Chapter 18

2.1K 56 3
                                    

Rhea's POV

Humiga na ako sa kama habang umiiyak. Ewan ko ba pero parang feeling ko wala akong laban kay Monique. Maganda, mas mukang mature sakin.

Kanina pa ako di makatulog eh. Kaya yun nakaupo ako ngayon tas tumutulo yung luha.

Gusto ko sana magwala kaso magigising silang dalawa. Nakakahiya naman! Bad trip kasi si Tristan eh. Pwede niya namang sabihin na hindi pwede. Gusto niya lang talaga.

Bigla namang bumukas yung door ng guest room. Agad kong pinunasan ang luha ko.

"Sabi na eh hindi ka pa rin tulog." sabi niya at lumapit sakin

Nagtalukbong ako ng kumot.

"Umusog ka, patabi." sabi niya at niyugyog-yugyog ako

"Ayoko. Maliit lang tong kama. Dun ka sa may malaking kama." sabi ko naman

"Ayoko dun. Di ako makatulog. Bilis na! Usog na." sabi niya at niyakap ako

"Hahanapin ka ni Monique."

"Psh. Hindi yan." sabi niya at tumabi sakin. Pinilit niya yung sarili niya.

"Ang sikip. Mahuhulog na ako." reklamo ko

"Psh! Selos selos pa kasi." hinarap niya ako sakanya atsaka niyakap

"Bitawan mo nga ako."

"Tulog na ako. Bye." sabi niya at humilik hilik dun

Hayaan na nga lang! Atleast naalala niya pa rin ako diba?

---------

Kaylee's POV

Lumabas na ako ng bahay, syempre may pasok kami ngayon.

"Kaylee." lumingon naman ako sa pinanggalingan ng boses

"Yves? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko

"Hatid na kita." sabi niya

Hindi na naman ako nakatanggi pa at hinatid na niya ako sa school.

"Yves, salamat." sabi ko

"No prob." sabi niya at umalis na

"Bat hinatid ka nun?"

"Waaahhh!! Dillan, nagulat naman ako!" sigaw ko

"Bakit ka hinatid nun? Papogi?" tanong niya

"Papogi? Hindi ko alam pero bigla nalang na nandun na agad siya sa bahay kanina. Nasurprise rin ako eh."

"Gusto mo naman?" tanong niya

"Anong pinagsasabi mo? Baliw ka talaga!" sigaw ko

Naglakad na kami papunta sa room namin.

"Sige na, papasok na ako." sabi ko at nauna ng pumasok sa room namin

Tumabi agad ako kay Rhea.

"Bat mugto mata mo? Si Tristan?" tanong ko

"Susunod siya. Nauna na ako pumasok. Nabwibwiset lang ako sa bwiseta sa bahay!" sigaw ko

"Bakit? Anong nangyari?"

"May bisita kasi kahapon. Kababata niya aside sayo. Kung ano anong pinagsasabi. Kung umuwi lang daw siya ng mas maaga eh di sana sila na ang mag-asawa ni Tristan! Sinasadya niya ata iparinig sakin eh! Bad trip teh! Kung ano anong pinagsasabi! Tas kagabi pinilit niya ako na sila raw ang magtabi ni Tristan eh di ko magawang magalit at sigawan siya kaya pumayag ako. Pero nung madaling araw na lumipat si Tristan sa kwarto kasi hindi raw siya makatulog. Tas kaninang umaga ang arte arte. Kaya yun iniwan ko na siya kay Tristan. Yun naman ang gusto niya eh, ang mapag-isa sila ni Tristan!" naiiyak niyang pagke-kwento

I love you Campus Hearthrob!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon