Chapter 11

2.3K 76 1
                                    

Fiona's POV

Bumalik na si Dillan sa school and mukang worried na worried siya.

"Dillan anong nangyari kay Kaylee? Is she alright? Worried na rin ako sakanya." tanong ko sakanya

Hindi naman talaga ako worried. I'm just pretending.

"Hindi ko alam kung magiging okay ba siya o hindi. Natatakot na rin ako para sakanya." buti naman. Hindi ko gugustuhin kung ang ibabalita sakin ay maayos ang lagay niya. Dahil hangga't nandito siya sa school ay naiirita lang ako.

"Pero kung sino man gumawa sa kaibigan ko nun lagot talaga siya sakin." galit na pagbabanta ni Dillan sabay alis

"Fiona, paano pag nalaman niya?" tanong ni Trix

"No. Hindi niya malalaman. Malinis akong gumawa ng mga bagay kaya hindi niya malalaman." sagot ko naman

Hindi malalaman ni Dillan dahil kaya kong itago tong ginawa kong to.

-------

Kaylee's POV

Nasaan ako? Langit na ba to? Joke lang. OA!

White na kisame ang nakikita ko. Ospital siguro. Tumingin ako sa gilid ko nakita ko si Dillan na natutulog sa may upuan.

Teka! Si Dillan? Dillan Ace Kim?! Weh nga? Yung totoo?!

Tinry kong bumangon para makaupo ako.

"Arrggghhh." ang sakit ng ulo ko

"Kaylee? Gising ka na?" masayang tanong ni Dillan

"Oo, nakikita mo naman na gising ako eh." sagot ko naman

Lumabas naman siya at pagbalik niya may kasama na siyang doktor at nurses.

"Well, base sa results ng test wala namang major injuries sa ulo niya. Kailangan niya lang na magpahinga. Bawal din muna siya mastress kasi sasakit ang ulo niya. Bawal siyang umiyak ng umiyak kasi hindi pa magaling yung injury sa ulo niya. Mga 1 month na pahinga. Okay na yun. Nag-aaral ka diba? Hmmm. Mag home study na muna siya. Ikaw nalang ang magdala ng mga kailangan niya sa school para makacatch up siya." pag-eexplain ng doctor

So bawal ako manuod ng korean movies. Ano ba yan?!

"Narinig mo sabi ng doctor ah."

"Hindi ko narinig."

"Yan nanaman siya oh!" natawa namam ako sa sagot niya

"Sila Mama?" tanong ko sakanya

"Kumain lang. Kaya ako muna nagbantay sayo. Sila Tristan umuwi na rin kanina pa kasama si Rhea. Halos 1 araw kang tulog eh. Kahapon pa ako nandito. Pumasok lang ako sa school kanina." weh?! Binantayan niya ako?! Hala!

"Umuwi ka na nga sainyo. Uwi!" pagpapalayas ko sakanya

"Hindi pwede. Nagpaalam na ako sa nanay ko na sa ospital ako matutulog. Nagpaalam na rin ako sa mama mo. Uuwi sila ngayon. Sa loob ng one month ako ang tagapag-alaga mo. Pupunta lang dito mama mo tuwing 8 am kasi nasa school ako nung time na yun." bat ang bait niya sakin? Ayoko naman bigyan ng meaning ang ginagawa niya. Baka mapahiya lang ako eh

"Ahh ganun ba?" deep inside kinikilig ako

Para kaming mag-asawa. Hahaha! Joke! Assuming ako!

"Oh, anak, gising ka na." sabi ni Mama at niyakap ako

"Kanina pa po." sagot ko naman

"Madilim na rin, uuwi na kami anak ah. Nandito naman si Dillan. Sabi niya siya na raw bahala sayo. Bukas ng umaga pupunta kami ng mama mo." sabi ni Papa at hinalikan ako sa ulo at umalis na sila

I love you Campus Hearthrob!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon