Tatlong oras.....
Tatlong oras na lang ang hihintayin ko bago ako makalapag ng pilipinas..
"Malapit na tayo sa pilipinas Ellie.. Makikita mo na yung family mo... Makikita ko na din si Yael sa wakas... At gagraduate na kami ng sabay. Ang saya.." Masayang pahayag ni Vanessa.. Sabay kaming nag internship sa japan. Sya.. Dahil sa parents nya... Ako.. Dahil kay Dean na pinili ako...
Sa wakas.....
Malapit na rin kami magkita...
**********
"Van!!!! :)" si Yael.. Dala ang malaking ngiti sa mukha habang palapit sa amin ni Vanessa.
"Pre kamusta na.." Bati nya sakin..
"Eto.. Ok lang..
Nga pala...
Si Lham..? Kamusta sya??"
***********
Pag uwi ko ng bahay..
Matapos ang welcome party sakin nila nanay ay dumerecho agad ako sa kwarto ko..
Di dahil namimiss ko to..
Kundi dahil nanlulumo ako sa mga bagay na kinwento sakin ni Yael..
"Pre.. Wag kang mabibigla ha....
Pero kasi....
Si Lham.....
Wala na akong balita sa kanya matapos nung aksidente.."
"A...aksidente?!"
"Oo pre.... Sinubukan ka nyang habulin sa airport.. Tinawagan nya kasi ako nun dahil di ka nya makontak. Kaya tinawagan nya ko.. Hinahanap ka nya dahil may kailangan ka daw malaman..
Ang alam ko kasama nya si Third non..
Nawalan ng preno yung sinasakyan nila..
Pumunta ako ng ospital para kamustahin sila.. Pareho silang 50/50 at na coma si Lham...
Tapos nung pag balik ko dun... Wala na sila don.. Dinala nila Ate Rhia si Lham sa states....
At si Third..
...namatay sya dahil sa internal bleeding..
Hindi ko na muna sinabi sa inyo..lalo na sayo kasi alam kong close ka sa kanila..
Ayoko mawala yung focus nyo sa ojt.
Sorry pre"
Hindi ko alam kung san magsisimula.. Hindi ko alam..
At ayoko ng alamin pa..
Hindi ko na alam kung ano pang rason ko para maging masaya...
Wala na....
