CHAPTER 50 Forever!?

1.3K 68 33
                                    


CIELIX P.O.V.

ILANG minuto nalang at sisimulan na ang pag operang gagawin sa stitch ko. Buong mag damag akong nag dasal at halos kalahati na ng mapag himala ang natawag ko para lang hilingin na maging sucessful ang operation na gagawin sa kanya.

Andito kaming lahat sa loob ng private room ni yumiko, ang ilan samin ay mababakasan mo ng pag ka-kaba pero pilit tinatakpan ng ngiti para mapalakas ang loob ni yumiko.

Narinig namin ang pag pihit ng pinto kaya natuon kaming lahat doon.

Thirty five minutes... naka ngiting sabi ng doctor. Natahimik kaming lahat pero agad ring binasag ni azia.

Hoy bruha ka-kayanin mo huh! Pe-pektusan talaga kita. Pag kasabi nya noon ay hindi na nya napigilan pang umiyak at agad rin naman syang niyakap ni blix.

Y-yumiko fight fight fight lang huh! Ani ni rix. Huwag mkng i-iwan kuya ko.

Hoy cham! Sabi mo nung mga bata pa tayo sabay tayong tatlo nila azia tatanda at mag kaka pamilya, subukan mo lang hindi tuparin yun at makaka-tikim ka talaga ng kutos sakin yung malutong. Sabi ni kid saka inakap si yumiko tumabi ako ng bahagya para bigyan silang lahat ng space. Si lux at kisha naman ang tumayo at may iniabot silang stitch na key chain.

Hello kitty panty dapat gumaling ka huh! Kase nako pag ikaw bumigay itong si cielix sigurado akong mam ba-babae yan. Napansin ko naman ang pag kunot bahagya ng noo ni yumiko na aking ikina tuwa dahil patunay ito na may pake sya sa mang yayari sa akin.

Sorry ulit yumiko sa pagiging sagabal ko noon huh! Ani ni kisha saka sya bumeso sa pisngi ni yumiko. Gusto kong mainis kasi halos lahat sila nakiyakap at nakihalik na pero hindi bat ang sama ko naman tsk. Baliw nako.

Oyy! Yow yumiko haha pagaling ka yun lang paakap naman.

Hoy subukan mo. Saka ko hinarang ang katawan ko ng ya-yakapin ni vhet si yumiko huwag ka ng yumakap hindi ka mukang sincere.

Tss. Danot mo. Saka ito padabog na lumapit sa mga kaibigan namin.

Labas na kami kambal! Tinanguan ko na lamang si blix Saka sila nag silabasan. Ngunit na-natiling nandirito ang parents namin ni yumiko.

Anak iwan muna natin sila rito at ikaw nalang siguro ang huling kuma-usap kay yumiko. Suhestiyon ni mom tumangi na lamang ako.

Babalik ako stitch ko. At saka ko sya ginawaran ng isang halik sa noo. Tita, tito labas po muna ako. Pag paalam ko tinanguan lamang nila ako saka na ako lumabas. Pag kalabas na pag kalabas ko sumalubong sakin ang mga kaibigan at kapatid kong umiiyak maski si mom ay humihikbi na pwera lang kay black na natutulog. Kay langan kong mag paka tatag para sa kanilang lahat.

Binagtas ko ang daan para maka-upo ng hindi ko sinasadyang masanga ang babaeng dumaan at nahulog ang basong hawak nya. Lahat kami napatigil at napa-tulala sa basag basag na baso ka-kaibang kaba ang hinatid noon kaya hindi ko na nagawa pang humingi ng tawad hanggang may dumating na namag lil-inis nito.

Tahimik kaming lahat na naka-upo ng lumabas na ang mommy ni yumiko at daddy nyang umiiyak. Nilingon nila ako na nag pa-pahiwatig na ako na. Binigyan pansin ko ang relo ko at sampung minuto nalang ang naritira.

Mabibigat ang paa kong tinungo ang taong mahal ko.

S-stitch ko... ng mag katinginan kami ay doon na bumagsak ang luha ko. Hindi ko maita-tanging natakot ako dahil sa nabasag na baso. Iginalaw nya ang kamay nya na nag sasabing lumapit ako kaya iyon ang ginawa ko , itinuro nya ang white board na nasa paanan nya kinuha ko ito at iniabot ko sa kanya...

11 Ways Para Mapansin Ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon