CHAPTER 9

1.2K 40 6
                                    

It's been a week since huli kung nakita si priam. Medyo napanatag na din ang loob ko dahil diko nakikita ang mukha nya!

" Mommy look ang cute po nung girl na naglalaro dun oh hihi! "  Bungisngis na turo ng anak ko

" Aba aba! Wag mong sabihing may crush na ang babyboy ni mommy hahaha "

" Arrrghhh! Mom I've just said that she's cute I didn't said that I have a crush on her "  pataray nya . San ba to nagmana? Sa ama nyang walangya! Hay!

" Tara na pumasok kana sa room mo dahil baka mamaya malate ka first day pa naman oh "
Naglakad na kami papasok sa room nya.

Inenrol kona si xyruz malapit sa school ng subdivision namin. Ayoko namang next year pa dahil yun na rin ang request nya

" Good morning maam, dito nalang po sya "  iginaya na ng dalagang teacher ang anak ko papunta sa pangatlong upuan sa harapan. Masyado yata kaming maaga dahil onti palang silang nandito.

" Mommy, I think you should go na. Maybe you still have many things to do, I'm fine here.. "

" Hey no, mommy will be here until your class started, mommy wants to cheer you up baby "  tinarayan ako nito, aba nakakailan na 'tong batang 'to sakin ah?

" Mommy I said I'm fine. Hindi nako bata I can handle myself. Besides you still have many things to do. "

Napaisip ako, may meeting din ako ng 10 am na balak ko rin icancel dahil nga 8 am ang pasok ni Xyruz at 8:30 palang.

Tinitigan ko ng mabuti ang anak ko, umakto pa 'to na parang pasarap buhay siya. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya. At sumipol sipol pa.

The heck?! San niya natutunan yang pag sipol na yan?

" Okay then. Si Ate Elsa papapuntahin ko na rito para mag antay lang siya sa labas. Tell her to call me kapag natapos na yung klase mo okay? "

Tumango lang siya at mabilis na kinuha ang earphone niya.

Hays this kid, lahat ng ugali ng ama niya nakuha niya. Wag lang sana ang pagiging manloloko ..


" What do you prefer ms? grape or lemon? "

" grape "

" yes ms. "

kasalukuyan kaming nasa mall ngayon kasama ang katulong na bagong dating lang sa bahay. Kinancel ko na ang lahat ng meeting ko so it means free ngayon ang buong araw ko.

" Ano kayang maganda between this pink and blue ponytail, I think I should choose blac----- "

kukunin ko na sana ang black color na ponytail ng may biglang nakabangga sakin ng ubod ng lakas.

" Wtf miss? " inis na inis akong lumingon sa babaeng bumangga sakin na parang sinadya pa

" oh gosh i'm sorry miss akala ko kasi poste tao pala "

pag lingon ko ay parang di ko nagustuhan na lumingon pa talaga ako kasi shit lang! it was angeline, my bestfriend. yung naging kabit ng asawa ko before ang naging dahilan ng kagaguhang naganap sa buhay ko

matagal na ang nakalipas, nabuo ko na ang sarili ko pagkatapos ng lahat. kinalimutan at pinatawad ko na sila pero hindi ibigsabihin nun mananatili akong mag papaapi sakanila.

kung halang ang kaluluwa nila, mas halang na ang akin ngayon. hindi na ako ang dating Kryzza dahil si Lourise na ako ngayon. kinikilalang matatag at successful. i won't let them break me over and over

" oh really? ikaw nga I thought push cart, nawawalan ng tamang balance pag binibitawan parang buhay mo ngayon. hmm... I understand "  kita ko naman ang pagkabigla at iritang gumuhit sa mukha niya. dapat lang, hindi mo ineexpect besty? well kaya kong makipagsabayan sa kung ano ang pinapakita at ginagawa sakin

" hahahaha kryzza, kryzza kahit ilang beses mo pang subukan walang nag bago. talunan kapa rin at hindi na mababago yun "

" haha baka Angeline tinutukoy mo ang sarili mo? simula noon at hanggang ngayon Kabit kapa rin at hinding hindi na yun mag babago. naagaw mo man ang asawa ko noon, hinding hindi mo na maaabot kung sino at ano na ang meron ako ngayon "

ngumisi ako at iniwan siyang tulala
you deserve that bitch! sa ilang taon kitang hindi nakita, nagulat man ako sa biglaang pangyayari na 'to pero hindi ako papadaig sa emosyon ng nakaraan ko.

ang pag dala at patuloy na nakasandal sa nakaraan ay para lang sa mga mahihina, dahil ang nakaraan ay simbolo o isang biyaya para sa bukas o para sa future. ang nakaraan ay ang alaalang dinadala upang gamiting inspirasyon upang baguhin ang mga bagay na hindi na dapat maulit ngayon.

at kung talunan man ako noon, hinding hindi ko na hahayaang maulit muli yun ngayon.

sakanya, halatang dinala niya pa rin sa kinabukasan niya kung gano siya kadumi noon.

naging kaibigan ko pa rin siya pero ang kaibigan ay may limitation, gaya nalang nang nagawa niya sakin.

ngunit parte na yun nang nakaraan ko, at labis akong nag papasalamat sa nangyari dahil una palang nakita at nalaman ko na kung sino ba talaga ang totoo sa akin at mananatili sa akin kahit anong mangyari atleast nalaman ko nang hindi sila yun.

" Ms, yung teacher po ni Xyruz tumawag urgent daw po may emergency na nangyari "

kinabahan naman ako agad, kaya pala parang ayoko talagang umalis sa school niya kanina pero may mga bagay kasi na dapat kong bilhin.

nagmamadali akong dumiretso ng parking lot, bakante ang utak ko.

halo halo ang emosyong nararamdaman ko. Takot, kaba, sakit at hindi ko alam. Naguguluhan ako naiiyak, emergency? at parang takot na takot pa yung teacher nang makausap ko mukhang hindi maganda yung nangyari.

anak ko yun, hindi ko kaya kung may mangyari sakanya

wait for mommy baby xyruz ...




She's Lourisse VerzafillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon