Revelation...
I don't know how did it all happen. But for another month of staying in this place, I became so open. Not with everyone. Only with one specific person. And in just a short span of time, kahit ako sa sarili ko hindi ko mapaniwalaan na hinayaan ko ang isang tulad niya na mabuwag ang pader na itinayo ko para sa mga taong gustong pumasok sa buhay ko.
"Reylee!" Pinitik nya ang kanyang kamay sa harapan ko upang makuha nya ang aking atensyon. She smiled when I looked at her. "What's with your thought? I can sense na masyado 'yang malalim kaya mahirap languyin.."
I ignored her and continue with my musing. 'Yon ang akala mo!'
"Here we go again with the 'suplada thing' mo!"
"Ano bang paki mo?" I raised my brow.
Nagkibit balikat lang siya at ngumiti. Balewala na naman sa kanya ang pagtataray ko. Siguro dahil sa ilang beses naming pag-uusap na immune na siya sa pagtataray ko. Which is for me is not a good sign.
"Why do you have to be so rude.. Don't you know I'm human too.." She sing while tapping the table. Hindi pa nakuntento sinundan pa nya ng pagsipol.
"What's your problem ba, ha, Max?" Kung minsan bigla na lang akong napapaisip kapag sinasabihan niya akong napakalihim na tao. Kasi kung tutuusin mas marami na siyang alam sa akin kesa ako sa kanya which is very unusual on my side.
"Wala naman. Wala na kasi akong klase. At medyo nabored na ako sa ingay ng mga classmates ko kaya mas minabuti ko na lang na pumunta rito sa library. Sakto naman nandito ka. Oh di ba ang swerte ko?" Itinaas taas pa nya ang dalawa nyang kilay na animo may binabalak na kalokohan.
"So just because you're bored ako naman ang papagdiskitahan mo?"
"Hobby mo na ang pagtaasan ako ng kilay. Hindi ka ba nangangalay?" She smiled and grabbed the notebook that I was holding. "Uuuy, ang ganda mo palang magsulat!"
"Don't look!" Mabilis kong kinuha sa kanya ang aking notebook at itinabi sa aking bag. "Pwede ba Max, maghanap ka na lang ng ibang kukulitin. Kasi wala ako sa mood!"
"Eh lagi ka namang wala sa mood pagdating sa akin eh." Bale wala nyang sabi. "Saka don't you miss me?" She smiled from ear to ear.
Automatic naman iyong panlalaki ng aking mga mata. Pakiramdam ko pa biglang umusok iyong pakiramdam ko. "Excuse me?! Why the hell should I miss you?!"
She laughed without a sound, still aware that we are in the library. "Just kidding! C'mon Reylee, aren't you hungry? Kain tayo?"
Ang bilis n'yang ibahin ang topic. From missing to eating. Saka I wonder kung saan nya dinadala ang mga kinakain nya. Kasi sa ilang beses namin na nagkasama sa pagkain, nakita ko kung gaano siya kaganang kumain. Pero ni hindi naman siya tumataba.
"Parang ako ikaw, Reylee. Hindi rin tumataba!" Tila nabasa nya ang nasa isip ko. "Parehas tayong may bulate sa tyan!"
"Nasa lahi namin ang ganito." Tipid kong sagot saka iniligpit ang mga nagkalat kong gamit sa mesa. Tutulungan nya sana ako pero mabilis ko siyang nasaway kaya wala siyang nagawa kung hindi pagmasdan ako. "Staring is rude!"
She rolled her eyes. "Says who?"
"Says me!"
"I don't care!" She took my bag and started walking.
"Ako na ang magdadala nyan!" Madiin kong sabi ngunit sa mahinang boses. Hindi naman nya ako pinansin at dere-derecho lang na naglakad palabas ng library. This is one of those many things that I notice about Max. Masyado siyang maalaga. Thoughtful. Mabait. At kapag sinabing mabait as in mabait talaga siya. Parang hindi uso sa kanya ang humindi o tumanggi sa kahit na kanino.
