S E V E N

826 32 2
                                    

A/N: Imagine the picture above at yung sa baba parehas lang ang shades ni DJ. Hahahaha.

~UNEDITED~

~Stay Cheeky


THORNE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THORNE

Of course dahil sa excited akong makasama si Geraldine na kaming dalawa lang, hindi pumasok sa isip ko ang kailangan kong tiisin for me not to jump her. 

When we got to the island, isang resthouse ang bumungad sa amin. It's a two-floor rest house at ang interior nito at mostly blue and white. 


At dahil wala naman kaming masyadong dala, mabilis kaming natapos sa pag-iimpake sa kanya-kanya naming kwarto. Kaya naman nagyaya si Geraldine na maligo na lang muna sa beach, at dahil mahilig ako sa mga beach mabilis akong umoo.

Kaya naman ito ako nasa kwarto ko at nagpapalit ng pwedeng pangligo. Iniisip kung paano ko malalgpasan ang araw na ito ng walang ginagawang kasalanan. 


Paglabas ko sa sala, wala pa si Geraldine kaya naman naghalungkat na lang ako sa mga cabinets at banyo kung may sunscreen ba silang naitago.

Good thing meron, fully stocked na ang bahay kaya ang kailangan na lang naming at mga damit at konting dagdag sa pagkain.  


"I'm ready." Sabi ng boses mula sa likod ko nakaupo kasi ako dahil kumukuha rin ako ng mga towels.

"Do you want to have a boat ride--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng pagharap ko sa kanya, napatitig ako sa suot niya. 


She's not even wearing a  bikini, she looks decent enough but still she managed to look hot. Kitang-kita ko ang pulang one piece niya sa ilalim ng itim na sarong na suot niya. 

She's smiling at me pero unti-unting nawala yun ng mapansing hindi ako nagsasalita. 


"Shadow? Okay ka lang, sure. I never tried that before." Ngumiti ako at tumango.

"Then it's a good thing ako ang kasama mo. Marami kang masusubukan na bago kapag ako ang kasama." Sabi ko kalaunan.


"Let's go?" Yaya niya, hinila ko na lang siya palabras. I smiled, hawak ko na naman ang kamay niya.  


Wala naming ibang tourist ditto dahil nga private islang ito, pero hindi ibig sabihin wala ng titingin sa kanya.

Yung mga staffs na naiwan ditto, Lalo na yung mga lalake lahat napatitig sa kanya. Dahilan kung bakit mas humigpit ang hawak ko sa kanya. 

My Kingdom For A Kiss (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon