CHAPTER 49 love of cielix

1K 57 9
                                    

Cielix P.O.V.

ISANG TAON na ang lumipas at paulit-ulit nalang ang bagay na nangyayari sa akin araw-araw, ito nga't nag mamaneho ako papunta sa hospital kung saan naka confine ang stitch ko o mas tamang sabihin doon na sya tumira.

Sa lumipas na taon ang daming nag bago unang una nasa second semester na kami ngayon ng grade 12 at ilang buwan nalang ay Ga-graduate na kami nakaka lungkot nga lang na hindi namin kasabay si yumiko. Sa isang taong lumipas ay andaming naging problema at lalong naging mahirap para sakin dahil kailangan kong pumasok sa paaralan at iwan panandalian ang aking minamahal. Hindi na sana muna ako mag e-enroll noon ang kaso humiling si yumiko na ipag patuloy ko ang pag a-aral ko at dahil masunurin ako ay pumapasok ako sa umaga at pag tapos ng klase kay yumiko ang tungo ko para alagaan sya. Nakaka pagod? Oo... sobra, minsan nga iniisip kong sumuko nalang dahil sa tuwing nakikita ko ang pag babago sa kanya ay para akong hinahati sa dalawa. Lalo na't sa loob ng isang taon ay wala parin kaming mahanap na capable para pumalit sa puso nya at habang tumatagal ay lalo na syang nang hihina, hindi na sya nakaka pag salita ng maayos at hindi narin sya maka-kilos dahil para na syang tinangalan ng laman at buto nalang ang itinira, lubog ang pisngi, nakalbo dahil sa kawalan ng sustansya sa katawan at higit sa lahat hindi na maaring tangalin ang oxygen na nakakabit sa kanya dahil once na matagal iyon ay mangyayari ang bagay na kinatatakutan at pinaka ayaw kong mang yari. 

Nandirito na ako sa hospital na pag mamay-ari pala nila kid, tinungo ko ang backseat saka kinuha ang bagong bili ko stitch na teddy bear maniwala man kayo o sa hindi yung hospital room ni yumiko ay punong puno ng stitch at kung hindi lang sya nakaratay ay i-isipin mong isa iyong collection room.

Tumungo ako sa elevator at agad pin-ress ang botton kung saang floor ako baba. Sa dami naming nag mamahal kay yumiko ay ang kwarto nya ang pinaka malaki na tipong dinoble ang laki ng kwarto ng iba. Sa labas palang ng pinto ay rinig ko na ang tawanan ng mga kaibigan at kapamilya ko.

Oy kambal... bati sakin blix na naka akbay sa "yakult" kuno nya.

Nanuna pa kami sayo kuya saan ka paba nag punta? Tanong sa akin ni rix.

Bumili lang ng sti-

Oo na dude alam na namin yan bumili ka na naman ng stitch na stuff tsk kulang nalang pati mga nurse at doctor dito ay pag suotin mo ng stitch na uniform para sumaya yang STITCH mo haha...

Manahimik ka nga lux. Suway ng kasinatahan nyang si kisha.

Nagugutom nako. Rinig kong ani ni azia saka yumakap kay blix hindi ko inakala na a-abot sila sa ganto yung tipong hindi na mag bibitaw at silang lahat ang dahilan kung bakit rin ako patuloy na lumalaban At kinakaya lahat ng problema.

Kaka-kain lang natin kanina yakult ko gutom ka na naman. Kita ko pa kung paano pisilin ni blix ang ilong ni azia tsk. Alam ko na kung saan nag mana si blix... kay dad ang corny haha.

Masanay ka na dyan blix ubos talaga laman ng bulsa mo dyan haha. Pag gatong ni kid.

Hoy kid wag kang epal huh! Daing ni azia. Naiiling nalang akong tumungo sa pwesto ng mahal ko at iniwan silang nag babangayan na naman.

Hi sa pinaka magandang babaeng kilala ko sa balat ng lupa. Saka ko sya hinalikan sya noo. Kahit ang sakit makitang nahihirapan sya ay pinakikita kong malakas ako at andito kami para sa kanya at para lumaban din sya. Itinuro nya ang white board na nasa paanan nya. Hirap na syang mag salita kaya't mina buting idaan nya nalang sa sulat ang sasabihin nya kahit napaka bagal.

Hi sa gwapo kong mosh. Ayan ang kanyang isinulat.

Tsk. Alam ko nayun matagal na haha. Pagbiro ko pa. Saka nga pala i have something for you Charan. Saka ko ipinakita ang stitch na bitbit ko. At nakita ko naman gumalaw ang kamay nya at sumulat.

Thank you mahal ko...I love you.

I love you too. Sabi ko saka sya nginitian ng napaka tamis i really love this girl. Kamusta araw mo nag ingay lang ba tong mga ugok na yan dito. Saka ko itinuro ang maiingay naming kaibigan. Dahan dahan syang umiling at kita ko ang saya sa kanyang mga mata. Buti naman sabihin mo lang pag naiingayan kana sa kanila at ipapatapon ko yang mga yan sa labas. biro ko alam ko namang kasi sa mga kaibigan nya din sya humuhugot ng lakas.

Dinadamay mo na naman kami dyan kambal napaka tahimik naming mga bata. Singit ni blix sa pag u-usap namin saka ang bait bait kaya namin.

Bait lang blix, Bait bait mamaya kunin ka ni lord haha. Saad ng kapapasok lang sa loob ng pinto.

Epal mong vhet ka baka gusto mong ikaw ihagis ko papuntang langit. Pag tatangol ni azia kay blix na naka nguso tsk bading na haha. Sa lumipas na taon ay naka palagayan rin namin ng loob si vhet kaso may mga oras talagang malakas syang mambanas.

Ngiting ngiti ka ata ngayon vhet, anong meron? Usisa ni azia.

Bakit hindi ako ngingiti haha. Basta mamaya antayin natin si tita margarita. Sabi nito saka inihiga ang sarili sa couch na malapit sa kanya. Tulog muna ako nakaka pagod din yung ginawa ko. Saad nito saka pumikit.

Alas quatro na pala ng hapon kain muna kami. Paalam ni blix

Sama na kami... ani ni rix kuya ikaw may ipapa-bili kaba? Tanong nito sa akin umiling lang ako at saka sila nag labasan lahat. Nilingon ko si yumiko na naka titig lang sakin.

Stitch ko pahinga ka muna huh! May gagawin lang ako pero babalik din ako agad. Sabi ko dahan dahan naman itong tumango saka ipinikit ang mata hinintay ko muna ang ilang minuto bago ako tumayo at tinungo ang bag ko saka kinuha ang mga flyers na pini-rint ko. Tuwing hapon o pagabi na ay lagi akong umaalis at nag pupunta sa mga matataong lugar at lingid yoon sa kaalaman nilang lahat saka pangatlong araw ko palang naman itong ginagawa.

Bumalik ako sa pwesto ni yumiko saka sya hinalikan sa noo. Lahat gagawin ko makahanap lang ng puso na ipapalit kay yumiko at kahit libutin ko ang buong maynila kaka bigay ng flyers na nag lalaman na nganga-ilangan kami ng pamalit puso kapalit ay malaking halaga ay ginagawa ko. At wala narin akong pake kahit pa hindi legal ang pag a-alok ko nito. "Buhay para sa pera" nga ata ang tawag sa alok ko.

Lumabas ako ng hospital at nag tungo sa pinaka malapit na lugar na kung saan maraming tao ang nag daraanan, pi-nark ko ang sasakyan ko sa tabi saka ako lumabas. Maliit lang itong flyers nato at mapag kakamalan mo pang isa itong calling card.

May mga taong tumatangap sa binibigay ko meron din namang hindi ako pinapansin naka suot rin kasi ako ng hood at halos balot na balot nako para lang hindi ako makilala. Halos isang oras ang ginugol ko para lang maubos ang flyers ko. sana kahit isa man lang sa mga pinag-bigyan ko ay makatulong sa problema ko.

Pumasok ako sa sasakyan ko at saka kinuha ko ang phone ko at iba ang gulat ko ng napaka raming missed  calls at unread messages ang natangap ko. Hindi nako nag abala pang basahin iyon at nag tungo na agad akong hospital wala akong sinayang na oras at ganun nalang ang pag tataka ko ng lahat sila ay naka tuko...

Bakit?... kinakabahang tanong ko. Lumapit sakin si mom saka ako niyakap gusto ko ng maiyak dahil kinakabahan ako lalo na at naka pikit si yumiko. Mom...

Anak... wag kang mabibigl-

Mom please sabihin mo na agad.

Nakahanap na kami ng mag do-donate ng puso para kay yumiko at sa susunod na araw ay isasa ilalim na sya sa operasyon. Tila nabingi ako sa sinabi ni mom at pilit kong pino-proseso ang mga sinabi nito.

Whaaa SALAMAT LORD... malakas kong sigaw ng ma proseso sa akin ang lahat niyakap ko ng pag kahigpit higpit si mom.

Ang ingay mo anak nagising tuloy si yumiko. Sabi ni dad pero hindi ko sya pinansin lumapit ako kay yumiko saka sya hinalikan sa noo.

Narinig mo bayun stitch ko, may ipapalit na sa puso mo gagaling kana. Sabi ko pa saka sya niyakap. Tumulo ang kanyang luha at hindi ko alam kung para saan iyon. Luha ba ng saya? O may iba pang dahilan pero bahala na niyakap ko syang muli at binulong ang katagang. Mabubuhay ka stitch ko...

------
Wait for my next update
UNEDITED
KAMSA

Leave VOTE, COMMENT & FOLLOW

© ATENGLEE

11 Ways Para Mapansin Ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon