"So Max, are you committed?" I'm going to kill myself after five seconds! Really?! Saan nanggaling 'yon?! Dahil ba sa sisig na kinakain namin ngayon kaya napabulalas ako ng tanong sa kanya. Mabilis akong nag iwas ng tingin kay Maxine at ngumiti ng pasimple. "Don't mind me. W-Wala lang akong maisip na maitanong." Great excuse!
She arched her brow and mischievously smiled. "Saan nanggaling 'yon, Reylee?" Nanunukso ang tinging ipinupukol nya sa akin.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at itinaas ang pinaglalagyan ng sisig. "Dito! Dito sa sisig!"
Mabilis siyang humagalpak ng tawa. Binitawan pa nya ang hawak nyang kutsara at tumawa ng tuloy tuloy dahilan para lalo akong mapasimangot. Bwiset talaga! Nakakainis!
"I don't really know if relationship bang matatawag 'yong sa amin." All of a sudden na sabi niya. Mabilis nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. From laughing so hard into a serious one. What happen?!? Pati ako parang biglang naguluhan.
She looked at me and smiled. Sumubo muna siya bago muling nagsalita. "It's complicated Reylee. Kung may mas komplikado pa nga sa salitang 'complicated' baka 'yon 'yong term na gagamitin ko just to justify what we 'are'."
"Ahhhh..." Hindi ko ma tuloy alam kung anong sasabihin ko. Think, Ryle! Think of anything that you can talk to.
"Ikaw? Are you single?"
"H-Ha?"
"Oh ano namang nakakagulat sa tanong ko? Single ka ba or may boyfriend ka?"
Mabilis ang naging pag-iling ko. "The last time I checked, I was single since forever!" And I rolled my eyes.
Napatawa naman siya at napailing-iling. "Kayo talagang mga teenager, puro ganyan sinasabi nyo. Pero kabilaan naman ang mga boyfriend nyo!"
"Wow ha! First of all, nakakahiya naman sa pagka twenty something mo at pag ka nineteen ko ha? And second, mga kabilaan ka ng boyfriend akala mo alam mo. Haleeeer, wala ngang nanliligaw sa akin eh!" Inirapan ko siya sabay pilantik ng aking kamay.
She smiled and raised her brows. "So what about the third?" Amused nyang tanong.
I looked at her and smiled back. "And the third and last, I'm planning to have girlfriend not boyfriend!" Kinindatan ko siya saka nagpout!
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Hindi ko tuloy maexplain kung anon ibig nyang sabihin dahil bigla siyang tumahimik. Parang may dumaan tuloy na anghel sa paligid dahil ang tanging ingay ay ang tunog ng kutsara na sumasayad sa plato.
"Don't ever think or ever try to commit with a girl." She said after a moment of silence. She looked at me. "Hindi mo kakayanin 'yong sakit kapag nagkataon."
I was caught off guard dahil sa mga sinabi niya. And what the heck?! She looked so damn serious that I'm scared to disagree. "At paano mo naman nasabi?" Ang mahadera kong dila hindi pa rin nagpapigil.
"Don't rush things, Reylee. Sometimes hindi lang dapat puso ang papairalin." Itinuro nya ang kanyang ulo. "Most of the time, ibalanse mo rin dito."
"Hmmm.."
"Hmmm, hmmm ka d'yan! Saka don't ever try to go in that kind of relationship. Kasi kapag pinasok mo ang bagay na 'yon mahihirapan ka ng makalabas." Seryoso pa rin nyang sabi.
"Why?! Have you ever been in that kind of relationship?!"
"Basta makinig ka sa sinasabi ko!"
"Why would I?!"
"Because I'm older than you!"
