Inis moment...
Hindi ko alam kung paano tumatakbo ang orasan. Sa sobrang bilis hindi ko na ito kayang sabayan. Magtatapos na ang semester pero parang feeling ko wala pa rin akong natututunan. Pero sure naman akong wala akong failed subject. Salamat sa Poong Maykapal na laging nakagabay. At salamat din kay Max! Yes! Thanks to Maxine na hindi naman ako tinutulungan sa mga subjects ko pero tinutulungan akong huwag kaligtaan ang kumain. Katulad ngayon.
'Reylee am here at Martha's! Do you want anything?'
I looked at the screen blankly. Its been a month since that incident na nakita kong umiyak si Max, no I mean, na umiyak siya sa likod ko. And until now she never brought up the reason why she cried. Basta ang hindi ko lang makalimutan ay 'yong mga huling salita na sinabi nya that time. Sa dinami dami ng gusto kong itanong sa kanya tulad ng 'Bakit ba siya umiyak?', ' Sino ba 'yong kausap nya?', 'Is she really bisexual?', at marami pang iba pero ni isa sa mga 'yon wala man lang akong naibulalas sa kanya kaya naman lahat ay palaisipan sa akin. Iyong tipong imbes na mga projects and completion of requirements ang iniisip ko nadagdag pa siya sa mga alalahanin ko. Haaays Ryle! Lagi kasing kulang sa focus eh! Napabalikwas pa ako nang biglang magring ang cellphone ko. Did she ever feel that I'm thinking of her kaya napatawag siya bigla?
"Hello?"
"Mahirap bang sagutin 'yung tanong ko Reylee or wala ka lang load na pangreply? But for sure lagi kang may load eh kaya I prefer the first option na nahihirapan kang sagutin kung anong gusto mo."
Can I say that I want you? I wanted to blurt it out but even for myself I was shocked kung saan nanggaling ang bagay na 'yon. Most probably gutom lang ako. "Actually I was about to reply to your message pero bigla ka namang tumawag, Max."
"Hmm, so ano nga ang gusto mo?"
"Gusto ko 'yong luto mo!" I tried to suppress the smile that's starting to curve from my lips dahil baka isipin ng mga taong nagdadaan at makakapansin sa akin na kinikilig ako kahit hindi naman!
"C'mon Reylee, not now! Wala ako sa mood magluto at sobrang dami ko ng gutom kaya ang gusto ko ay 'yung ready to eat na lang."
"Okay okay okay!"
"Don't worry, promise one of these days I'll cook for you."
"Really? Promise 'yan?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong naexcite sa sinabi nya. Hindi naman ito ang first time na ipagluluto nya ako.
"Oo nga! But for now pwede sabihin mo muna kung ano ang trip mong kainin ngayon para makabili na ako?"
Naimagine ko tuloy bigla ang reaksyon ng mukha nya. "Sige bilhan mo na lang ako ng kalderetang kambing."
"Seriously?!"
"Oo. Bakit parang gulat na gulat ka?"
"Since when did you learn to eat kalderetang kambing?"
"Since I met you Max! Ikaw nagturo sa akin na kumain 'nun!" Hindi ko tuloy maiwasan ang mapataas ang kilay. Wala namang kagulat gulat dun.
"Talaga ba? Okay. Kaldereta it is."
Naririnig ko pa ang pagtawa nya pati na ang pag order nya ng pagkain.
"Sige na Max. Mamaya na lang ulit. May hahabulin pa akong professor for my clearance."
"Okay bye."
Just like that. Ganon lang siya magpaalam. Ewan ko kung sweet ba itong si Maxine na maging girlfriend. And I don't know why the hell am I even thinking about that matter.
