Chapter 3

3K 93 2
                                    

I need to do this. Kailangan kong gawin to. Kailangan ko ng kalimutan siya. Si Dillan. Kakaumpisa palang ng storya kakalimutan ko na siya agad noh? Hahaha!

Pero kasi naman. Ano namang mangyayari kung patuloy akong aasa diba? Siya na mismo nagsabi na si Fiona ang gusto niya.

Lutang tuloy ang isip ko ngayon. Hindi ako nakikinig sa teacher. Nakatingin lang ako sa malayo.

"Ms. Buenaventura." nabalik naman ako sa katinuan ng tawagin ako ni Maam

"Maam?"

"Are you okay? You look pale." sabi ni Maam pero ngumiti lang ako at sinabing okay lang ako.

Kasi naman ano ba namang panama ko kay Fiona, maganda at sikat siya. Perfect match talaga sila ni Dillan.

Nung nagrecess na lumapit agad si Rhea sakin.

"Hoy. Anyare sayo?" tanong niya sakin

"Ha? Wala naman. Bakit?" pagmamaang-maangan ko

"Wag mo na nga ideny. Ano ba?"

"Masama lang pakiramdam ko." mukang naniwala na siya kasi di naman niya ako pinilit pa

Lumabas na kami ng room para na rin kumain.

"Hoy!" napalingon naman ako sa tumawag. Si Tristan, bat nandito siya?

"Maka-hoy? Bat nandito ka?" tanong ko sakanya

"Dito na ako mag-aaral. Bawal ba? Hi classmate!" sabi niya sabay yakap sakin. Humarap ako kay Rhea at nakita ko siyang namumula. OMG! Don't tell me....

"Tristan si Rhea nga pala, bestfriend ko. Rhea si tristan nga pala childhoos bestfriend ko. Ganda ni Rhea noh?"

"Yes. You're beautiful Rhea." nakita ko namang nagblush siya kaya yumuko siya. Pero di naman napansin ni Tristan.

"Kaylee!" nakita kong papalapit si Dillan sa akin. OMG! Wag! Sabi ko nga diba iiwasan ko na siya? Control! Control

Tinaasan ko lang siya ng kilay na parang nagtatanong ng 'Bakit?'

"Sino siya?" tanong ni Tristan

"Ayyy. Teka. Tristan, si Dillan nga pala hearthrob sa school na to. Dillan, Tristan nga pala be-----"

"Boyfriend niya. Nice to meet you pre." baliw talaga tong Tristan na to.

"Ayy ganun? Ahh right! Siya yung nakita ko sa facebook yung pinost mo." sabi ni Dillan. Nakakainis. Masaya pa siya. Please magselos ka kahit onti? Okay! Assuming nanaman ako eh.

Nakita ko namang nalungkot ang muka ni Rhea. Shocks! Iexplain ko nalang sakanya mamaya.

"Tristan, samahan mo naman si Rhea kumain. May aasikasuhin lang ako." pagkukunwari ko para makasama ni Rhea si Tristan ng mas matagal. Sumama naman si Tristan and ang bait niya lang kay Rhea ah. Infairness.

"So? Ganu na kayo katagal ng boyfriend mo?" Tae! Nandito pa pala siya! Hahahaha! Kinikilig nanaman ako eh!

"Ha? Ayy! Hindi ko yun boyfriend. Bestfriend ko lang yun."

"Ahhhh."

-----

Nakauwi na ako ng bahay. Pumunta agad ako sa kwarto ko at nahiga. Wala naman masyadong nangyari eh. Medyo iniiwasan ko nga lang si Dillan. Hahaha!

"Kaylee!" tawag sakin ni Mama, kaya agad akong bumangon at bumaba

"Bakit po?" tanong ko

"Nandito sila Tita Yana mo kasama si Dillan." Tita Yana? Tita yana? Sino siya? Dillan?

Pumasok naman ang isanh babae, kasunod naman nun ang pagpasok ng isang lalaki at si..... Dillan?!

"Dillan?"

"Kilala niyo na ang isa't isa?" tanong ni Mama

"Oo naman Ma. B-bakit? Anong... Anong ginagawa niya rito?"

"Si Tita Yana mo bestfriend ko since highschool kaya lang nung nagkaasawa kami hindi na namin nakita ang isa't isa. Ngayon nalang ulit. Buti naman at kilala niyo ang isa't isa." sabi ni Mama na tuwang tuwa

Aish! Hindi ako natutuwa. Nagkaroon pa tuloy ng dahilan para mapalapit ako sakanya. Nakakainis naman oh! Bad trip!

"Ma, punta lang ako ng garden." pagpapaalam ko at agad na lumabas at tumungo sa garden. Umupo ako sa swing. Naguguluhan pa rin ako. Si Dillan ba talaga yun?

"Hey."

"Oh?"

"May problema ba?" he asked sabay upo sa tabi kong swing

"Wala naman. May iniisip lang."

"Ano naman yun?"

"Wag mo na alamin. Hahahaha."

"Ang bilis natin maging close. Dati di tayo nagpapansinan then dahil nahulog panyo mo nastart na kitang pansinin. Hahahaha." salamat sa panyo kong nahulog. Pero kasi mas nahuhulog ako sayo.

"Si Fiona pala? Kamusta?" pag-iiba ko ng usapan

"Hmmm? Ayoko pa ligawan. Nanghihina pa ang loob ko."

"Pero may tanong ako sayo. Kunyari ako may nagugustuhan akong tao anong dapat kong gawin? Umamin o hindi? Kasi feeling ko di naman niya ako gusto."

"Bago mo sabihin gumawa ka muna ng paraan Kaylee. Hindi yung susuko ka na agad. Malay mo gusto ka rin pero dahil di ka naman gumawa ng paraan eh di wala rin."

"Pero babae ako. That's a task of a boy!" natatawa nalang ako

"Pero walang mangyayari kung torpe kayong dalawa." sabi niya at tumawa

Ang saya ng kwentuhan namin pero nakalimutan ko nanaman. Nakalimutan ko nanaman na baka mas lalo nanaman akong mahulog sa lalaking kaharap ko ngayon. Na baka mas mahirapan akong umahon sa pagkakahulog ko sakanya. Ayoko.

"Aalis na pala ako." pagpapaalam ko

"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong niya

"Sa malayo sayo." syempre hindi ko sinabi yan. Pero yan ang gusto kong sabihin.

"May gagawin pa kasi ako." pagsisinungaling ko

"Samahan na kita." pagvolunteer niya

"Wag na!" sabi ko sabay takbo paalis

Siguro, mas mabuting hangga't maaga pa eh, lumayo na ako. Kasi kapag nalate na eh masasaktan na ako :'( Kaya Dillan, sorry kung kailangan ko ng lumayo.

---------------------

Hahahaha! Ganto ba talaga pag sa hearthtrob ka nainlove?

OO ata diba?

Kasi meron akong friend na ganyang ganyan. De jk. Di naman. Some parts lang. HAHAHA!

Naranasan ko na rin kasi magkaroon ng crush sa campus hearthrob at mahirap talaga. Kasi syempre di mo alam kung mapapansin ka ba. So nung naging mag kaibigan kami sobrang saya ko. Pero syempre unti unti ko rin siyang nilet go. Anyways! Di to tungkol saakin. HAHAHAHAHA!

Basta sana nagandahan kayo sa story ko.

Patuloy niyong subaybayan at basahin. Thanks.

I love you Campus Hearthrob!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon