalo lang atang umiinit ang tenga ko. Ay tae.





“Wae? Aren’t we going yet?”









*. . .dug. . .dugdug. . .*





Sht.



Isa lang ang tumatakbo sa utak ko ngayon.






Kaboses niya si Ree.










----------------------------------------------------------------------------









“Sige, akin na.”




Hanggang ngayon nakatitig lang ako sa kanya. Ayaw maalis ng mga mata ko sa kanya. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na siya talaga si Ree kahit na alam kong wala akong proweba. Kinakabahan talaga ako.



“So, what do you think babe?” Natauhan ako nung ipinulupot ni Khris ang kamay niya sa bewang ni Lyra.




Thinking her name, simply made my heart skipped a beat.



Th-this is really the first time.





Nagulat ako nung ipakilala ni Khris sakin ang bagong girlfriend niya. Taga-dito rin siya sa school namin. Pero madalas siyang wala at nags-special classes dahil madalas siyang pumunta sa iba’t ibang lugar pero madalas daw sa Quezon and Laguna for some special reason.



Dun palang sa Quezon at Laguna, kinabahan na agad ako. Yung mga information na ibinigay sakin ni Ate. Yung pangalan niya, Shira Lyrica Lindon. Ewan ko. ngayon lang ulit bumilis ang tibok ng puso ko after those empty days. Pa-pati ‘yung boses niya.





“Hi Travis.”





Again. . .





“Ba-bakit?”



“Pede mo ba akong samahan sa Music Club room? Eh di ba ikaw lang ang may spare key?” Tumango ako. “Kelangan ko kasing kunin ‘yung gitara ko. Itinago kasi ‘dun ng  pinsan ko e.”



“Pinsan?”



Tumayo ako at nagsimulang maglakad papuntang Club room. Kinakabahan ako ngayon alam ko. Sobra. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko kaya itinago ko ‘yung sa magkabilang bulsa ko.





“Yup. Si Nolee, third cousin ko siya.” Tumango nalang ako.




Yung boses niya.



Yung pagsabi niya ng ‘Hi, Travis.’




Yung pangalan niya.




Yung pagwawala ng puso ko ngayon.





Nawawalan na ako ng hininga.







“O-okay ka lang ba?” Nagulat ako nung bigla ko siyang makita sa harapan ko at biglang hinawakan ang noo ko. “Hindi ka naman mainit, pero bakit namumutla ka?”




Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nilagpasan siya.





Dahil sa ginawa niya, lalo lang naguluhan.






Kinuha ko ‘yung susi sa bulsa ko at sa katangahan ko, hindi ko maipasok ang susi sa door knob. Sht. Mahahalata niyang kinakabahan ako. Nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nagdulot ng paginit ng tenga ko.



“Ako na.” Kinuha niya ‘yung susi sa kamay ko at hinayaang buksan ang pinto.






Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?



Malungkot, masaya, kinakabahan, masakit pero





gusto ko ang hindi ko maintindihang pagtibok ng puso ko. . .





Pumunta siya sa harapan ko at dun ko naamoy si Lyra.





She smells coffee. . .





Bullsht Travis.




Siya na nga ata si Ree.





Bakit ganun?






“Tara?”




Ngayon ko lang napansin na matagal na pala akong nakatulala. Napailing nalang ako sa hindi ko malamang dahilan. Masyado lang siguro akong napaparanoid. Dahil sa lampas ng isang linggo kong hindi naririnig ang boses ni Ree.



Oo, siguro—naguguluhan lang talaga ako ngayon.




Tama ‘yun.







“A-ayaw mo ba sakin, Travis?”





Pero tuwing naririnig kong tinatawag niya akong Travis.





Bumabalik ang pagkalito ko..





“H-ha?”



“Kasi—” Napakamot siya sa batok niya gamit ang freehand niya. “Si-simula kasi nung nakita mo ako kaninang umaga, parang umiiwas ka sakin.”




Bigla siyang sumimangot.




A-ang ganda niya.




Hindi ko na talaga alam.





“So-sorry. May i-iniisip lang kasi ako.”



“Ano ‘yun?”



“Wala. Na-naalala ko lang siya sayo.”



“Ah.”




Nagsimula na ulit siyang maglakad at tinititigan ang likod niya.




Inaalala ko ‘yung tumatakbong babae nun sa Music Room. Yung isang pagkakataon kung san ako niyakap ni Ree. Pero—hindi talaga ako makasigurado.





“Lyra.”




Ewan ko. Bahala na.




“Bakit, Travis?”





Bumilis ang tibok ng puso ko nung bigla siyang lumingon at ngumiti sakin. . .





“Wa-wala.” Tumungo ako.






Ang puso ko.





“Okay.”



Tumalikod na ulit siya at naglakad pabalik sa activity room kung saan maggaganap ‘yung Music Event.





Dumaan kami sa building namin kasi may pupuntahan lang daw siyang tao. Silip siya ng silip sa bintana ng room ng IV-A. Hindi niya siguro makita dahil ng kagulo ang tao. Puro busy. Nagulat ako nung biglang tumingin si Rica at nanlaki ang mga mata niya nung nakita niyang kumakaway si Lyra sa kanya.




Agad tumakbo si Rica palabas ng room,





“Ree!”



“Rica!” Nagyakap sila at ako--




Isang gulat na expresyon ang makikita panigurado sa mukha ko.





Tama ba ‘yung na-narinig ko?




“OMG! Narinig ko ba ‘yung boses na ‘yun?!” biglang lumabas si Nolee mula sa IV-A room at mukhang gulat siya ng makita si Rica at Lyra. “ATE LILY!”



“Nolee! I missed you!” Tumakbo naman si Lyra papalapit kay Nolee saka 'to niyakap.










Ree? Lily?






Shoot Travis.





GF yan ng bestfriend mo.








- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -



Hi! Hanggang 15-20 chapters lang po ata 'to? Kaya medyo mabilis ang flow ng story. Balak ko naman kasi talaga SHORT STORY LANG TO pero ito na nga. Hehe. At balak ko po siyang tapusin bago matapos ang month ng May! Support? Support? <3


Thanks. :3


WHAT DA YA THINK? ^__________________^

Hello, TravisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon