S I X

777 33 5
                                    

A/N: I don't think magiging kasing haba to nung mga nauna but still I hope you like it!

Votes and comments po ulit thank you!

How are you liking the story so far? At kung ano ang gusto niyong idagdag ko at medyo bawasan ko?

~Stay cheeky

***********

THORNE

Maaga akong nagising, hindi naman kasi ako maayos na nakakatulog ditto, dahil naninibago ako sa lugar. 

At dahil wala pa akong magawa, masyadong maaga pa para lumabas hinalungkat ko na lang ang mga gamit na dala ko. 


Then I noticed something, yung inabot sa akin dati ng council. Ang file ni Geraldine, natatawa ako dahil nung una kong matanggap yun ang sabi ko pa wish na lang nila na basahin ko ito. Pero ngayon hindi pa ako magkandaugaga sa pagbukas nito. 

I started scanning the files, at habang binabasa ko yun nagtataka ako ng nagtataka. Yung mga informations ditto, parang hindi naman yun ang Geraldine na nakilala ko nitong mga nakaraang araw.


In here, they said she loves dogs and cats, she loves going to the mall with her friends and going to vacations with them, she sometimes participates in charity events. Siya rin ang nangunguna sa listahan ng pinakasikat na prinsesa dahil nagmo-model daw ito. 

Nang marealize kong hindi si Geraldine ang gumawa nito, sinara ko na lang. Parang pangalan niya lang ang natama eh. I realized na ibang-iba pala ang tingin ng mga tao sa kanya, kahit pa ang mga taong nakita ang paglaki niya. They mostly saw her shallow side hindi nila tiningnan ang pinakailaliman ng pagkatao niya. 


They only know about the ZARIA who loves taking vacations with her friends, the one who adores puppies, the one who models. Hindi nila kilala yung ZARIA na kilala ko, na halos lahat ng nasa schedule at volunteering hours at charity events, and kahit na nagmo-model eh sa iba pa rin napupunta ang kikitain niya.

Maybe that's just how people are, masyado na silang nahilig magstereo types kaya hindi na nila pinapansin yung ibang makikita sa tao. 


Napabuntong hininga na lang ako bago bumangon para makapaghanda na sa araw na ito. 


~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

ZARIA

Maganda ang gising ko dahil na rin sa mga nangyari kahapon. That was the most fun I had this past year, nakalimutan ko na yata kung paano mag-enjoy and Shadow reminded me of that. 

Mabilis akong naligo at nagbihis, although nagtataka. Hindi pa naman oras para kumain ng breakfast pero pinapatawag na ako ng parents namin.


I have a feeling na may sasabihin na naman ang mga yun at siguradong nakakgulat na naman yun. Mahilig pa naman yun makaisip ng mga kalokohan, Lalo na ang parents ko. 

One time they set me up with someone at pinagkatulakan kaming magbakasyon sa isnag private island. Buti na lang at after two days, I found a way para makapagpasundo. The guy was a total creep. 


Paglabas ko nakasalubong ko pa si Shadow na pababa na rin.


"Hey, bakit tayo pinapapunta ng maaga? Have any ideas?" Tanong niya at humalik sa noo ko. Sabay na kaming naglakad pababa, nagkibit balikat lang ako.

"Not sure really, last time they tried to set me up with a guy at muntik na akong makulong sa isang private island. Good thing I found a way to escape." Kwento ko expecting him to laugh at my unfortunate experience pero mukhang dumilim lang ang mukha niya. 


"You were alone with a guy?" Tanong niya, at nagets ko naman kung bakit ganun ang reaction niya but I didn't expect anything like that from him.

"Only for two days." Umiling na lang siya at hinila ako paupo, nandun na ang parents naming na may malalaking ngiti sa mukha. 


"Hey mom, dad. King and queen, good morning ." Bati ni Shadow sa kanila, ngumiti lang ako. Imbes na maupo siya sa tapat ko pwumesto siya sa tabi ko. Mukhang wala lang naman yun sa kanila dahil nagkatinginan lang sila.

"Goodmorning, how was your sleep? I heard na almost buong araw kayong nasa labas kahapon, what did you do?" Tanong ng mom niya.


"Namasyal lang po kami sa mall then went to a picnic." Sagot ko and didn't give out any more details. 

"That's good, it shows that you're getting along well. That's why we all decided for the both of you to have this little treat." Napatingin ako kay mom na mukhang kinakabahan sa sasabihin niya. 


"Mom, whenever you say treat that usually means an awkward situation for me." Kinakabahan kong sabi, napatingin ako kay Shadow. Wala naman siyang kahit anong pagbabago sa reakction niya. 

"We decided to send you both to a our rest house in one of our islands. Napagkasunduan na namin yung apat, even both sides of the councils agreed. Kaya lang wala kayong alam sa pupuntahan niyo because you'll be blindfolded the whole trip. Isn't this exciting?" Excited na sabi ni mommy. 


Napatayo ako, at agad na umiling.


"Mom, this is ridiculous! For the second time, really?! Shadow!" Tawag pansin ko sa katabi ko na wala man lang ginagawa. Napatingin siya sa akin at tumingin pabalik sa parents namin.

"Sure, send us as far away as possible. I'm excited too." Nakangiti niyang pagpayag, dahan-dahan akong umupo. Hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya na parang excited nga siya. 


Pumalakpak naman ang mommy niya.


"Great, pack some things pero wag niyo ng damihan may mall naman sa island na yun. You can spend sometime bonding when shopping. Inn an hour meet us down here, aalis na kayo today." Utos ng mommy niya, wala akong nagawa kundi tumango at sumunod.


Kasunod ko lang si Shadow habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ko, tahimik lang kami hanggang sa bigla siyang nagsalita.


"Don't worry, I'll find a way to make this fun for the both of us. Hindi ko hahayaang mabored ka kasama ko. Trust me." Napahinto ako at lumingon sa kanya. Nakangiti lang naman siya sa akin. 


I nodded and smiled back. I trust him. 




My Kingdom For A Kiss (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon