That smile though...
Napahimas ako sa aking sikmura ng maramdaman ko ang pag aaway-away ng mga inaalagaan kong bulate sa tyan. I looked at my watch. 6.30. Maaga pa para umuwi. Mabilis kong sinalansan ang mga gamit ko at inilagay sa loob ng bag ng matapos ko na ang ginagawa kong assignment. Puntahan ko na lang muna siguro 'yong malapit na grocery store rito. Matapos kong maiayos lahat ng aking gamit ay mabilis na akong tumayo at tinungo ang palagbas ng library.
I can't understand why people keep on looking at me like I'm some kind of microscopic bacteria that they have to scrutinize. I sighed a deep breath at hindi na lang binigyang pansin ang mga nakakasalubong ko na panay ang tingin sa akin.
To be honest there's nothing so interesting about me. I'm just a typical 19 year old lady. I don't think having a height of 5'6 is an edge. Naliliitan pa nga ako sa height ko. Hindi naman maganda sa pakikipagtitigan ang mapupungay kong mata na kung minsan sinasabi nilang parang laging inaantok at walang buhay. Iyong tangos naman ng ilong ko eh bumagay sa heart shaped kong mukha at sa katamtamang kapal ng aking mga labi, but I don't think it makes me beautiful. Black man ang mahaba kong buhok hindi naman ito kasing kintab at kasing bagsak na gaya ng nasa mga shampoo commercials. Those people who knows me only by my name describes me as silent, boring, weird and even a loner person. Well I guess they are all right. But there're more things to know about me. And only few were given the chance unless they tried to break into me.
"Ouch!" Shit! So much for my thoughts. Nabali ata 'yong balikat ko.
"Sorry." Hinawakan nya ako sa balikat at marahan itong pinisil. "Napuruhan ata kita. Sorry talaga."
I stared at her worried face. Nakakunot man ang kanyang noo dahil sa pag-aalala at nakakagat labi man siya, hindi pa rin nabawasan ang ganda ng kanyang mukha. Grabe! Saan na ba napunta ang hustisya?! Walang effort pero ang ganda! Nabalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong medyo napadiin na ang pagkakapisil nya sa balikat ko dahilan para mapapiksi ako. "Okay na! Baka mas lalo akong mapuruhan d'yan sa ginagawa mo." Hindi ko alam kung anong naging dating ng tono ng pananalita ko para sa kanya dahil mabilis nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mula sa pag-aalala napalitan ito ng pagkainis ba 'yon o pagkairita?
"Okay. I'm sorry again. Hindi ko sinasadya 'yong pagkakabunggo sa'yo."
Tumango lang ako at tipid na ngumiti. "No worries. I'm fine." Marahan ko lang siyang tinapik sa kanyang balikat saka ko siya tinalikuran at naglakad.
"Reylee wait.."
I know for myself na nagsalubong ang kilay ko dahil sa paraan ng pagkakatawag nya sa akin. We're not even close para sa gaanong pagtawag. Muli ko siyang hinarap at nilapitan. "Hindi Reylee ang pangalan ko. Ryle. Paano mo babanggitin, R-A-Y-L, Ryle."
She looked at me for about thirty seconds, I think and then she smiled. Seriously?! Why the hell is she smiling?!
"Ang cute mo kapag nagagalit ka! Pero for sure mas cute ka kung ngingiti ka!" She gave me that smile again na parang binigyan siya ng paborito nyang chocolate.
Napatuwid ako at pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hindi ako galit. Sinasabi ko lang iyong tamang pagbanggit sa pangalan ko."
Tumango-tango siya at muling ngumiti. "Ahh okay." Nagkibit balikat siya. "Hindi ka pala galit nyan. Inis siguro?"
What's with the smile?! Hindi porke na mas lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti eh palagi nya ng uugaliin ang ngumiti. Nakakangalay din 'yon. "Hindi rin ako inis. Sabi ko nga sinasabi ko lang. Ano ba yan?! Kailangan ko pa bang ipaulit-ulit?!"
She raised both of her hands to surrender. "Okay! Okay! Hindi ka na galit at hindi ka rin inis. Pero huwag mo akong awayin."
Again I looked at her, aware for my creased eyebrows. I crossed my arms and chuckled. And to my surprised she laugh at me. What's wrong with her?!
"Ilang taon ka na Reylee?" She asked out of nowhere and in between of her laughters.
"19." Tipid kong sagot.
"Ahhh.." Muli na naman siyang ngumiti. "Bata pa."
"Excuse me, hindi na ako bata 'no!" Kahit hindi ko na tingnan pa ang aking sarili sa harap ng salamin alam kong nakakunot na muli ang aking noo ko at salubong na rin ang aking mga kilay. Pero imbes na matakot siya or madismaya or magtaka lalo lang lumapad iyong ngiti sa kanyang mga labi. What's wrong with her?! Bakit ba kanina pa siyang ngiti ng ngiti? May dumi ba ako sa mukha kaya nya ako pinagtatawanan?! Bigla tuloy akong naconscious kung ano ba ang hitsura ko ngayon.
"There's nothing wrong with your face." Tila naman nabasa nya ang kung anong nasa isip ko. Siguro dahil sa pasimple kong pinunasan ang aking pisngi. "Ang ganda mo nga eh." Her smile is so contagious na parang gusto ko na ring ngumiti. Kaso baka magtaka siya kung bakit, kaya pinigilan ko na lamang ang aking sarili.
I rolled my eyes and sighed. "I don't know why I'm still standing in front of her." Bulong ko sa aking sarili saka siya muling tinalikuran. Nakailang hakbang na ako nang muli siyang magsalita.
"Gutom na ako."
Muli na namang nangunot ang aking noo. "So?!" Ano bang pakialam ko kung nagugutom siya?! Saka why the hell am I still talking to her anyway?!
"I was just wondering maybe you want to eat somewhere." Hayan na naman iyong ngiti nya. "Natatamad na akong magluto sa bahay eh. Saka may klase pa rin sina Candy kaya wala akong makakasabay kumain."
"Eh ano naman? Problema ko ba 'yon? Kumain ka kung gusto mo." I don't like to sound very rude pero for sure 'yon na rin ang naging dating 'nun para sa kanya lalo na kung ang pagbabasehan ay ang reaksyon ng mukha nya. Iyong ngiti nya simula pa noong nagkabunggo kami ay unti-unti ng nawawala at napapalitan ng pagkunot ng noo.
"Hindi ko naman sinabi sa'yo na problemahin mo eh!" She looks so pissed. "I was just trying to be nice. Actually, I've been looking at you since you came inside the library. Pero sa tagal mong nagstay sa loob, wala man lang lumapit sa'yo na kakilala mo or kaibigan. You've been here for almost one and a half month pero hindi ko nakikita na nakikihalubilo ka sa ibang tao. Or kahit sa boarding house bihira kitang nakitang lumabas ng kwarto mo."
Wow! Just wow! Akalain mo nga naman that there's someone na nakapansin na mag-iisa't kalahating buwan na pala ako rito sa bago kong environment. At hindi lang 'yon, pansin pa nya na palagi akong nag-iisa. I stared at her and open my mouth to say something pero walang kahit anong salita ang lumabas mula rito. I sighed and waved my right hand. "Don't mind me. I prefer my life to be like that." Walang gana kong sabi saka siya muling tinalikuran. There's no sense talking to someone and explain why I'm like this. Nobody cares. No one cares.
"Hindi ka ba nalulungkot?"
I stopped on my tracks and bit my lip. I didn't look at her but I asked her instead of answering her question. "Bakit ano ba ang masaya para sa'yo?"
"Hanging out with friends. Eating dinner with family and loved ones. Watching movies... Etc. Etc. Etc." Mabilis naman niyang naging sagot.
"Well for me masaya means being alone. All. By. Myself." I made sure na binigyang diin ko ang bawat salitang aking binitawan para maintindihan nya kung ano ba ang gusto kong ipahiwatig. Hindi ko na hinintay pa ang sunod niyang sasabihin kaya muli na akong humakbang palayo sa kanya.
Nagulat pa ako nang bigla na lang siyang sumulpot sa aking harapan at hinawakan pa ako sa magkabila kong braso. Wala tuloy akong choice kung hindi salubungin ang kanyang mga mata.
"But the song itself says 'Don't wanna be all by myself anymore'. So for sure ganon ka rin!"
Napakunot noo ako at hindi ko agad naintindihan ang ibig nyang sabihin. Yeah right Ryle! Remember Celine Dion's All By Myself! Joke nya ba 'yon? Should I laugh?! "Well ibahin mo ako!" Iyon na lang ang tangi kong naibulalas. At saka marahang kumawala sa pagkakahawak nya sa akin. Muli ko sana siyang lalampasan pero mabilis siyang humarang sa aking daraanan.
And there, she smiled again. "Malapit lang dito ang kainan ni Nanay Martha! Kapag natikman mo ang mga pagkain sa kanila, you'll thank me for the rest of your life! Come here, little tall lady! "
And without noticing it, she already held my hand and I was walking with her going to Nanay Martha's.
