Prologue

160 8 0
                                    

"Seriously?! You're a vampire, Ryle! Hindi ka tumatanda!"

Tipid lang akong napangiti sa tinuran ni Candy. Pasimple akong tumingin sa relo ko at napakagat labi. Sino pa bang hinihintay ng mga 'to? "Ang OA lang Candy?! Hindi talaga tumatanda? Hindi ba pwedeng blooming lang ako!" I rolled my eyes and laughed.

Lyka rolled her eyes. "At mainipin ka pa rin until now, Ryle!"

"Hindi 'no! Alam n'yo naman, busy busy-han ako ngayon. Saka wala naman akong sinabi na naiinip ako ah!" Mariin kong tanggi kahit iyon naman talaga ang totoo.

"At ano namang pinagkakabusy-han mo ngayon, aber?" Nakangiting tanong ni Candy matapos humigop sa kape n'yang iniinom. "Saka kahit hindi mo sabihin sa'min, nababasa namin sa mukha mo ang pagkainip!" Dugtong pa nito.

"Hmm, baka busy s'ya sa boyfriend n'ya. Kayo talaga!" Singit ng isang boses mula sa aking likuran.

'Oh my God! That voice!'

"As usual! Ang palaging late! Until now ganyan ka pa rin!" Tumayo si Lyka at lumapit sa taong bagong dating.

Hindi ko pa siya nakikita dahil nakatalikod ang silyang inuupuan ko mula sa pwesto nya. Pero naramdaman ko ang biglang panlalamig ng aking mga kamay na pati dibdib ko parang biglang nanikip.

Mabilis ding nakatayo sa kinauupuan nya si Candy. "Grabe! Ito talagang babae na 'to ang walang ipinagbago!"

"'Yan tayo eh! Tumatanda na nga tayo kung magbolahan pa akala mo mga bata!" Sagot naman nito. 

Para akong natulos sa kinauupuan ko at hindi ko alam kung paano kikilos.
Kalma lang, Ryle Mikaelle! Kalma lang! Ano 'to flashback of the feelings?!

"Reylee, wala man lang bang kiss or yakap d'yan?"

Napapitlag pa ako sa biglang pagdantay ng kanyang kamay sa aking balikat. Sana lang hindi napansin nina Candy at Lyka! And my God! Until now ganon pa rin ang tawag n'ya sa akin! Napakagat labi ako at pasimpleng humugot ng malalim na hininga. Pakiramdam ko naging mabagal ang takbo ng orasan. Unti-unti akong tumayo kahit pa nga parang any moment ibubuway na ako ng aking mga tuhod. Please Ryle, huwag na huwag kang mauutal. Relax lang. It's just her. Yeah it's just HER. Kasabay ng aking paglingon ay ang aking pagtikhim. Inihanda ko na ang ngiti sa aking mga labi. I looked at her eyes and suddenly everything went back. Bumalik ang nakaraan. Kung saan nagsimula ang lahat. And finally...

"Hi! Its been a long time, Maxine!" Hustisya! Anong nangyari sa tatlong taong pagpapractice mo para sa araw na 'to Ryle!?! Ano 'to parang yesterday once more?! At nakakap*ta naman talaga oo! Bakit ang ganda pa rin n'ya?!

The Untold Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon