Royalty Series 1: My Kingom For A Kiss
Zaria Geraldine Mikaelson is a 'too good' to be true real life princess. She grew up with the responsibility of being the next queen. She knows that before she can rightfully take her throne she would need to b...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ZARIA
Napabuga ako ng hangin ng makilala yung tatlo na malalaki ang ngisi sa akin. Now, wala na yung atmosphere for me to say it.
"Thorne I miss you!" Sinundan ko ng tingin yung babae na tumakbo papunta kay Shadow at yumakap dito. Isa siya dun sa mga hindi ko kilala. Pinanood ko lang ang dalawa na magyakapan, may maliit na ngiti na naglalaro sa mga labi ni Shadow at hindi ko maiwasang makaramdam ng selos.
Sumunod yung isa na lalake naman, at nakipagfist bump lang ito kay Shadow.
"Z, ayusin mo naman yang face mo halatang nagseselos eh." Bulong ni Arabella na nasa tabi ko na pala at mukhang narinig ni Ivy yun dahil bigla itong tumawa.
"Dont worry..sa likod mo lang kami incase na maisipan mong sugurin ang nakakairitang nilalang na yan." Natatawang asar sa akin ni Ivy kaya inirapan ko na lang siya.
"Baby Z, I miss you so much!!" Nanlaki ang mga mata ko ng tumatakbong lumapit sa akin si Isak, na kababata ko at yumakap rin sa akin.
"Pagselosin rin natin ang Thorne mo, tingnan natin kung sino ang mas tatagal sa inyo." Bulong niya, kaya napangiti na lang ako.
Humiwalay na siya at humarap sa dalawa.
"Kayo naman ang lakas ng loob niyong pagbuhatin ako ng mga gamit niyo. Ano ko, bodyguard? Kargador?" Pilosopo nitong tanong at tinawanan lang naman siya nung dalawa.
"Thank you Isak, ikaw naman porke hindi kami si Z hindi mo na bubuhatin? Bestfriends niya kaya kami kung gusto mo ng dagdag pogi points dapat nagpapagood-shot ka sa amin." Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nila. Si Isak, kailangan ng pogi points? Hindi kapani-paniwala eh baka maging kaagaw ko pa yan kay Shadow eh!
"I only give my services to my princess."Nakangiti nitong sagot, at kung hindi ko lang alam na baklush ang isang to malamang kinilig pa ako. But infairness ah, magaling siya sa acting.
Napatingin kami kung saan nakatayo sila Shadow, ng makarinig ako ng tikhim. Nakatingin na pala silang lahat sa amin, kaya bigla kong naalala na hindi pa pala sila magkakakilala.
"Oh yeah, Shadow you met Ivy. Pero itong dalawang to pala hindi pa. Meet Arabella Wright is my cousin from the kingdom of Genyth and Isak Lennon a childhood friend from the kingdom of Seannon. Arabella and Isak meet Thorne Shadow from the kingdom of Stoviel and ?" Tiningnan ko yung dalawang kasama niya na hindi ko kilala at mukhang nagets niya naman.
"Nice meeting you Princess Arabella and Prince Isak, good seeing you again Ivy. Ito nga pala si Eleanor Campbell from the kingdom of Stailes and Austen Calder a good friend of mine." Pakilala niya dun sa dalawa, I smiled at them.