CHAPTER 3: Unang hirit!

1.9K 85 4
                                    

-Yumiko champaigne Benz-

"Bilisan na natin baka nandyan na 'yong lecturer." Sabi ko habang hila sila Kid at Azia. Ahm ene kese mey neelele eke hehe... lakad, takbo, hakbang. Ganyan ang eksena namin. Bakit kasi sa fourth floor ang room namin.

"Psh, lecturer, lecturer! Dahilan mo! Nagmadali ka lang kasi classmate natin ang Xician." Pagtataray na naman ni Azia. Ang sarap isigaw na ako lang ba! Kaso 'wag na baka mamaya gumulong gulong ako pababa sa ground floor at mabawasan ang magaganda sa mundo mahirap nah aha...

"Siguradong wala pang lecturer." Napalingon naman ako kay Kid dahil sa sinabi nya. Tinuro nya ang classroom namin gamit ang nguso nya.

Nanlaki ang aking dalawang mata sa nasilayan ko, parang ukay-ukay ang classroom namin kung saan pinagkakaguluhan ito dahil sa murang bilihin. Kung taklesa lang ako sumigaw na 'ko nang. Classroom naming 'yan! Magsilayas kayo! Kaso bilang kauri ni Maria clara tahimik na lang ako.

"Excuse me." Sabi ni Kid sa mga babaeng nakadungaw sa pinto at bintana naming. Isa lang ang dahilan nyan, nasa loob na ang Xician. Pero bakit ang aga nila ngayon? Ano 'yon bagong buhay.

"Out." Naalarma ako sa narinig ko, 'yong malamig at baritonong boses. Alam ko kung sino nagmamay-ari non. Si C!

"Please... isa lang." Batid kong boses 'yon ng isang babae, kaya walang pakundangan 'kong pinagtu-tutulak ang mga nasa harapan ko. No one can touch my C! By the way C is short for Dave cielix. Ayaw na ayaw n'ya kasing tinatawag sa buong pangalan. Kaya C na lang.

Nang tuluyan akong matapat sa pinto, gano'n na lang ang gulat ko nang ang bumungad sa'kin ay babaeng nakaluhod sa harapan ni C.

"Out." Kalmado paring sabi ni C, kawawa naman 'yong babae.

"Isang picture lang please..." OMG! Para sa picture nakaluhod sya d'yan. Juiceme! Kahit ako ay patay na patay kay C ay hindi luluhod sa harap nito para lang sa picture! Luluhod lang ako kapag nagpropose na 'ko hehe... Pero nakaka-awa parin ang babae dahil hindi man lang sya pinapansin ni C. Na touch ako dun, ibig sabihin loyal sakin si C. Charing!

"Don't be so desperate woman." Sabi ni Eros habang ang muka ay nakaharap parin sa libro na halata namang binabasa nya.

"Ayoko. Isa lang C please." Pagmamatigas ng babae.

"Baby sabi ni C, Out. Labas daw baka hindi mo naiintindihan." Pangiinsulto ni Lux. "Saka baby..." 'yan! ganyan si Lux paghindi alam ang pangalan ng kausap nya baby ang tawag. "Alam ko, na alam mo ang dahilan kung bakit ayaw nyang mag pa-Picture. Kasi ayaw nya na maulit yung dating nangyari. Gets mo? Kaya lumabas kana, hindi ka naman naming classmate." Prangkang sabi ni Lux.

Oo nga pala noon kasi may nagpa-Picture kay C, e ang loka lokang babae pinagkalat ba namanng boyfriend nya 'tong future boyfriend ko. Charing haha... kaya ayon ayaw nya na uli magpa-Picture sa mga babaeng patay na patay sa kanya.

"Saka alam 'kong higit pa sa picture ang kailangan mo sa kambal ko..." Sabat ni Blix habang may subong lolly pop at may ngisi sa labi. Kahit talaga banas ako sa lalaking ito ay ang cute pa din sa paningin ko. "diba?" Duktong ni Blix, pero hindi parin nawawala ang ngisi nya. "Silence means yes! Haha..." E, ano daw hindi ko nagets. "Huwag ka na umasa tsk. Look at your self ang pangit mo! Mukha kang poste na sinuotan ng palda haha..." 'yan ang bagay na ayaw ko kay Blix. Mapanglait! "Hindi ka babagay sa kambal ko lalo na 't gwapo sya, mas gwapo nga lang ako bwahaha..." Na paface palm nalang ako, Okay sya lang natawa. "Sabi ko nga, mas gwapo si kambal. Pero kahit na! Ang Gwapo ay para lang sa magaganda at kapag ang gwapo nagkaroon ng girlfriend ng pangit. Labag sa batas ng mga gwapo 'yon! Kasi ang ibig sabihin nun, ginayuma nyo kami haha..." Nagtawanan naman ang mga katabi ko dito sa labas, akala mo kaygaganda nila! Ito namang Blix na 'to kung makapanglait kala mo gwap- ay gwapo pala talaga. Pero kahit na aist... bahala na nga.

11 Ways Para Mapansin Ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon