Chapter Four

49 7 1
                                    

I keep on browsing my Instagram and Facebook account and keep on searching for her but I always end up with no result. Kung bakit hindi mo na lang siya tanungin para maging madali ang pang i-stalk mo. Hay naku, may stalker ba na ipinapaalam sa ini-stalk nya na mang iinstalk sya. Bwiset!

Ibinaba ko ang cellphone ko sa aking tabi at napatitig sa kisame. Parang nakakaloko naman na lumabas ang nakangiting mukha ni Max.

"So what if I'm bisexual Reylee, liligawan mo na ba ako?" Parang echo na umaalingawngaw sa aking tenga ang mga sinabing 'yon ni Maxine. She can't be! I mean, hello?! Ang ganda kaya nya. Saka ang dami-dami kong kakilalang lalaki na nagkakagusto sa kanya! So porke maraming nagkakagusto sa kanya hindi na sya pwedeng maging bisexual ha, Ryle?!

Napasabunot ako sa aking ulo at napabangon sa pagkakahiga. "Aaaayyy naku, Ryle! Pwede tigilan mo na 'yang kakaisip sa bagay na 'yan!" Mahina kong bulong habang nakasabunot ang dalawa kong kamay sa aking buhok.

"Ano ba kasing iniisip mo, Reylee?"

Napapitlag ako at bigla kong nahila ang aking kumot dahil sa narinig kong nagsalita. "W-whose t-there?"

"Secret!" She said then she opened my curtain. "Grabe Reylee, you don't recognize my voice!"

"K-Kanina ka pa d'yan?!" Oh my God narinig nya ba ang mga sinabi ko? Teka wala naman siguro akong nabanggit na kahit ano di ba?

"Hmm.." Hinawakan ni Max ang baba nya at tumingala na tila nag-iisip. "Siguro mga one minute ago lang naman. Bakit? May problema ba?"

Mabilis ang naging pag-iling ko. "Wala naman. Natanong ko lang." Bakit kasi hindi ko man lang namalayan na nandyan na pala sya? Or bakit naman kasi hindi man lang sya kumatok?

"Wala naman pala oh eh bakit ganyan ang reaksyon mo?" Nakakunot ang noo nyang tanong.

Shit Ryle, think! Think very fast! "Paano naman kasi hindi ka man lang kumatok?"

"Anong hindi? Eh halos magiba na nga 'tong pinto ng room nyo sa pagkatok ko, ni wala namang nagbubukas."

"K-Kumatok ka?" Tangna bakit hindi ko man lang narinig?! Ganon kalalim na ba ang iniisip ko?!

"Oo. I was thinking na walang tao. But then I still try my luck and tadaaaa! Ikaw 'yong maswerteng nakita ko!" Bigla siyang ngumiti at kumindat.

"Ano na naman bang kailangan mo, Max?" Imbes na magpaapekto ako sa pagkindat-kindat nya mas mabuti pa siguro ang pagtarayan sya.

"Reylee pwede bumaba ka muna sa bed mo at nahihirapan na ako sa pagtingala sa'yo!"

"Bakit ako bababa?! Ayoko nga!"

"O sige ako na lang ang aakyat dyan sa bed mo!"

Nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto ko na aakyat nga sya sa bed ko.

"Wait! Wait! Wait!" Mabilis akong kumilos upang harangan sya at pigilan syang makaakyat. "Ano bang kailangan mo kasi ha?"

Biglang lumambong ang mukha nya at saglit na natahimik. Its a trap! Don't fall for that! At the count of 1...2...3...
"Gusto ko lang magpapansin sa'yo kasi walang pumapansin sa akin since I came here!" See! Muntikan na naman akong madala ng pag eemote nya. Mabuti na lang!

I rolled my eyes and crossed my arms. "For sure walang tao sa bahay na'to except me, kaya walang ibang pumapansin sa'yo!"

Muli siyang ngumiti ng buong lapad. "How did you know?"

Malamang kanina pa ako dito. At nang dumating ako wala na talagang tao. "I just know!" Kibit balikat kong sabi.

"Eeeeeennnnnggg! Mali!" Pumitik siya sa harapan ko at ngumisi ng nakakaloko nang mapansin nya ang mabilis na pagkunot ng noo ko. "Mali ang sagot mo!"

I sighed in disbelief! This lady here is really amazing for so much energy in her body! "What?!" I finally said when I can no longer take the way she's looking at me.

"I'm asking you Reylee! I asked how did you know?"

I rolled my eyes and didn't say anything. Here we go again.

"I needed someone like you in my life. You took all the worries and fears that I have.."

Kung hindi lang talaga siya maganda ewan ko lang kung may matawa sa mga corny nyang jokes. But lookig at her right now..."Hahahahahahahahahahahahahah..."

Tumaas taas ang dalawa nyang kilay. "Bentang benta talaga sa'yo mga galawan ko eh!"

I suddenly stopped laughing and looked at her from head to toe. "Sorry?! FYI, please don't flatter yourself that much! You're not my type!"

"Hahahahhahaha! That's my girl! Halika nga rito para mabatukan kita ng konti!" Hinila nya ako sa kamay pero hindi naman gaanong kapwersa. "Para naman mabawasan 'yang pagkasuplada mo!"

"Ayoko nga!" Hinila ko ang kamay kong hawak nya saka humalukipkip.

She sighed. "Hay naku Reylee! Halika na kasi. May dala akong pagkain galing ng Martha's! Masarap 'yon pero mas lalong sasarap kapag may kasabay akong kumain."

"Pag-iisipan ko..." Pigil-pigil ko ang aking pagtawa nang makita ko ang biglang pag simangot nya.

She rolled her eyes again. "C'mon! Gutom na ako!  Bumaba ka na kasi d'yan!"

"Sige na! Mapilit ka eh!" Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko dahil sa naging reaksyon nya.

I heard her sighed again. This time I think napipikon na sya. "Bahala ka na nga! Kung ayaw mong kumain eh di huwag!" Sabay talikod nya at naglakad na palabas ng pinto.

"Luh luh luh si Maxine! Marunong ng mag walk out ngayon!"

She faced me and devilishly smiled. "Of course! Paminsan minsan lang 'to!" Kumindat siya bago tuluyang lumabas ng kwarto. "Dapat nakababa ka na d'yan Ryle Mikaelle bago pa ako matapos maghanda ng pagkain natin, okay!" She shouted.

"Wow! Buong buo!" I shouted back with a smile on my face. Damn! Why she have to be so fucking cute?! Justice please! Inayos-ayos ko saglit ang aking sarili bago ako bumaba ng kama at naglakad palabas ng kwarto upang sundan si Max.

"So 'yan na ba ang ipinagmamalaki mo?" Nagkunwari akong nadismaya nang makita ko ang nakahaing pagkain sa mesa. Dalawa lang kaming tao rito sa sala. At hindi ko alam kung may ibang tao ba sa ibang kwarto.

"Wow ha, Reylee! Nakakahiya naman sa pag iinvite ko sa'yong kumain? Gusto ko lang ng may kasabay sa pagkain tapos magrereklamo pa?" She arched her brows and crossed her arms in front of me.

I raised my right hand with a peace sign and smiled sweetly. "Joke lang naman Max! Grabe ang seryoso mo!"

She rolled her eyes and assist me in the nearest seat. Saka naman siya naupo sa katapat kong upuan. "Shut up Reylee! Can we just eat? Really I'm so famished I wanted to eat everything in front of me!"

"So pati ako mukhang pagkain na rin sa paningin mo ha?"

She burst out laughing. "As if may makakain sa'yo!" She blurted out.

Nanlaki tuloy ang mata ko. Hindi ko alam kung nasa isip ko lang ba 'yong panandaliang 'malisya' na nakita ko kay Max o imahinasyon ko lang. Pakiramdam ko tuloy namula bigla ang buo kong mukha.

"O-Oh c-c'mon Reylee. Don't get me wrong. I-I m-mean ang payat mo kasi!" Inabutan nya ako ng plato at kutsara. "Kumain na nga tayo!" Biglang sabi nya saka umiwas ng tingin at nagsandok ng kanin. Una na nyang nilagyan ang plato ko.

"Ako na.." Pilit kong inaagaw sa kanya ang serving spoon pero hindi naman nya ito ibinigay. Hindi siya nagsalita pero patuloy lang sya sa paglalagay sa plato ko ng kanin pati na rin ng ulam.

Bigla tuloy naging iba ang ihip ng hangin sa sala. Pero all of a sudden nang magtagpo ang aming mga mata sabay kaming natawa. What was that?!

The Untold Story Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon