Araw ng Lunes sa kwarto ni Nicole habang nakaharap sya sa salamin at nagme-makeup, suot ang isang blue mini skirt, white tank tops and her favorite high heels...
Nicole: Shucks! Ang ganda ko talaga!
Sabay hawi sa curly and wavy long hair nya nang may biglang kumatok sa pinto...
Vicky: Nicole, handa na ang breakfast bumaba ka na!
Nicole: Okay! I'm coming...
"She's Vicky, my personal assistant. Sya na ang nagalaga sa'kin mula pagkabata. Simula nung mamatay ang parents ko sa isang car accident when I was ten, sina Vicky at Lolo na ang naging pamilya ko."
Sa dining area...
Nicole: Good morning Lolo! Mmuaah....!
Lolo Martin: Tigilan mo 'ko sa paganyan-ganyan mo! Kelan ka ba magseseryoso sa buhay mo? Dalawang buwan na lang at gagraduate ka na ng high school pero hanggang ngayon wala ka pang napipiling university! At ewan ko na lang kung may tumanggap pa sayo sa hitsura mong yan! Tingnan mo nga 'yang suot mo, sigurado ka bang sa school ang punta mo o magpapakasaya ka na naman sa bar kasama ng mga kaibigan mo?
Nicole: Well, here we go again...!
Lolo Martin: Baka akala mo nakalimutan ko na ang kalokohang ginawa mo?
Nicole: Lolo tapos na yun. Kailangan nyo pa bang paulit-ulitin yun?
Lolo Martin: At sumasagot ka pa! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo... I'm warning you Nicole, kapag hindi mo pa inayos yang kilos mo dadagdagan ko pa ang body guards mo or worst... ipapakasal kita para matigil ka!
Nicole: What? Lolo! Can you just relax, please? Ang aga- aga eh...
Lolo Martin: Wag mong ubusin ang pasensya ko Nicole! I have to go... (umalis)
Nicole: Ipapakasal...? Duh! Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip ni Lolo!
Vicky: Ikaw naman kasi palagi mo na lang ginagalit ang Lolo mo.
Nicole: Pati ba naman ikaw Vicky magsesermon na din..? I've had enough from Lolo so please...!
Kumuha sya ng isang pirasong loaf bread at umalis. Paglabas nya ng pinto nakahilera na ang mga katulong at binuksan na ng driver ang pinto ng black BMW nya...
Maids: Mag-iingat po kayo Ma'am!
Napatingin si Nicole sa dalawa nyang body guards at napailing saka sumakay sa kotse...
"Last week, news headline ako.. nagkagulo kasi sa isang bar na madalas naming puntahan ng mga friends ko and it all started with me... well, #gandaproblems! Dalawang group ng boys ang nagaway dahil sa'kin kaya heto halos buong week na 'kong sinesermonan ni Lolo, every morning yun ha! Sa sobrang OA nya nag-hire pa sya ng body guards para sa'kin."
Sa school.....
Stacey and Bella: Nicole!
Nicole: Hi girls! (beso-beso)
"These are Stacey and Bella! They're my bestfriends since pre-school. Pareho kami sa lahat ng bagay... sabi nga nila birds of the same feather flucks together!"
Stacey: OMG! May bodyguards ka na?
Nicole: Ahm, yeah! Si Lolo kasi hindi maka-get over sa nangyari last week.
Bella: Grounded ka ba?
Nicole: Of course not! You know me, hindi uso saken yun!
Bella: So tuloy tayo sa lakad natin on Friday?
Nicole: This Friday na ba yun?
Bella: Yup! Hindi ka pwedeng mawala dun kasi sabi saken ni Drake pupunta daw si Owen.
Nicole: What??? Really???
Bella: Uh huh!
Stacey: So ano?
Nicole: Of course pupunta 'ko! I only have two months to get him kaya hindi ko na palalampasin ang chance na yun!
Sabay-sabay silang naglakad sa gitna gaya ng palagi nilang ginagawa at lahat ng estudyante ay napapatingin at napapanganga sa sobrang ganda at sexy nilang tatlo pero bigla silang napatigil nang dumating si Owen dahil bigla nitong naagaw ang atensyon nila...
Nicole: Gosh! I reallly hate him! Why does he always makes me feel this way? My heart skips a beat everytime na makikita ko sya... STUPID HEART!
Bella: Ganyan kalakas ang charms ni Owen and I feel sorry for you kasi nahulog ka sa kanya... (tatawa-tawa)
Samantala, sa classroom nila...
Drake: Bro! Sa Friday ha!
Owen: 'Yun nga yung gusto kong sabihin sa'yo baka kasi hindi na 'ko makapunta dadating kasi ang parents ko sa Friday.
Drake: Ano? Oh c'mon! Kaya mong gawin saken yun? Parang hindi naman kita kaibigan nyan!
Owen: Pasensya na babawi na lang ako sayo sa susunod!
Drake: Last year na tayong magkakasama and last birthday party ko na 'to na pwede kang makapunta tapos iindianin mo lang ako? Parang wala naman tayong pinagsamahan nyan!
Owen: Ano? Huh! Ang drama mo!
Drake: Sige ganyan ka na! Mang-asar ka pa.. nakakasama ka talaga ng loob!
Owen: Hah! Okay.. sige.. susubukan ko na lang humabol sa party mo!
Drake: Talaga? Sinabi mo yan ha!
Owen: Oo na, basta wag na wag ka na ulit magdadrama ng ganun! Nakakadiri ka!
Drake: Effective naman eh...
***********************************
BINABASA MO ANG
My Perfect Match
RomanceHave you been in love with a cold hearted guy? Yung tipong lahat na ng pagpapapansin ginawa mo na pero dedma pa rin sya at walang pakialam sa'yo? This is the story of Nicole del Valle, a spoiled brat na sobrang in love kay Owen Garcia, a very cold h...