Chapter 4

3.1K 100 2
                                    

"Kaylee! Teka lang!" kahit di ako nakatingin alam kong siya yun. Siya yung tumatawag.

"Bakit?" tanong ko sakanya. Ginagawa ko lahat para magmukang wala lang para sakin.

"Intayin mo ko. Sabay na tayo." sabi niya sakin. Dillan, umiiwas kasi ako eh.

Hindi na ako nakasagot kasi nakakahiya naman kung tumanggi ako diba?

"Nga pala sasama ka ba sa camping next week?" tanong niya

"Syempre naman. Masaya kaya mag camping." sagot ko naman

"Ahh. Ako rin sasama. Sige, kitakits nalang mamaya." sabi niya bago pumasok ng room niya

Hay naku! Kaya ko ba? Kaya ko ba? Can I do it?

"Huy! Kanina ka pa nakatunganga diyan. Okay ka lang?" tanong ni Rhea

"Oo okay lang ako. May naisip lang ako."

Hindi, hindi ako okay! Paano ako magiging okay?! Paano?! Pinipilit kong umiwas pero hindi naman ako makaiwas! Nakakainis naman eh!

Buong klase lutang ako. Parang wala akong balak na mag-aral, ewan ko ba kung bakit ganun. Dahil ba to kay Dillan? Oo, alam kong walang kwenta kung bakit ako umiiwas. Ang pathetic nga diba? Pero anong magagawa ko kung ganun? Kung yun ang dahilan ng pag-iwas ko? Wala na kasi akong magawa eh. Malapit na akong tuluyang mahulog sa lalaking yun, na ikinatatakot ko. Nasa nature niya kasi ang pagiging mabait so baka pagiging mabait lang tong ipinapakita niya sakin.

Nang matapos ang klase namin ay agad kong kinuha ang mga gamit ko at umalis na sa school. I'm not in the mood! Kaloka noh? Dahil lang dun nawalan ako ng gana. Nakakainis kayang magkacrush sa taong di ka naman gusto. Diba? Teka nga! Crush ko lang ba siya? Aish!

"Lalim naman ng iniisp mo."

"Ayy pwet ng kabayong tumalon!"

"Ako? Pwet ng kabayong tumalon? Gwapo ko naman masyado."

"Loko ka talaga Tristan!"

"Pero bakit malalim iniisip mo?"

Sasabihin ko ba? O hindi?

"Hmm? Akin nalang muna, sa susunod ko nalang sasabihin."

"Sa susunod nalang? Kailan ka pa naglihim sakin? Tumingin ka ng diretso sa mga mata ko." sabi niya, pero hindi ko ginawa. Mababasa niya kasi ako. Ganun ako kadaling mabasa. Sabi nga nila ang bibig nagsisinungaling pero ang mga mata hindi. Kaya kung gusto mo malaman kung nagsisinungaling ba ang isang tao patinginin mo siya sayo sa mata.

"Dali na tumingin ka na sa mata ko."

"Ayoko nga!" sigaw ko sabay palo sakanya

"Aray ahh!" hinabol naman niya ako. Para lang kaming mga bata rito. HAHAHAHAHA!

"Ehem!" napatigil naman kaming dalawa sa paghaharutan ng biglang may sumingit. At kung sino man siya ang epal niya! Nakikipagbonding ako sa kaibigan ko tas sisingit siya!

Sabay kaming napatingin ni Tristan dun sa nag-ehem. And to my surprise si Dillan yun, oo si Dillan, yung mahal ko.

"D-dillan?" teka! Bat napadpad siya rito? Bat napunta siya sa kalyeng to? Ang alam ko kasi hindi naman siya dumadaan dito sa dinadaanan namin ni Tristan.

"Bat nandito ka? D-diba hindi naman dito ang daan papunta sa bahay mo?" pagtatanong ko sakanya

"Oo nga hindi nga." sabi niya

Sinusundan niya ba ako? Kinilig ako!

"H-hindi kita s-sinusundan ah!" sigaw niya. Wait! Nabasa niya nasa isip ko?!

"Hindi ko nababasa isip mo, madali ka lang talagang basahin base sa mga expression ng muka mo." pagpapatuloy niya. Nakakahiya naman!!!!

"Eh bakit ka nag-ehem samin?!" sigaw ko sakanya

"Eh kasi nakaharang kayo sa daan. Maglalandian na lang sa gitna pa." sabi niya at nauna ng maglakad. Kita mo to! Problema nun? Diba mabait yun? Bat naging ganun?

"Hoy Dillan!" sigaw ko

"Makahoy naman! Bakit?" tanong niya naman

"Zipper mo bukas!" sigaw ko. Pero syempre joke lang yun noh! Namula naman bigla ang muka niya at tumalikod. Siguro tinignan niya yung zipper niya kung bukas. Eh kung hindi ba naman siya uto uto, naka PE siya ngayon so wala talaga siyang zipper. HAHAHAHA. Tumingin naman ulit siya sakin at tinawanan ko lang siya.

Hindi ko alam na gullible pala si Dillan. HAHAHA!

"Tara na Kaylee, hatid na kita sainyo." pagprisinta ni Tristan ng makaalis na si Dillan

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Habang naglalakad kami ni Tristan ay may napansin akong parang sumusunod samin pero isinawalang bahala ko nalang muna, hanggang sa makarating kami sa bahay ko. Hindi nanaman pumasok si Tristan sa loob, marami pa raw siyang gagawin kaya kailangan niya umuwi agad. So yun nagpaalam na ako.

Hindi ko pa rin sinasarado yung gate, curious kasi ako kung may sumusunod ba talaga saamin. Isasarado ko na sana ang gate kasi medyo matagal na rin akong nasa labas ng biglang may narinig akong nadulas at naaninag ko ang anino niya.

Unti unti akong lumapit dun sa pwesto kung saan siya nagtatago. Nanginginig ako. Baka patayin ako nitong lalaking to. So nandito na ako! In 3, 2, 1!

"ARRRRRRRGGGGGGGHHHHHHH!!!!" sabay naming sigaw

"Rhea anong ginagawa mo rito? Ikaw ba yung sumusunod samin kanina?" napayuko naman siya sa tanong ko kaya napangiti naman ako.

Lumapit ako sakanya.

"Okay lang yun. Gusto mo si Tristan diba?" tumango naman siya

"Wag ka mag-alala, tutulungan kita. Magugustuhan ka rin ng mokong na yun." sabi ko sabay yakap sakanya

--------

Rhea's POV

Oo, gusto ko si Tristan. Ewan ko ba! Unang kita ko palang sakanya yung kabog ng puso ko kakaiba! Alam niyo yun? Kapag nandiyan siya nagiging ibang tao ako.

Sinundan ko nga sila ni Kaylee kahapon, medyo nagselos ako nung nakita ko silang nagkukulitan pero alam ko namang si Kaylee may gusto kay Dillan, pero kahit ganun nagseselos ako. Alam kong wala akong karapatan kasi hindi naman kami ganun ka close ni Tristan at isa pa hindi naman kami so yun pinipigilan ko nalang ang sarili ko.

Pero ngayon napagdesisyunan ko na dadaan muna ako sa bahay nila Tristan at may ibibigay ako. Hindi naman confession ang gagawin ko, magpaparamdam lang ako.

*ding dong

"Saglit lang!" boses niya yun ahhh! Nanginginig na ako!

Tumakbo na lang kaya ako?! Binitawan ko agad sa tapat ng gate niya yung chocolates at letter ko para sakanya at tumakbo ng mabilis. Nagtago ako dun sa puno na malapit sakanila. Yung medyo kita ko pa siya.

Luminga linga siya bago niya makita yung chocolates at letter. Mukang nacurious siya kung kanino galing pero kinuha niya pa rin. Gumaan naman ang pakiramdam ko.

Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa school. Nakangiti nga ako eh. Ang saya saya ko. Oo, ang pathetic lang kasi kinuha lang naman niya yung chocolates and letter ko para sakanya pero kung mag react ako.

"Uy, problema mo? Ngiting ngiti ka diyan?" pagsira ni Kaylee sa pagde-daydream ko

"Wala! Panira ka!" sabi ko at pumasok na sa loob ng classroom.

"Eh ano ba nangyari at ngiting ngiti ka diyan?" tanong ko sakanya

"Basta." kinikilig akooooooo!

-------------

Okay! Hanggang dito po muna. Sana nagandahan kayo sa updated ko! Please?

Sabihin niyong nagandahan kayoooooo! HAHAHAHAHAHA!

Joke langggggg!!!!

Votes and Comments naman po! Sana talaga nagandahan pa kayoooo! Sorry kung hindi, hindi naman ako expert pero papagandahin ko parin! Sana nagustuhan niyo! Yun lang!

Sana patuloy niyong basahin! Well, I'm inspired ngayon! HAHAHAHAHA! Yun lang!

I love you Campus Hearthrob!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon