Gotcha!

7 0 0
                                    

Abala sa paguusap ang mga matatanda, si Owen ay nanatili lang na tahimik habang si Nicole naman ay hindi pa rin makapaniwala. Kanya-kanya ng tumatakbo sa isipan nila at hindi na nila namalayan na ayos na ang lahat at natapos na ang usapan...

Papa: Ang mabuti pa iwan na muna natin silang dalawa para naman makapagusap sila!

Lolo Miguel: Tama ka ng sa gayon ay mas magkakilala pa sila ng husto.

Lolo Martin: Sang-ayon ako dyan!

Nicole: Mmmm? (nagulat sa narinig)

Mama: Pano maiwan na namin kayo.

Naiwan ang dalawa sa restaurant. Abala sa pagkain si Owen habang nakatingin lang sa kanya si Nicole...


Owen: Panonoorin mo lang ba 'ko? Hindi ka ba nagugutom?

Nicole: Ha? Ahm... (sumubo)

Owen: Nakakagutom yung pinagusapan nila.

Nicole: Ahm, may alam ka ba sa kasunduan na yun?

Owen: Wala at siguradong hindi mo rin alam yun.

Nicole: Ano nang gagawin natin?

Owen: Bakit sa'kin mo tinatanong? Pabor naman sayo ang ang fixed marriage na 'to di ba?

Nicole: Ano?

Owen: Wag mong sabihin na against ka dito?

Nicole: Ang yabang mo talaga!    (uminom ng tubig)

Owen: Huh! (ngumiti) Wala naman tayong magagawa kundi sumunod sa kanila di ba?

Nicole: Ano? Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo? Payag kang pakasalan ako?  (natuwa) Owen Gracia, umamin ka nga sa'kin gusto mo na ba 'ko?  (inilapit ang mukha nya kay Owen)

Owen: (nakatitig sa mga mata ni Nicole) ...HINDI...!

Nicole: Ahm... kung ganun bakit basta ka na lang papayag sa kasal na yun di ba dapat nag-walk out ka na kanina at sinabi mo na hindi ka payag kasi hindi mo 'ko gusto? Bakit hindi ka man lang tumutol kung talagang ayaw mo saken?

Owen: Wala na 'kong choice! Malas ko na lang na kahit anong paglayo ko sayo hindi pa rin kita maiiwasan dahil magkarugtong ang buhay natin!

Nicole: I hate you!  

Owen: Really Nicole del Valle? Really?


Maya-maya sa labas ng restaurant habang pumapara ng taxi si Nicole...


Nicole: Walang choice? Huh! Nakakainis talaga sya kahit kelan!  TAXI! 

Owen: Ano bang ginagawa mo?

Nicole: Hindi mo ba nakikita, pumapara ng taxi!

Owen: Walang taxi na tumitigil dito! Ihahatid na kita.

Nicole: Pwede ba wag ka ng magbait-baitan! Wala naman dito sina Lolo kaya sige na ipakita mo na ang totoong ikaw!

Owen: Ano? Huh! Sige, maglakad ka pauwi! (sumakay sa kotse nya)

Nicole: Makakasakay din ako dito!


Walang tumigil na taxi kaya dahan-dahan nyang itinaas ang dress nya at pinakita ang flawless nyang legs at agad ngang may tumingil na kotse...


Boy: Hey! Wanna ride?

Nicole: Sa wakas! (ngumiti)


Pasakay na sana si Nicole nang biglang hawakan ni Owen ang pinto ng kotse...


Owen: Ano sa tingin mo ang gagawin mo?

Nicole: Sasakay!

Owen: HINDI! (padabog na isinara ang pinto at tumingin ng masama sa driver)   Hoy ikaw, umalis ka na!

Boy: Ahm... (umiling at umalis na)

Nicole: Ano bang problema mo?

Owen: Tinatanong mo 'ko? IKAW! Nababaliw ka na ba sasakay ka talaga sa kotse ng lalaking yun eh ni hindi mo nga sya kilala? Pano kung san ka dalhin ng lokong 'yun?

Nicole: Ahm...huh!  (ngumiti)

Owen: Anong nginingiti-ngiti mo dyan?

Nicole: CONCERNED? Check! JELOUS? Check! FALLING IN LOVE WITH ME? Check na Check!

Owen: Ano?

Nicole: GOTCHA!   (kumindat at sumakay sa kotse ni Owen)

Owen: Huh! (napailing)



Sa kotse ni Owen habang nasa daan...

Owen: Bakit hindi ka pa dito sa unahan umupo, balak mo ba 'kong gawing driver?

Nicole: Ayokong umuupo sa front seat!

Owen: Sarado mo yung bintana sayang yung aircon!

Nicole: Ayoko ng nakasara ang bintana!

Owen: What? Nananadya ka ba?

Nicole: Owen Garcia, marami ka pa talagang hindi alam tungkol saken. Listen, ayokong umuupo sa front seat at ayoko rin na sarado ang windows ng kotse.. kasi may claustrophobia 'ko!

Owen: Claustrophobia?

Nicole: Namatay ang parents ko sa isang car accident when I was 8. Nandun ako... nakita ko kung pano sila namatay. I was sitting with my Mom sa front seat kasi ayokong mahiwalay sa tabi nya. Nung mga oras na yun gustung-gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko mabuksan yung pinto.. lahat ng windows sarado kaya hindi ko sila nagawang iligtas... (tumingin kay Owen at bahagyang ngumiti)  ...but don't worry that was ten years ago, I'm okay now kahit hindi pa rin mawala yung phobia ko. Turn right then straight ahead the first house na makita mo yun na yung house namin.

Sa tapat ng mansyon nina Nicole...

Nicole: So, thanks for the ride!  (bumaba)

Owen: Hindi mo man lang ba 'ko papapasukin sa loob?

Nicole: Bakit, madami ka pa bang gustong malaman tungkol saken?

Owen: Huh! Nevermind, I'm not interested anyway.

Nicole: Really? Okay. (papasok na sana sa gate)

Owen: Hey Nicole! Don't do that thing again!

Nicole: Ha? Ang alin?

Owen: That kind of... flirting.

Nicole: (napangiti) Paano kung gawin ko ulit yun?

Owen: Try me! (sumakay na sa kotse)

Nicole: (napakagat labi sa sobrang kilig)  Hay... I really love my life! (masayang dumipa at umikot)

***************************************



My Perfect MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon