Chapter 13

2.1K 63 4
                                    

Tristan's POV

"Rhea!" pagtawag ko sakanya

"Bakit?" tanong naman niya

"Umiiwas ka ba? Sabay na tayong mag lunch." pagyaya ko sakanya

"Hindi ako umiiwas. Sadyang marami lang akong ginagawa kaya hindi na kita natutulungan pa."

"Pinuntahan ko yung president ng club niyo kahapon. Tinanong ko siya kung totoo bang busy yung club niyo this days pero sabi niya hindi. Tinanong ko na rin yung principal natin kung may pinag-uutos siya sayo pero wala naman. Tas di naman nagpa-assignment or quiz ang mga teachers natin so panu ka magiging busy?" tanong ko sakanya habang nakatingin sa mga mata niya.

Umiwas naman siya ng tingin sakin.

"So iniiwasan mo nga ako?"

"Bat kailangan alamin mo pa yung mga ginagawa ko? Ganun ka ba kadesperado na tulungan kita? Eh ayoko na nga eh. Di mo ba maintindihan?"

"Hindi. Hindi ko naiintindihan. Kaya sumama ka na sakin."

"No!! Hindi ako sasama sayo! Bahala ka kung hindi mo naiintindihan." sabi niya naman at naglakad na paalis pero hinabol ko siya at kinaladkad papunta sa kotse ko

Sinakay ko siya sa kotse ng sapilitan.

"Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng kidnap ha? Hindi ako.pumapayag na sumama sayo pero pinilit mo ako."

"Alam ko at okay lang. Kasuhan mo pa ako ng sexual harrasment at kung ano ano! Okay lang. Alam ko namang di mo magagawa yan eh!"

"Ang taas naman ng confidence mo. How sure are you?" tanong niya

Tinabi ko muna ang sasakyan atsaka humarap sakanya at unti unting nilapit ang muka ko sa muka niya. Mukang nagulat siya sa ginawa ko kaya pumikit siya.

"Ganto ako kasure na di mo gagawin yun."

Idinilat naman niya ang mga mata niya at sinamaan ako ng tingin.

-----

Rhea's POV

Hindi ko alam kung bat kailangan niya pa ako isama sa lugar na to?!

"Uuwi na ako." pagpapaalam ko sakanya

"Ano ba. Umupo ka nga diyan. Ininvite kita sa lunch dito sa resto then aalis ka bigla? Thank you gift ko to for helping me."

"It's just that I'm tired."

"Tired of what? We're just eating. Hindi ka naman mapapagod by just eating. So eat." utos niya sakin

Ayoko lang kasing umasa sa bagay na walang kwenta. Masakit kaya!!!!

"Last na to. After this don't bother me again. Please!"

"Why?!" gulat niyang tanong

"Just please do what I say. Sasabihin ko rin sayo pagdating ng panahon."

Bigla naman siyang tumahimik at tuloy tuloy na kumain.

"Excuse me, pupunta lang ako ng CR." pagpapaalam ko at dumiretso na sa CR ng resto

Pagpasok ko, napaupo agad ako sa lapag at napaiyak.

Anong gagawin ko? Kakayanin ko ba na iwan ko si Tristan? Na alam ko sa sarili kong minahal ko na?

"Miss okay ka lang ba?" tanong ng isang babae na kakalabas lang sa isang cubicle

"Okay lang ako. Don't worry." sagot ko naman at pinunasan ang luha ko

Lumabas na ako ng CR at bumalik sa pwesto ko.

"Can I order a bottle of wine?" tanong ko sa waiter

I love you Campus Hearthrob!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon