CHAPTER 1: The beginning

4.8K 136 11
                                    

-Yumiko Champaigne Benz-

"Hoy babae! Sandali naman! dahan dahan lang, hindi ka naman tatakbuhan ng bulletin board." Mataray na angil ni Azia, ang kakabit bituka ko.

"Bilisan na natin please excited na 'kong malaman ang section natin." Ani ko, saka nagpuppy eye's sa harap nito. Isang malamin na hinga ang pinakawalan nito, na naging hudyat sakin para magpatuloy sa pagtakbo.

Bakit kasi ang laki nitong Acie Lee University? Haist!

"Excited ka ba talaga sa Section natin O excited ka lang malaman kung magiging classmate ba natin 'yong pinaka a-asam mong prince charming." Napahinto ako sa sinabi nya at tila biglang kuminang ang aking mga mata. Prince charming ko!

"Pwede bot- Aray huh!" Ang brutal talaga nito, hindi dapat tularan.

"Psh, patay na patay ka talaga noh..." Pagtataray nya, aba't!

"Talaga lang huh! Ako lang ba ang patay na patay sa crush? Ikaw hindi ba 't crush mo 'yong kakamba-

"Sh... may makarinig lang sa 'yo sasabunutan talaga kita! tara na nga!" Pigil nya sa sasabihin ko sana. Masyado kasing ina-alagaan ang 'Bitch figure' nya sa school namin. Kung bakit? Basta.

"Hoy nasaan si Kid?" Hila ko sa kanya pabalik. Iba nga naman talaga kapag malaki ang campus, hindi parin namin nararating ang lugar kung nasaan ang mga bulletin board.

"Ewan ko sa baklang 'yon, siguro magpapa-Grand entrance lang mamaya." Sabi nya sabay hila ulit sakin. Ang hinahanap ko ay si Kid gray Zamora ang lalaki 'kong best friend. Hindi sya bakla! Sadyang may saltik lang 'tong si Azia. Ang Gwapo kaya ni Kid, MVP pa sa basket ball.

"Andito na tayo, lutang ka na naman." Napabalik ako sa wisyo nang hablutin ni Azia ang buhok ko! Ngunit hindi ko na pinansin pa ang impaktang nasa tabi ko, nang makita ko ang bulletin board. Finally!

"Isubsob mo na lang kaya mukha mo d'yan sa bulletin."

"Tahimik." Suway ko kay Azia na kanina pa dumadaldal.

Busy kasi ako kakahanap ng Strand ko which is Science, technology, engineering and mathematics. Onting minuto pa at nahanap ko din!

"Wha!" Tili ko nang sawakas ay nahanap ko na ang pangalan ko.

"Shut up! your so loud." Inis na suway ni Azia.

STEM e1 (star section).

Girls:

Almarez, Betty. 

Benz, Yumiko champaigne. 

C...

F...

G...

Smith , Azia Brillania.

"Azia, classmate uli kita!" Ani ko na may kasama pang pagyugyog sa balikat nya.

"Ouch! Stop! Sa kasamaang palad alam ko na classmate muli kita, may bago ba?" Saka ito umirap.

"Grabe ka huh! I hate you!"

"Psh, tuloy mo na nga lang 'yang paghahanap mo." Oo nga pala! Wha! Agad ko s'yang tinalikuran at humarap muli sa bulletin.

Boys

Alfos, Jhon.
BAE, BLACK EROS. May pagcaps lock effect talaga hmp... purkit member ng Xicians! Teka tama ba nakikita ko? Isa sa myembro ng Xicians ay classmate ko! So hindi imposibleng classmate ko rin si...

"Oh my gulay! I cannot."

"Ano? Classmate ba natin?" Umiling ako na nanatiling nakatalikod sa kanya. Excited na ako! Pagkatapos ni Black ay si...

Caster, Liam. 

Dantry, Robert.

KIM, LUX ARIES. Pangalawa na!

Jal, Brint.

PARK, BLIX SHION. The heck! hihimatayin na ako. Nagbubunyi na pati mga intestine ko! Pikit mata. Hingang malalim. Dilat nang bonga!

PARK, DAVE CIELIX.

"Wha! Pwede na 'ko kuhanin ni Lord! Azia! Medic! Medic! Medic! I cannot!" nagtatatalon ako ngayon sa tuwa, wala na 'kong paki kung may manghusga man sakin. "Azia, classmate natin ang Xicians. Azia I love this year! I can't take it anymore. Promise mag-aaral na 'ko mabuti, gagawa na 'ko ng assignment, magpapasa na rin ako ng project tapo- *cough cough*

"Psh... Abnormal ka na nga exaggerated ka pa!"

"Hindi ka ba masaya? Classmate ko si crush, pati narin 'yong sa 'yo. Aray huh! Sumusobra ka na!"

"Tumabi ka nga dyan!" sabi nito sabay taboy sa 'kin or should I say... Sabay tulak sakin.

"Nanunulak ka ba agad!"

"Pwede ba! Titignan ko kung classmate rin natin si Kid, kaya manahimik ka!" Sabi ko nga eh, mananahimik na 'ko.

"Iyan pala e, oh classmate natin si Kid."

Zamora, Kid gray.

"Nandyan na 'yong Xicians!" Tila nabato ako sa narinig 'kong sigaw ng babaeng nasa tabi namin, shit nand'yan na ang Xicians!

"Azia narinig mo 'yon?" Para tuloy akong lumulutang dahil sa narinig at naisip ko.

"Obviously yes." Bored n'yang sagot.

"Narinig mo pala e! Ano pang ginagawa natin dito? Tara na! Yumikong maganda is on the way..." Masiglang sigaw ko nang maproseso na sa akin ng tuluyan. Okay lang rin naman sumigaw dahil wala ng tao dito at malamang nasa parking lot na 'yon, kaya kailangan ko pang bilisan. Dahil baka maunahan na'ko ng ibang babae.

Habang papalapit kami nang papalapit lalong lumalakas at dumarami ang naririnig ko.

They're here! Babe Eros ko! Si Lux nand'yan na! Baby ko, Blix! Shanaya be my girl! Ilan lamang 'yan sa mga nangingibabaw na papuri.

Shet a-asawahin kita Cielix!

"Tumabi ka nga!" Bulyaw, sabay tulak ko bahagya sa sumigaw na a-asawahin nya daw si Cielix. Abnormal ba 'to?

"Ouch!" Daing nya.

"Tse!" Pagtataray ko. Sabay hawi muli sa mga babae at mangilan ngilang lalaki na nakaharang sa harapan ko.

"Excuse me dadaan ako." Sabi ko sa babaeng nagsabing Cielix be mine! At sya nalang rin kasi ang kaisa-isa at katangi tanging nasa harapan ko.

"Dadaan ka? O hindi mo sila makita? Ang liit mo! doon ka sa dulo!" Bulyaw ng babae sakin.

"Anong sabi mo? Maliit si Yumiko ko! Kaya sa likod sya! Eh sa pagkakaalam ko ang maliliit ang dapat na nasa harapan!" Taas kilay na sigaw ni Azia.

Tumingin sakin 'yong babae pero binelatan ko lang sya. Walang pipiling banggain si Azia dito. Siga e, minsan nga naiisip ko. Tomboy ba 'to? Para kasi s'yang si Amber ng A love so beautiful.

Hindi lingid sakin na nakakaagaw kami nang mangilan ngilang atensyon. Kaya nagpeace sign lang ako, sabay pakita ng napaka ganda 'kong smile. As in labas gilagid. Kaya 'yon balik hiyawan muli sila. Sumaglit ako nang tingin kay Azia, sabay bulong...

"Thank you." Ani ko sabay harap muli sa limang naggagandahang sasakyan na nakaparada sa harap ko.

Nandito na sila. Ang Xicians!

---

Edited!

11 Ways Para Mapansin Ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon