CHAPTER 10

2K 74 89
                                    

nag madali ako agad bumaba sa kotse nang marating ko ang school ng anak ko

mas lalo pa akong natakot nang makita kong may mga police at ambulance sa labas, nang makita ako ng teacher ni xyruz ay mabilis na pumunta ito sakin na nanginginig at naluluha pa.

" m-ms lour, ma'am, yung anak niyo po si Xyruz nabangga "

biglang tumigil ang mundo ko pagkatapos kong marinig ang hindi ko inaasahan

unti-unti nang tumulo ang bawat luha ko at may galit na hinarap ang guro nang anak ko.

" paano? diba nasa klase siya? paanong nabangga siya? paanong nakalabas siya? "

mas lalo pang natakot ang guro dahil sa pag sigaw ko na puno ng galit,

" m-ma'am kasi po recess nila, marami po kasing bata hindi ko po napansin na nakalabas na siya. nagulat nalang ho kami may nag kakagulo na sa labas "

mas lalo pa akong nainis sa kakulangan ng seguridad nila sa eskwelahang halos puro bata ang nag aaral.

" ma'am pasensya na po, alam kong hindi sapat pero sobrang pasensya na po "

hindi ko na siya pinansin at pinuntahan ang ambulance na hinahanap na ako na guardian.

" Ms ikaw po ba ang ina ng batang to? "

" opo "

" hindi na po maganda ang lagay niya masyado ng kritikal dahil sa mismong ulo niya ang naapektuhan sa aksidente. At mayroon ring maliit na bagay na tumusok sa parte ng likod niya na sumakto sa buto na mas lalong nagpalala at nagpahirap ng sitwasyon ng anak niyo "

mas lalo akong humagulgol at mas niyakap ang anak kong halos di na mapakali ang mga nurse na nasa loob ng Ambulance na 'to.

hindi ko kaya, siya na lang ang nagiisang buhay ko at pinag huhugutan ko nang lakas. maaaring mawala rin ako sa mundo kung mawawala man siya.

" Anak, laban lang ah? nandito na si mommy. love na love kita mag ma-mall pa tayo, mag lalaro pa tayo ni mommy, dadalhin kita sa office na pangarap mong mapuntahan, ipagluluto kana uli palagi ni mommy gaya nung dati, please baby, ikaw nalang lakas ko hindi ka pwedeng mawala. "

halos hindi ko na alam kung ano pang masasabi ko dahil wala nang ibang lumalabas sa bibig ko kundi ang pag hikbi

sobrang sakit makita sa gantong sitwasyon ang anak ko, nahihirapan at walang malay.

" baby, kung pwede lang sasaluhin ni mommy yan. ako nalang baby ang mahirapan, ako nalang ang makaramdam niyan baby. "

nag madali nang lumabas ang mga nurse ng makarating na kami sa hospital. nag mamadali rin akong tumakbo para makasunod sakanila, hawak hawak ko ang kamay ng anak ko. sobrang higpit ng kapit niya sakin na para bang alam niyang ako yung nasa tabi niya kahit wala siyang malay.

" ma'am jan nalang po muna kayo sa labas patient lang po ang inaallow, tatawagin nalang po namin kayo "

hindi nako pumalag at hinayaan nalang sila, hindi ko pwedeng patagalin yun ng puro iyak lang ang gawin. napa upo nalang ako sa sobrang bigat at sakit nang nararamdaman ko. puro takot na ang bumabalot sa buong pagkatao ko dahil sa mga posibilidad na pwedeng mangyari...

" ms, ms, ms "

napamulat ako ng may naramdaman akong tumatapik sakin, nakatulog na pala ako sa kakaantay. tinignan ko ang orasan ko 7:15 pm na pala dalawang oras na ang nakakalipas simula nang ipasok nila ang anak ko sa emergency room.

lumingon ako sa nurse na tumatapik sakin,

" ma'am urgent po ito, mas lalong nagiging komplikado ang lagay nang anak niyo, maraming dugo ang nawala sakanya at wala na kaming pwedeng mapagkuhanan nang blood type niya dito. At kung tatawag man kami sa ibang hospital na pwedeng mag benta ng dugo, matatagalan pa. "

" ako, ako nalang kahit lahat pa kunin niyo basta maligtas lang ang anak ko "

" maari ho na kayo ma'am ngunit sa kalagayan niyo ngayon hindi kayo hahayaan nang doctor na mag salin nang dugo sa anak niyo "

napaluha ako sa sobrang pagkagulo. bakit hindi ako? ina niya ako, at kahit lahat pa nang dugo ko ibibigay ko

" dahil sa lagay niyo ngayon ma'am hindi niyo kakayanin at lalong hindi magiging maganda sa anak niyo yun "

napaluhod ako, nawawalan naba ako nang pag asa? bakit yung anak ko pa? sa dinami dami nang mas makasalanang magulang,

Priam

bigla siyang pumasok sa isip ko, tama! desperada na akong mailigtas ang anak ko.

hindi alam ni Priam ang tungkol sa anak naming si Xyruz dahil kailanman ay ayaw ko nang may maging kaugnayan pa sakanya lalo na ang anak namin at lalo na kung malalaman niya pa.

pero hindi na to ang tamang oras para mag dalawang isip ako at isipin ang nagawa niya noon.

ama siya ni xyruz, at may tsansa na tutugma siya at mas maganda ang lagay niya. tsaka ko na iisipin ang mga kinakatakutan ko pagkatapos nang lahat na 'to.

" pwede bang sandali? aabutin ba? tatawagan ko ang ama niya "

" posible po ngunit hindi tatagal nang tatlong oras, dahil kinakailangan na "

hindi na ako nag aksaya nang panahon. lumabas ako agad at nag drive hindi ko alam kung san siya matatagpuan

ngunit habang tumatagal, binabagtas ko na ang daan patungo sa dati naming bahay. Ang tirahan namin na nag simula nang masasayang alaala at nag tapos sa pinakamasakit na pangyayari.

hindi ko alam kung bakit ako doon patungo ngunit dun ako dinadala nang manibelang 'to.

hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko sa bahay na yun na ilang taon ko na ring iniwan.

asa tapat palang ako ay may nakita na akong itim na sports car na talagang alam kong sakanya.

pagbaba ko ay tila bumalik ang lahat..

simula sa unang pagsasama, masasayang alaala, mga tawanan at kwentuhan naming magdamagan.

sa tahanang sabay kaming nangarap ng kumpleto at masayang pamilya.

na sinira lang nang isang pangyayaring hindi kinaya ng laman ...

ang bahay na 'to ang laki nang pinagbago,

nanlaki ang mata ko nang may biglang lumabas sa pinto,

Si Priam ...


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Lourisse VerzafillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon