Lost Soul...
Tahimik kong tinotono ang gitara ko nang maramdaman kong may tumabi sa may gilid ko.
"Seryoso ka naman d'yan masyado Reylee."
Saglit ko lang siyang nilingon saka ko muling binalingan ang hawak kong gitara. "Hay naku Max. I'm not in the mood na makipag asaran. "
She chuckled. "Kailan ba kita inasar?" She smiled and winked at me. "Saka bakit ba sa tuwing lalapitan kita ang iniisip mo agad aasarin kita? Grabe lang ha?"
Sinamaan ko siya ng tingin saka muling binalingan ang aking gitara. Nagulat pa ako nang may ibaba siyang maliit na cooler kaya nagtatanong ang aking mga mata nang muli ko siyang tiningnan.
She just smiled. "Tapos na ba 'yong mga requirements mo?"
"Bakit?" Anong trip na naman kaya ng babaeng 'to?
"Kailan ang uwi mo sa inyo?"
"Bakit ayaw mo na ba akong makita?"
She sighed and rolled her eyes. "Seriously Reylee, why are you complicating simple things? Magtatanong ako tapos sasagutin mo ako ng tanong din. Ang labo lang ha?"
Napatawa naman ako at napailing-iling. "Sorry. Ewan ko ba bakit ganito ako. Hindi ka pa ba nasanay sa akin?" Amused ko siyang tiningnan. Sinundan ko pa siya ng tingin nang muli siyang pumasok sa loob. At ilang saglit lang ay muling bumalik habang bitbit sa magkabilang kamay ang apat na klase ng chips.
"So what's your plan nga for tomorrow?" Mababakas mo sa mukha niya ang pagkainip sa paghihintay niya sa magiging sagot ko.
I strummed my guitar and sing silently. "Wala. I don't have any plans for tomorrow. Masyado na akong exhausted the whole week dahil sa pagkukompleto ko ng requirements ko. Kaya bukas balak kong magpahinga maghapon." Saglit ko lang siyang tiningnan na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. Saka ko muling binalingan ang aking gitara. "Standing by window. Listening for your call.. Since I really miss you after all.."
"It's good to hear that!" She happily interrupted me from my singing and started to open the cooler that she brought a while ago. Tumambad ang ilang lata ng beer na napapaibabawan ng mga yelo. "Samahan mo akong uminom." Kumuha siya ng dalawang lata saka muling isinara ang cooler.
"You know that I'm not fan of those!" I started strumming again.
"You don't have to be a fan just to drink this one." Mabilis nitong sagot. Binuksan nya ang isang lata at iniabot sakin. Nagkibit balikat siya saka ipinatong sa nakasarang cooler ang beer nang mabakas nya sa mukha ko na wala akong balak abutin ang hawak niya. Saka niya muling binuksan ang isa pa at derechong tumungga.
Isang mahabang katahimikan muna ang lumipas sa pagitan namin bago siya nagsalita. "Bakit kaya bilog ang mundo?" She looked at me and smiled bitterly.
"What's the matter, Max?" Napatigil ako sa pagkalabit ng aking gitara at pa simple siyang binalingan. "Paanong pati ang pagiging bilog ng mundo eh pinapakialaman mo?" Kinuha ko na rin ang beer na nasa ibabaw ng cooler at uminom. Sayang naman parang ang sarap inumin kasi ang lamig lamig eh. Muli kong ibinaba ang beer at binalingan siya. Bakit kaya ang ganda pa rin niya kahit obvious na malungkot naman siya?
Nagkibit balikat lang siya at muling uminom. "Curious lang ba." Tipid niyang sagot saka naman binalingan ang chips na nasa may kaliwang gilid niya.
"Ang daming bagay na pwede kang maging curious, bakit naman 'yong pagkabilog pa ng mundo ang napili mo?" Parang tanga naman ang pinag-uusapan namin pero somehow pati ako parang nagiging curious na rin. Sa kada inom nya ng beer nya umiinom din ako. Nakakatakam kasi ang paraan nya ng pag-inom. Tinanggap ko na rin ang chips na iniabot nya sa akin.
