CHAPTER 4 - Dinner Date

1.9K 62 3
                                    

Nobody deserve to be treated like an option.

----

Tatayo na sana ako ng may marinig akong pamilyar na boses .

" Lour "

Automatikong napaharap ako at hindi napigilan ang pag landas ng luha ko . Namiss ko sya , namiss ko ng sobra ang lalaking dahilan kung baket ako naririto at nagpapatuloy ng buhay sa mundong to .

Dali dali akong tumayo at niyakap sya .

" Marcuz "

" Shhh, stop crying lourisse your not a little girl anymore " Natatawa nyang tugon ng umiiyak akong yumakap sakanya

" No! I'm still your baby girl no matter what happen " Sagot ko sakanya na kunwaring nagmamaktol .

" Okay okay, btw let's sit "

Inalalayan nya naman akong makaupo . Kahit kailan talaga ang gentleman ni marcuz .

" I miss you " He said while smiling, I smiled back .

" I miss you too Acuuuzzzzz " Asar ko sakanya . Natawa nalang sya . Nang may maalala ako mabilis ko syang binatukan

" Aww , Ano nanaman ba? " Nakangiwi nyang tanong .

" Why didn't you tell me that you we're going home? Nakakainis ka acuz "

" Hahaha well I just want to surprise you "

" Hmm, kahit na! Nakakatampo ka, edi sana nakapaghanda man lang ako "

" You don't need to prepare . You're always be beautiful in my eyes " Diretso nyang saad . Hindi naman ako nakapagsalita agad , para bang gulat na gulat ako . Kahit noon nya pa man lagi yun sinasabi .

Nanatili ang katahimikan namin ng may biglang nagsalita .

" Maam and Sir here's your dinner "

Sinalinan nya lang ako ng wine at tahimik nalang kaming kumain .

" Hmm, how's your modelling career? "
Pagbasag nya sa katahimikan . Ngumiti muna ako bago sumagot .

" Nakakapagod but masaya dahil napaparami na ang paglabas ng litrato ko sa magazine "

" Yeah , kada daan ko nga sa mga boutique dun sa mall ng america halos lahat sila merong binebentang magazine mo eh "

" Haha weh? " Hindi makapaniwala kung tanong

" Haha oo nga "

" Okay then, How's your company in america? " I ask, sabay lagok ng wine ko .

" Hmm, you know me lour . Syempre ang company ko ay mas lumalaganap . More investors ang gustong maginvest sa company ko "

" Okay okay hahaha "

Matapos namin kumain di nagtagal ay niyaya ko na syang umuwi . Nakaramdam na kasi ako ng matinding pagod .

" Lourisse "

Nakaramdam ako ng parang may tumatapik sa pisngi ko , kaya nagmulat ako ng mata

" We're here " Inikot ko ang paningin ko at napagtanto ko na nandito na kami , napasok nya na nga ang kotse nya sa gate ng bahay ko . Kapag nandito kasi sya sa manila dito sya sa bahay nakatira .

Tinanggal nya ang seatbelt ko at pagkatapos ay bumaba sya para pagbuksan ako ng pinto .

Bumaba naman na ako at dumiretso na papasok , hindi ko alam kung baket biglang sumakit yung ulo ko . Hindi ko na hinintay pa si marcuz at pumasok nako ng kwartobko . Magkatapat lang naman kami ng kwarto eh .

Nagbihis muna ako at humiga na , napatingin ako sa taas . Hanggang ngayon hindi parin ako ganun ka sanay na nagkakaroon kami ng Dinner Date ni Marcuz , pero masaya parin ako dahil nanjan sya at gusto nya lang ay sumaya ako .

Naisip ko ang anak kung si xyruz , bukas kapag wala akong shooting susunduin ko sya kila mama . Matagal na akong nakapagdesisyon na hindi ko sya pwedeng itago nalang .

Pero natatakot ako! Natatakot ako na bumalik pa sya . Dahil pagkatapos kung makaalis sa hospital na yun ay hindi na kami nagkita pang muli . Dahil dinala na ako agad ni marcuz sa america ng mga panahong buntis ako . Kaya't wala na akong naging balita sakanya , at hanggang ngayon .

Sumagi nanaman sa isip ko ang naging Dinner Date namin ni Marcuz at bigla akong napangiti . Unti unti narin akong nilalamon ng antok .

-----

Hi Readers ,

Pasensya kung medyo mabagal ang pagupdate ko. Pero sisikapin ko naman na madaliin para sainyo haha!

Hanggang ngayon ay nagpapasalamat ako sa patuloy na pagbabasa nyo sana'y hindi kayo magsawa at hanggang huli ay makasama ko kayo sa pagsubaybay ng SLV .

Thankyou Readers :)

She's Lourisse VerzafillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon