Kinagabihan sa mansyon nina Nicole...
Nicole: Hindi ba kakain si Lolo?
Vicky: Umalis sya. May dinner meeting daw sya ngayon.
Nicole: Ano? Sino ba yung ka-meeting nya? Di ba hindi naman nakikipag-meeting si Lolo pag gabi? That's weird! Alam mo ba kung tungkol saan yun?
Vicky: Ahm, hindi ko alam eh...
Walang magawa si Nicole kaya nakipag-chat na lang sya sa mga kaibigan nya. Samantala sa condo naman ni Owen...
Owen: Hello Ma! Nakauwi ba kayo ng maayos ni Papa? Po? Si Lolo nandito ngayon?
Mama: May aasikasuhin sya dyan ngayon. Sunduin mo sya sa restaurant. Itetext ko sayo ang address.
Owen: Sige po! Bye!
Kinabukasan nagkaroon ng announcement tungkol sa final exam nila...
Stacey: Oh no! Final exams na, pagkatapos nito graduation na.
Bella: Nakakalungkot di ba gagraduate na tayo.
Nicole: Ano ba kayo, kung magsalita kayo parang hindi na tayo magkikita ah!
Stacey & Bella: Ahm...
Nicole: Bakit?
Stacey: Kasi Nicole, nagbabalak ang parents namin na pagaralin kami abroad. My Mom wants to send me in Boston.
Bella: Ahm, sina Daddy din! They're searching for a university in New York.
Nicole: What? Seryoso ba kayo?
Stacey: Well, yung saken plans pa lang naman hindi ko pa sure. Nasaken pa rin ang final decision, sa ngayon pinagiisipan ko pa.
Bella: Ayoko sanang magaral abroad, si Dad lang talaga ang may gusto.
Nicole: Kung ganun magkakahiwa-hiwalay na tayong tatlo?
Bella: Hindi pa sure pero parang ganun na nga! Ikaw ba, san mo balak mag-college?
Nicole: Ha? Ang totoo hindi ko pa rin alam. Madalas naming pagtalunan ni Lolo ang tungkol dyan pero wala pa talaga 'kong idea.
Stacey: Mamili ka na ng university para mapilit ko si Mommy na dun na din ako magaral sa papasukan mo.
Bella: Oo nga, para sama-sama pa rin tayo! Ano bang gusto mo?
"Anong gusto ko? Ang tanong na yun... yun din ang tanong ko sa sarili ko! In my six years in high school wala akong ibang ginusto kundi ang magustuhan din ako ni Owen, six years akong naghabol sa kanya at sa lahat ng plano ko sa buhay ko ay kasama lagi sya pero ngayon hindi ko na alam kung anong gusto ko... kung ano ang plano ko..."
BINABASA MO ANG
My Perfect Match
RomansaHave you been in love with a cold hearted guy? Yung tipong lahat na ng pagpapapansin ginawa mo na pero dedma pa rin sya at walang pakialam sa'yo? This is the story of Nicole del Valle, a spoiled brat na sobrang in love kay Owen Garcia, a very cold h...