Walang nagawa si Owen kun'di samahan si Nicole buong magdamag. Hihintayin nya sanang may tumawag kahit isa man lang sa pamilya ni Nicole pero wala... hanggang nakatulog na din sya sa sofa. Kinabukasan bumangon si Nicole habang nakapikit pa rin at gulo-gulo ang buhok...
Nicole: Aray... ang ulo ko! Vicky...water please!
Owen: May tubig na dyan sa tabi mo...
Naalimpungatan si Nicole nang marinig ang boses na yun... dahan-dahan nyang minulat ang mga mata nya at halos hindi sya makahinga ng makita nya si Owen sa harapan nya na nakahubad dahil katatapos lang nitong mag-shower...
Nicole: Ahm..... (nakatitig sa katawan ni Owen)
Owen: Mukhang napagod ka kagabe ah...! Mag-shower ka na!
Hinagis ni Owen ang towel at damit ni Nicole sa kama at lalong hindi sya nakagalaw nang marealize nya na nakahubad pala sya. Nanatili lang syang tulala at walang imik habang pumunta naman si Owen sa kusina...
"Oh my God! OMG! OMG! Anong nagyari? Ba...bakit sya nandito? Napagod ako kagabe? Aaahhh...ka...kaming dalawa...?"
Tumakbo sya papuntang banyo na nakatowel lang habang si Owen naman ay napatawa sa naging reaksyon ni Nicole...
Owen: Nakabawi rin ako sayo Nicole del Valle! (with evil smile)
Sa loob naman ng bathroom ay agad naghilamos si Nicole at muling napatulala sa harap ng salamin...
"Nananaginip ba 'ko? Totoo bang... kasama ko si Owen buong magdamag...?Oh no! May.... nangyari ba samin? AAAAHHHH............!!!!!!!!! Ang tanga mo Nicole! Stupid! Stupid! (pinalo-palo ang ulo nya) Hindi,walang nangyare...wala akong matandaan kaya walang nangyare! Okay...Nicole,relax! Inhale...exhale...hooohh...! Oh no, what have I done? Bakit ba wala akong maalala? Ano ba Nicole? (ginulo-gulo ang buhok nya) Hindi ko man lang naramdaman ang first kiss namin...!"
BINABASA MO ANG
My Perfect Match
RomantizmHave you been in love with a cold hearted guy? Yung tipong lahat na ng pagpapapansin ginawa mo na pero dedma pa rin sya at walang pakialam sa'yo? This is the story of Nicole del Valle, a spoiled brat na sobrang in love kay Owen Garcia, a very cold h...