Chapter 6

2.5K 78 7
                                    

Kaylee's POV

Wala akong gana ngayon pumasok. Sabi kasi ni Dillan ibibigay na niya ngayon yung binili niya para kay Fiona. Haiiiissst! Binili niya yung isang teddy bear na cute dun.

Medyo matagal din akong nakahiga. Pero napagdesisyunan kong pumasok pa rin kasi kailangan ipakita kong okay lang ako.

Pagdating ko ng school nakita ko sa locker room si Fiona. Well, para sakin si Fiona ay isang maarte na nilalang. Ewan ko ba pero panget ang ugali niya.

Kasama niya yung kaibigan niya.

"Kanino galing yang teddy bear na iyan?" tanong ni Leigh kay Fiona na kinikilig kilig pa

"Hindi ko alam eh pero nagbigay siya ng letter." sagot naman ni Fiona na halatang kinikilig din

Napatingin naman ako sa hawak niyang teddy bear. Yun yung teddy bear na binili namin ni Dillan sa mall eh.

"What are you looking at?" maarteng tanong ni Fiona

"Ahh ehh. Wala. Pupunta lang ako sa locker ko." sabi ko naman at naglakad na ako papunta sa locker ko.

Napansin ko naman na may teddy bear na malaki sa tapat ng locker ko.

"Wow! Ito yung gusto kong teddy bear ah. Nakita ko to sa blue magic nung isang araw eh." sabi ko sa sarili ko

Teka lang. Baka naman hindi para saakin to.

Binuhat ko yung teddy bear at nalaglag ang isang envelope. Envelope na lalagyanan ng sulat. So binuksan ko.

To: Kaylee Buenaventura

Hi! Nagustuhan mo ba? Sana oo. Hay! Sana makaamin na ako sayo. Kaya lang sobrang natotorpe ako eh.

Kasi saiyong ngiti ako'y nahuhumaling. Wag ka ng malungkot ah. Ayoko ng nalulungkot ka.

From: DTCH

Siya nanaman yung nagpadala?! Dato diba nagpadala rin tong DTCH na to. Sino ba to? Dapat magpakilala na siya sakin baka mamaya gwapo pala siya tas mainlove ako then hindi ko na maging crush si Dillan.

Ang dami kong alam!!

Siguro may mga 15 minutes na rin akong mukang ewan dun kasi kinikilig ako na ewan.

"Kaylee, okay ka lang?" hinarap ko naman yung nagtanong. Oww! Si Dillan! Nakakahiya. Nakita niya kayang niyayakap yakap ko yung teddy bear?! Waaahhh! Lupa kainin mo na ako.

"Ha? Ahh. O-oo."

"Kanino galing yan?" tanong niya

"Hindi ko nga alam eh. Pero kapag nagpakilala siya sakin feeling ko maiinlove ako sakanya." sabi ko naman

"Talaga?"

"Not sure. May iba na kasi akong mahal eh."

"Sino naman?"

"Secret. Hahaha! Sige, una na ako ah." sabi ko tas kinuha ko na yung mga gamit ko at teddy bear ko

"Bukas, camping na ah. Asahan kitang pumunta dun." sabi niya

"Sureness!" sabi ko sabay takbo

----

Rhea's POV

As usual nasa tapat nanaman ako ng bahay nila Tristan, mag-iiwan nanaman ako ng chocolates and letter sakanya.

Kumatok ulit ako pero tatakbo lang din naman ako at iintayin na kunin niya ang chocolates and letters tas aalis na.

Siguro pang 5 times ko na tong ginagawa.

Lumabas na ulit siya at kinuha ang mga chocolates.

"Sino kayang nagbibigay sakin nito? Baka magkadiabetes na ako nito ah. Hahaha." sabi niya at pumasok na sa loob. Oo nga naman puro chocolates nga. Palitan ko naman.

I love you Campus Hearthrob!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon