Araw ng Lunes sa mansyon nina Nicole....
Vicky: Nicole! Lumabas ka na dyan!
Lolo Martin: Ano bang nangyari?
Vicky: Mabuti po at nandito na kayo... nung Sabado pa po sya ganyan. Hindi lumalabas ng kwarto at hindi rin kumakain ayaw naman po nyang sabihin kung anong dahilan.
Lolo Martin: Kunin mo ang duplicate ng susi nitong kwarto nya.
Vicky: Opo.
Binuksan ni Vicky ang pinto. Nakahiga si Nicole habang nakatakip ng kumot.....
Lolo Martin: (inalis ang kumot) Hanggang kailan ka magiging ganito Nicole, ha? Bumangon ka dyan!
Nicole: Pabayaan nyo na 'ko!
Lolo Martin: Papaano kita magagawang pabayaan kung nakikita kong ganyan ka? Sabihin mo anong nangyari sayo?
Nicole: Wala po.. just leave me alone...!
Lolo Martin: Stop this! You spoiled brat!
Nicole: Yeah.. I'm a brat! A very stupid brat! Ayoko na Lolo... parang sasabog na 'tong puso ko sa sobrang sakit!
Lolo Martin: Ano?
Nicole: Ganun na ba 'ko kahirap mahalin? Ano bang dapat kong gawin para matanggap ako ng taong mahal ko? Buong buhay ko puro sakit na lang ang naranasan ko, hindi ba talaga 'ko pwedeng maging masaya? Lolo... (umiyak)
Lolo Martin: (niyakap si Nicole) Pambihira kang bata ka dahil lang sa isang lalake nagkakaganyan ka? Nasan na ang tapang mo ngayon?
Nicole: Lolo naman eh...!
Lolo Martin: Hay Nicole... hindi lahat ng tao pwede kang magustuhan at hindi mo kasalanan kung ayaw nya sayo. Ito ang tandaaan mo nasayo ang susi para maging masaya ka at wala kang dapat gawin para mahalin ka ng taong ayaw sayo, hindi mo dapat ipinipilit ang sarili mo sa isang tao. Makinig ka, lahat ng pagmamahal na kailangan mo, sa sarili mo muna dapat makuha bago sa iba. Kung mamahalin mo ang sarili mo magagawa mong magmahal ng tama.
Nicole: Lolo... (niyakap)
Lolo Martin: Maaaring lahat ng tao tumalikod sayo pero hindi ang Lolo, tandaan mo yan apo. Mahal na mahal kita, ikaw na lang ang meron ako. Kumain ka na at magpalakas!
Hindi nakapasok si Nicole ng araw na yun kaya kinahapunan pinuntahan agad sya nina Stacey at Bella. Sa kwarto ni Nicole...
Belle: Nicole, we're really sorry. Hindi ka na sana namin tinawagan.
Stacey: Oo nga, hindi sana nasagot ni Owen yung phone mo.
Nicole: Ano ba kayo.. you don't need to apologize. Kasalanan ko rin naman eh, nagpakalasing ako at nagpakatanga.
Bella: Don't say that, nagmahal ka lang naman eh.
Stacey: At hindi ka lang sanay uminom ng hard drinks kaya nalasing ka agad. Sana pala hindi ka na lang namin pinabayaan sa Owen na yun!
Bella: Tama si Stacey, hindi ko akalain na ganun katigas ang puso nya. Napakacold-hearted nya talaga!
BINABASA MO ANG
My Perfect Match
RomansaHave you been in love with a cold hearted guy? Yung tipong lahat na ng pagpapapansin ginawa mo na pero dedma pa rin sya at walang pakialam sa'yo? This is the story of Nicole del Valle, a spoiled brat na sobrang in love kay Owen Garcia, a very cold h...