CHAPTER 4: Her plan.

1.9K 84 8
                                    


-Azia Brillania Smith-

"Ano ba kasi 'yon? Ang gulo mo! ingungudngod na kita sa ice cream ko!" Kanina pa 'tong babaeng to eh, si Yumiko lang ang kasama ko ngayon si Kid kasi pinatawag ng coach nila.

"Ano kasi e... may itatanong ako." Paulit-ulit! Kanina nya pa sinasabing may itatanong sya. Pero wala naman, kung hindi ko lang kaibigan ito naupakan ko na 'to.

"Ano kasi... ahm... an—"

"Ano ba kasi 'yon!" Inis na sigaw ko. "Kung hindi ka magsasalita pwede ba lumayo ka na lang at baka mabunutan kita ng bagang."

"Ito na nga, ang brutal mo talag—

"Deretsuhin mo na 'ko!"

"Lapit ka." Ani nya sabay senyas na lumapit ako.

"Wow Ako pa lalapit. Ikaw na nga 'tong may kailangan." Sabi ko saka isinubo ang fries, napakamot ito sa batok saka napipilitan tumayo at lumapit sakin. Dahil nauuhaw ako ay uminom ako, kaso wala sa sariling naidura ko ito lahat, dahil sa kanyang ibinulong.

"Are you okay?"

"Seriously Yumiko? Kakaiba ka talaga psh." Naiiling ko na sabi. 

"Oo naman, sige na please. Paano nga?" 

"Abnormal ka? Anong alam ko sa pagpapapansin sa crush na 'yan!" Ang binulong nya kasi sakin kanina ay Paano magpapansin kay crush. E anong alam ko do'n. NBSB ako, No boyfriend still beautiful!

"Bilis na..." Pamimilit nito.

"Are you insane?" Tanong ko pero agad syang umiling, mukhang seryoso nga sya.

"Azia please, help me." 

"Wala akong alam sa ganyang bagay Yumiko, saka ganyan ka na ba, ka-Obsessed sa C na 'yon."

"Hindi naman." Nakatungong sagot nya. Hindi daw, aist bakit ako nagkaroon ng kaibigang baliw.

"Talaga bang hindi? Kung hindi nga, bakit kailangan mo pa magpapansin? Kung pwede naman tanawin mo na lang sya sa malayo." Tulad ko, nakatanaw lang.

"Iyon nga Azia e, gusto ko lang na mapansin ako ni C."

"Ewan ko sa 'yo Yumiko, ang gulo mo." 

"Azia please... mapansin nya lang ako. Okay na 'ko."

"Yumiko, hindi gano'n kadali 'yon. Paano kung ma-inlove ka at sobra pa sa mapansin ang hilingin mo." Tama naman ako hindi ba? Mahirap makuntento sa isang bagay na gustong gusto mo.

"Azia." hindi na lang crush ang nararamdaman nito. Sigurado akong sobra pa. Sobra pa sa crush.

"Ano bang balak mo? Magpapansin lang?" Tumango sya. "Paano kung mahulog ka sa kanya nang sobra at mahulog din sya. Ano na ang  mangyayari huh! Alam kong alam mo na, masasaktan lang kayo kapag nagkataon." Ngayon pa lang naiisip ko na ang kahihinatnan nito. Dalawang salita ang bumabagabag sakin, delikado at takot.

"Azia, wala akong pakialam kung masaktan ako."

"Paano sya? Paano pagminahal ka nya huh! Iiwan mo?"  Prangka kong tanong.

"Hindi, hindi ko sya iiwan pagminahal nya ako Azia, lalaban ako hanggang sa makakaya ko." Napahilot na lang ako sa aking sintido, dinaig ko pa ang CEO na namomroblema sa kumpanya. Pero kung tatangihan ko sya baka mawalan sya tuluyan nang pag-asa para lumaban. Ang kaso kung papayag ako lalaban sya sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Angulo bahala na si batman!

Tinitigan ko sya nang maigi at tingin ko naghahanap sya ng taong kakapitan o magiging inspirasyon para lumaban. Bahala na kung saan ito tutungo.

"Sige, pumapayag na 'ko but please Yumiko, know your limitations."

11 Ways Para Mapansin Ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon