A/N: Here is the third chapter, medyo fast paced ang story but I hope okay lang siya!
Comment what you think and votes are very much appreciated! Malapit na pasukan kailngan ko ng gumawa ng drafts para hindi na mauli sa dati na matagal ang update.
~Stay Cheeky
**************
ZARIA
Maaga akong nagising dahil sa sobrang dami ng nasa schedule ko ngayon. Hindi ko alam kung ano bang nasa isip ko nun inaayos nila ito na pinagsama-sama ko silang lahat sa isang araw, medyo sabog yata ako nun.
Kaya naman no choice ako kung hindi maagang bumangon para mag-ayos. Habang nagbibihis ako, I decided na wag na lang munang mag-make up at feeling ko nangangati pa ang mukha ko sa mga nagamit ko kagabi.
After kong masigurado na maayos na ang itsura ko, bumaba na ako para sabayan sila sa pagkain ng breakfast.
Pero nagulat ako dahil nandun si Shadow, with his parents. Nakalimutan kong dito nga pala sila magste-stay. Ang alam ko kasi inaayos na nila ang arrangements patungkol sa kasal namin.
"Goodmorning po." Magalang kong bati sa kanila at tahimik na naupo sa pwesto ko, na saktong sa harap niya. Bigla tuloy akong nagsisi na hindi man lang ako nakapag-lipstick or kahit pulbo man lang.
"Oh, gising ka na pala hija. Kamusta naman ang tulog mo?" Masayang bati sa akin ng mommy niya.
Pinunasan ko na muna ang bibig ko gamit ang napkin, bago ako sumagot.
"Okay lang po, I was very comfortable. Medyo napagod lang po yata kagabi." Sagot ko at napatango-tango naman siya.
"Zaria, I heard tight ang schedule mo ngayon? Ano ka ba naming bata ka, pinapagod mo ang sarili mo. And did you forgot na nandito sila Prince Thorne? They came here to meet you at mas makilala ka tapos mawawala ka buong araw? Why not cancel some of them?" Tanong naman sa akin ni mommy. Napatingin ako sa mga pagkain ko, here she goes again papagalitan na naman ako sa harap ng mga bisita.
"I didn't mean for this to happen, I'm very sorry queen and king. But hindi ko po talaga pwedeng icancel ang scheds ko ngayon mom, they are all very important to me. Mga charity and volunteering events lang naman yun tsaka isang pictorial. You know I hate canceling dahil umasa na sila sa akin, and I cant let them down. I hope you understand." Paghingi ko ng umanhin sa kanilang lahat.
"That's no problem princess. Naiintindihan namin and we admire your dedication. Ganito na lang sasama na lang si Thorne sayo buong araw para na rin mas makilala niyo ang isa't isa. And malalaman niyo rin kung anong madalas na ginagawa ng isa sa araw-araw." Pagpapa-alam sa akin ng papa niya.
Napatingin ako kay Thorne na gulat na nakatingin sa papa niya, mula kanina tahimik lang ito at nginitian lang ako noong una akong bumati. Pero hindi naman lingid sa kaalaman ko na tinititigan niya ako kanina pa.
"Okay lang po sa akin. But I don't think magugustuhan ni Shadow na bumuntot lang sa akin. Mas okay po yatang mamasyal siya tutal I heard na first time niyang bumisita dito sa Legelithiel." Pagpayag ko at sinubukan na rin siyang iligtas sa isang boring na araw. Napatingin naman silang lahat sa akin at parang may sinabi akong mali dahil nanlalaki ang mata nilang nakatingin sa akin, lalo na ang parents niya.
BINABASA MO ANG
My Kingdom For A Kiss (K.N)
Fiksi PenggemarRoyalty Series 1: My Kingom For A Kiss Zaria Geraldine Mikaelson is a 'too good' to be true real life princess. She grew up with the responsibility of being the next queen. She knows that before she can rightfully take her throne she would need to b...