F O U R

925 36 0
                                    

A/N: Sabaw update for everyone pero I'll try na bumawi sa next chap.

~Stay Cheeky

***********



ZARIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ZARIA

Hindi ako mapakali at hindi rin makapagconcentrate sa binabasa ko, nandito ako ngayon sa library. Kanina kasi habang kumakain kami ng dinner ni Shadow, may nakakitang kakilala niya and niyaya siya sa isang private party sa bahay nito. 

Niyaya rin ako nito, I also know him pero hindi kami magkaibigan. Marami lang kaming common friends, sasagot na sana ako at papayag dahil pumayag na si Shadow ng unahan ako nito at sinabing hindi ako makakapunta at may gagawin pa. 


He explained kung bakit niya ginawa yun, and he said na alam niya namang hindi ko naman maie-enjoy yung party kasi hindi ganun ang mga gusto kong puntahan. I agreed kasi tama naman siya so he just promised he'll be home before midnight. 

Pero maga-a las dos na wala pa rin siya at ni walang paramdam. I know na hindi naman ako dapat nagwo-worry dahil malaki na siya at wala akong karapatang magalit kung gabihin man siya pero hindi ko maiwasang mainis dahil na rin sa nangako siya at sinabi pang maghintay ako dahil sasamahan niya akong manood ng movie.  


Napahinga ako ng malalim, at napatitig sa kawalan. Then tumayo ako at mabilis na naglakad papunta sa kwarto ko, I decided na pumunta na lang sa party. I tried calling him pero hindi pa rin siya sumasagot. 

Napabuntong hininga na lang ako bago ako may maalala. Mabilis ko siyang tinawagan dahil siguradong wala pa yun sa party at nag-aayos pa lang.


"Hey Z, how can I help my dearest bestfriend?!" Malakas at jolly na bati ng isang boses sa kabilang linya.  Ivy Benson ang isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan, siya ang tinawagan ko dahil siya ang kaibigan kong sobrang mahilig sa party. 


She loves partying na halos umuwi na lang siya para matulog sandali at maligo tapos may ibang party na pupuntahan. Palibhasa pinapabayaan siya ng parents niya dahil hindi naman siya ang tagapag mana ng negosyo nila. And yes, she's not a princess. 


"I need your help about something.." Panimula ko at narinig ko na ang signature laugh niya.

"Zaria Mikaelson, needs my help? Now that's a first count me in!" Pagpayag niya, napangiti naman ako. 


"Thank you V, I'll wait for you." Pagkababa ko ng tawag binalik ko ang tingin sa napakarami kong damit. 


My Kingdom For A Kiss (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon