The Punishment

5 0 0
                                    

Kinabukasan sa mansyon nina Nicole....

Vicky: Nicole! Gising!

Nicole: Mmmm... ano ba Vicky inaantok pa 'ko!

Vicky: Gumising ka na! Kailangan mong mag-ready ngayon!

Nicole: Ano? Bakit? Wala na 'kong pasok di ba? Hay... (nagtakip ng unan sa muka)

Vicky: May lakad kayo ng Lolo mo ngayon!

Nicole: Mmmmm...

Lolo Martin: Nicole, bumangon ka na dyan!

Nicole: Bakit ba kasi...? (bumangon)

Lolo Martin: Magbihis ka at magayos! Kung pwede lang yung disenteng damit ang sootin mo!

Nicole: What? Ano ba kasing meron?

Lolo Martin: Basta! Bilisan mo na baka malate tayo sa lunch. (umalis)

Nicole: Lunch? Bakit ba ang weird ni Lolo nitong mga nakaraang araw?

Vicky: Ahm... hindi ko alam! Maligo ka na!

Nicole: Hay, ano bang nagyayari?


Binihisan at inayusan si Nicole. Simpleng white dress lang ang soot nya at nakabraid naman ang buhok nya...


Lolo Martin: You look perfect!

Nicole: Bakit ganito ang gusto nyong ayos ko para naman akong ikakasal nito... ahm... (napatigil at napaisip) LOLO?

Lolo: You'll meet him soon! (ngumiti)

Nicole: No way!


Sa labas ng mansyon pinagtulungang isakay sa kotse si Nicole ng mga bodyguards nya...


Nicole: Lolo! I hate you!

Lolo Martin: Oo na!

Sa restaurant nagwawala pa rin si Nicole, hawak sya sa braso ng mga bodyguards nya kaya halos nakaangat na ang paa nya sa sahig at wala syang magawa kundi magsisigaw...

Nicole: Ano ba? Ibaba nyo 'ko! LOLO! I said ibaba nyo 'ko! Ano ba? Ayokong magpakasal! AAAAAAHHHHH...!

Lolo Martin: Hay, pwede ba wag ka ngang mageskandalo dito! Hindi ka pa ikakasal ngayon!

Nicole: Bitiwan nyo sabi 'ko eh! Ibaba nyo 'ko!


Kinagat ni Nicole ang mga bodyguards nya kaya nakawala sya sa mga ito at mabilis na tumakbo palayo...


Nicole: Nakakainis ka talaga Lolo! (hinubad ang heels nya)

Lolo Martin: Hoy Nicole! Pambihira kang bata ka! Bumalik ka dito, habulin nyo sya! Bilis!

Nicole: Hay... kainis! (nilingon ang mga guards na humahabol sa kanya)


Pagharap nya ay nabangga nya ang isang lalaki at napaupo sa sahig...


Nicole: Ouch!

Owen: Ahm, Nicole?

Nicole: (tumunhay) Owen?

Lolo Martin: Pambihira kang bata ka!

Lolo Miguel: Kumpadre! Ano bang nangyayari dito?

Lolo Martin: Ah,nandito na pala kayo. Hoy Nicole tumayo ka nga dyan! Pasensya na kayo sa kanya.

Nicole: Ahm... (tumayo, natigilan at nanlaki ang mata)

Lolo Martin: Mabuti pa tayo na sa loob.

Lolo Miguel: Mabuti pa nga!


Nagkatinginan sina Nicole at Owen...


Nicole: Ikaw?

Owen: Ano bang meron? (tiningnan si Nicole mula ulo hanggang paa at napaisip) Mukhang alam ko na kung ano 'to... (napailing at pumasok na sa loob)

Nicole: Ah, teka sandali! (nagsuot ng sapatos at sumunod sa loob)

Sa loob ng private lounge ng restaurant...

Lolo Miguel: Male-late lang sandali ang parents ni Owen may inasikaso lang kasi sila...

Lolo Martin: Kararating lang din naman namin.

Lolo Miguel: Tingnan mo nga naman, dalaga na talaga sya! Kamukha sya ng anak mo, hindi ba?

Lolo Martin: Tama ka!

Lolo Miguel: Kamusta ka na iha?

Nicole: Ahm, okay naman po!

Lolo Miguel: Magkakilala na naman kayo ni Owen di ba? Ako si Lolo Miguel, ang Lolo ni Owen.

Lolo Martin: Kamusta ka na Owen, nagkita ulit tayo!

Owen: Okay naman po! Natutuwa po akong makita kayo ulit Lolo! (ngumiti)

"Ano? Magkakilala sila ni Lolo? Ano bang nangyayari dito? May alam kaya sya sa binabalak ni Lolo?"

Biglang dumating ang mga magulang ni Owen...

Mama: Pasensya na po sa paghihintay.

Papa: Kamusta kayo uncle?

Lolo Martin: Mabuti naman!

Mama: Ahm, sya na po ba ang anak ni Elsa?

Lolo Martin: Oo, sya si Nicole.

Mama: Maganda ka rin gaya ng Mommy mo iha! (ngumiti)

Nicole: Ahm, salamat po! Kayo rin po...


"OMG! Ano ba 'to? Meet the parents na agad? Hay, hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit parang matagal na silang magkakakilala at bakit kilala nya si Mommy?"

Lolo Miguel: Mabuti pa pagusapan na natin ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon! Owen, Nicole... matalik kaming mag-kaibigan ni Martin at noon pa man ay nagkasundo na kaming ipakasal ang mga magiging anak namin kaya lang pareho silang naging babae kaya napagdisisyunan namin na sa mga apo na lang namin ituloy ang kasunduan at kayong dalawa nga yun!

Owen & Nicole: Ano po? (nagkatinginan)




"Ahm... ano bang nagyayari saken? Bago pa naman kami pumunta dito alam ko ng ganito ang mangyayari pero nakakabigla pa rin 'to! Si Owen? As in si Owen na matagal kong pinagpantasyahan at nagpahirap saken ng sobra? Akalain mong sa'kin din pala sya babagsak? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi na sana 'ko nagtiis na maghabol sa kanya noon!"


Lolo Martin: Nasa sinapupunan pa lang kayo ay napagusapan na namin ito. Ipapakasal namin kayong dalawa sa tamang panahon kaya ngayon pa lang kilalanin nyo nang mabuti ang isa't isa.



***************************************

My Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon